Chapter 1

691 20 10
                                    

Chapter 1

Nerd!

Kamukha mo si bugs bunny!

Laki ng mata mo! Para kang kwago!

Kadiri sungki mo!

Kadiri itusra mo! Yak! Ang dami mong pimples!

Emmy you're so gross!

Eeew!

Hindi dapat Emerald ang pinangalan sa'yo ng mga magulang mo kasi ang PANGIT MO!

WAHAHAHA!

Emerald shook her head at that thought habang nakaharap sa salamin. "HINDI AKO PANGIT!"

Sa tuwing haharap kasi siya sa salamin at pagmamasdan ang sariling mukha, lagi na lang nag-flashback lahat ng pangungutya sa kanya since highschool at college.

Kahit sa trabaho niya ay hindi pa rin naiiwasan na maging tampulan siya ng tukso dahil sa gesture niya at style.

Talo pa niya ang isang manang kung manamit. Lagi pang nakasuot ng eyeglasses at palaging naka-bun ang kanyang super black hair. Makapal at shapeless din ang kanyang eyebrows at never pang naglagay ng make-up sa talan ng buhay niya. May braces din siya sa ngipin. Few months ago kasi nang magdecide siyang magpalagay ng braces para maayos ang sungki niya sa ngipin.

At higit na tinutukso siya dahil sa hindi nito pagkakaroon ng nobyo o manliligaw sa talan ng buhay niya. Halos iwasan siya nang lahat ng mga kalalakihan nung highschool at college life niya. There was a time na kapag nalalaman nang crush niya na may gusto siya rito ay lalayuan talaga siya nang parang may ketong.

"Ano ka ba Emerald!" She hissed to herself habang nakaharap parin sa salamin. "Huwag mo na isipin ang mga nam-bully sa'yo noon. Just focus on your job right now. Diba masaya ka naman sa pagiging writer? Don't let your past distract you from writing good novels and stories!"

Si Emerald Martinez ay nagtatrabaho bilang creative director sa isang sikat na magazine brand. Ang Chocolate Magazine. Ang Chocolate Magazine ay kilala bilang isang lifestyle and showbiz magazine. Sikat rin ito dahil sa Love Advise section nito, kung saan pwedeng magpadala ng sulat o email ang taong nais na humingi ng payo tungkol sa kani-kanilang mga problema sa puso at ilalagay nila sa magazine ang mga tugon sa problemang ito.

Lingid sa kaamalan ng lahat ay hindi lang siya creative director sa magazine. Isa rin siyang hopeless romantic na novelist under the pen name of Gayla. Sa totoo lang ay dalawang novels na sinulat niya ang nagawa nang libro at mabenta ito sa mga bookstores. Kung minsan ay nakikita niya ang mga kasamahan niya na merong kopya ng nobela niya at lihim siyang nagbubunyi kapag pinupuri ng mga ito ang creation niya. Pero naiinis din siya sa mga ito kapag pinupuna lagi ang itsura niya.

"Emerald!" Pagtawag nang kanyang ina mula sa labas ng kanyang kwarto. "Mahuhuli ka na kung hindi ka pa lalabas diyan!"

"Opo nay!" Malaks na sabi niya. Sandali niyang in-examine muli ang sarili niya. She gathered her things at lumabas na nang kwarto niya.

"Anak naman! Bakit naman ganyan ang ayos mo?" Kunot noo ang kanya ina pagkakita pa lang sa ayos niya.

Tintingnan ni Emerald ang kanyang sarili. "Ano po ba problema sa suot ko nay? Ganito naman lagi ang suot ko ah."

Suot ni Emerald ang usual get up niya. Palda na lagpas tuhod ang haba. Ang kanyang blouse ay medyo maluwang sa kanya at halos di makita ang hubog ng katawan. She's wearing her black hair in a bun with eye glasses on at naka-flat shoes din siya.

"Alam mo talo ka pa ng kapatid mong bunso na napaka-kikay." Napapailing na komento ng nanay niya. "Kaya ka tuloy napagkakamalan na chimay. Hindi ba pwedeng mag-make over ka naman at nang magka-jowa ka na anak. Yang kapatid mo kinse palang pero dinadagsa na nang manliligaw."

Never been KissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon