Part 1

36 5 0
                                    


(1)

Dear Crush,
Grade six tayo, malapit nang maggraduate ng elementary. Simula grade one tayo tayo na nang mga kaibigan natin ang palaging magkakasama. Kapag napapaaway ang isa lahat damay na. Sa mga kalokohan niyo pati ako kasali na. Sobrang close na close tayong tayong lahat.Sa inyo lang ako nakaranas na maglaro ng mga larong hindi ko malaro sa bahay. Alam niyo naman na puro barbie dolls at palaging tv ang kaharap ko. Strict ang parents eh.

Isang gabi kinausap ako ng Papa ko. Ang sabi niya dapat ay matataas na grades ang dapat kong makuha dahil gusto niya na nasa pilot section ako kapag naghighschool. Puno ng expectations si Papa at hindi ko alam kung magagawa ko. Ayokong madisappoint si Papa sakin kaya dapat ay magsikap ako.

Hindi ako yong palaaral na estudyante. Mga libro ko nakatambak lang sa kwarto. Inaayos ko ito ng gabing yon at pinili ang mga gagamitin kinabukasan.

Nang pumasok ako sa school tatlo ang dala kong libro. Nanibago kayo siyempre. Hindi ko kayo masyadong kinakausap dahil busy ako sa pag-aaral ko sa nalalapit na exam. Nang natapos ang klase ng first subject ay nagsimula nang umingay sa classroom natin. Ang mga kaibigan natin na nagtatawanan.

Nang nagseseryoso akong mag-aral eh nakaramdam ako na may kumakalabit sa likod ko. Uminit ang ulo ko dahil ayoko ng iniistorbo ako pag may ginagawa.

"Ano ba?!!" sumagaw pa ako at bumalik na sa pag-aaral.

"Alam mo crush ko si Eca." hindi ko alam kung sa akin mo ba sinabi yon o sa kanila. Halos mapunit ang libro ko dahil narinig ko ang pangalan ko mula sayo. Umiinit talaga ang ulo ko.

Nagsimula nang mang-asar ang mga kaklase at maging mga kaibigan natin. Tawa ka naman ng tawa habang ako ay inis na inis na at namumula sa galit.

Tumayo ako at tiniklop ang librong binabasa. Humarap ako sayo nang nakakunot ang noo at nakapamewang pa.

"Anong problema mo?!" inis kong sabi sayo. Tumawa ka muna bago nagsalita.

"Eca,namumula ka oh!" panunukso mo.

Gusto kong sabihin na namumula ako dahil sa inis ko sayo at baka nga ay nahahighblood na ako. Pero walang lumalabas sa bibig ko, parang napipe ako.

Nahagip ng mata ko ang mga libro kong nasa ibabaw ng desk.Kinuha ko yong nasa ibabaw at inihagis ko sayo pero nakailag ka. Ganon din ang nangyari sa pangalawa. Nang ihahagis ko na sana sayo yong pangatlo ay natigil ako dahil nagsalita ka.

"Kapag ibinato mo pa yang pangatlo, ibig sabihin niyan 'I love you'" seryoso mong sabi.

Nagsimula nanaman ang tuksuhan sa loob ng classroom na parang naintindihan ang sinabi mo. Nakatunganga lang ako dahil hindi ko alam kung anong koneksyon non sa tatlong libro.

"Anong konek? Nababaliw ka na ba ha? Kung ano ano ang pinagsasabi mo." sigaw ko sayo. Natawa ka na lang.

"Ilan ba ang words ng 'I love you' ?" tanong mo sa akin.

"Tatlo" sagot ko naman sayo.

"Pang ilan na yang hawak mong libro?"

"Tatlo."

Halos sumabog na ako sa inis sa kanya kaya naihagis ko yong hawak ko sa mukha mo at hindi ako magsosorry sayo. Ayon sapul sa mukha mo.

Tinawanan ka naman ng mga kaibigan natin pero para kang tanga na nakisabay pa sa tuksuhan tungkol sa ating dalawa.

"Ibig sabihin You love me? I love you too!" natatawa mong sabi.

"Ayyiiee!" panunukso ng ating mga kaklase.

"I love you'hin mo yang mukha mo!" pinulot ko na yong mga librong nagkalat at kinuha ko na rin yong bag ko.

Lumabas ako sa classroom sa sobrang inis ko sayo.


DEAR CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon