*********************
"Uy Carlie! Si Adrian oh!"sigaw ni Lyka pagkapasok na pagkapasok nya palang sa room. Nandoon na naman siguro ang lalaking yun sa tapat ng room namin sa garden. Nagbabalandra ng kagwapuhan nya. Hmp!
Pinigil ko ang sarili kong lumingon sa kinaroroonan ni Adrian.
"Ayoko na sa kanya!" ganting sigaw ko. "Mula ngayon, ayoko na syang makita!" pagkasabi ko nun ay bumalik ako sa aking pagtulog sa aking armchair. Ayoko na kay Adrian eh! Nung isang araw ko pa sinasabi sa mga classmates ko na AYOKO NA! Nakakainis naman eh, sinabi ng magmomove on na 'ko! MOVE ON.
Unti-unting nanikip ang dibdib ko. Mapait akong napangiti.
Ang sakit palang magmove on. Yung tipong gusto mo siyang makita pero hindi pwede. Yung tipong gusto mo siyang sulyapan pero di ko magawa dahil baka mahulog ako lalo sa kanya.
Wala naman kasing mangyayari saming dalawa. Kilalang kilala ko sya pero di ko man lang alam kung alam nyang nag-eexist ang isang tulad ko sa earth.
Oo na, edi ako na ang timang. Nagkagusto ako sa taong di man lang ako magawang tapunan ng tingin. Nagkagusto ako sa taong hindi man lang ako kilala. Nasa iisang school lang kami pero ang layo-layo nya. Yung tipong ayaw nyang magpaabot.
Isa pa, may balita akong may nagugustuhan na siya, iyong dati nyang classmate. Si Melissa. Maganda sya, inside and out. And super duper cool. Bagay sila. Bagay na bagay. Hindi ako bitter. Sadyang ganoon lang talaga kaperpekto ang babaeng iyon. She's just too far from me. Malayo akong maging tulad niya kaya malayo din akong magustuhan ni Adrian
Weird ba? Nagmomove on ako kahit hindi naman kami nagkaroon ng relasyon maliban nalang sa pagiging schoolmates?? Uso naman yung martir diba? Yung one-sided love? Madami namang ganun eh. Sakit nun sa dibdib, pero wala. Sumugal ang puso ko ng hindi ko alam. Dehado tuloy ako.
Matamlay akong umuwi sa bahay. Magbibihis tapos mag oonlione agad, yan ang trabaho ko pagkadating sa bahay. Syempre iche-check ang status ni crush. Pero this time, di na ako mag oonline. Magmomove on na nga diba? Saka, namamayat na 'ko dahil laging puyat sa pagfafacebook.
Para makaiwas sa tuksong mag online bumaba ako nalang ako. Kakain nalang siguro ako.
"Mommy! Ano pong makakain dito?"sigaw ko.
"Makakain?" nagtatakang tanong ni mommy. Hindi kasi ako kumakain kapag ganitong oras, pagdinner lang. Kasi nga kasi dapat ONLINE ako ngayon. ONLINE!
"Opo, gusto ko pong kumain eh."sagot ko.
Hindi sumagot si Mommy, tiningnan nya lang ako ng parang ewan. Nakapagtataka bang kumain? Nagderetso nalang ako sa kusina. Ramdam ko pa nga ang titig ni Mommy habang naglalakad ako papuntang kusina eh. Binalewala ko nalang.
Binuksan ko ang ref pero bago yun may nakita akong sticky note sa ref tapos nakasulat dun yung sinulat kong 'Adrian'. Lagi ko kasing dinodoodle yung name nya eh . Nailing ako. Wala akong nakita, wala akong nabasa. Paulit ulit na sinasabi ko sa isip ko.
Aha! Nutella, yun nalang siguro ang papapakin ko. Saan kaya 'to galing?
Buti pa tong nutella, ang sarap, samantalang siya... Bakit ba sya napasok sa isip ko?
Nang magsawa ako sa nutella, I mean ng maubos ko na ang nutella nagpunta na kong sala. Ang sarap mg nutella eh. Matamis. Pumunta akong sala para manuod ng tv.
Ano bang mga palabas ngayon?
Napasabunot ako sa sarili ko ng marealize ko na natapos ko ang dalawang palabas na nakatitig lang ako sa dingding namin. Napansin ko ding daan ng daan si Mommy sa harap ko habang nakatingin sakin. Ang weird naman ata ni Mommy ngayon?