Chapter 11

6K 175 4
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 11...

NINOY INTERNATIONAL AIRPORT....

"My pretty inaanak!..." tiling sigaw ni Lovely ng makita nito sa arrival area na papalabas si Baby Elizabeth kasama sina Donya Zenaida at Czarinna. Patakbong niyakap niya ang bata saka pinaghahalikan ang magkabilang pisngi nito.

"Hello po mommy ninang!..." abot tenga ang ngiti ni Elizabeth na panay ang halik don sa pisngi ni Lovely. Dahil kilala naman niya ito at isang beses naring bumisita noon si Lovely sa California at lagi pa silang nag cha chat sa internet.

"How's your trip? Do you enjoy riding on the plane?.." masayang tanong ni Lovely sa inaanak.

"Yes po mommy ninang! So exciting and I likes it so much!..." inosenteng sagot ni Elizabeth sa kanyang ninang.

"Well, that's good!... " ani Lovely sabay baling nito kina Czarinna at donya Zenaida...."Welcome back home po mamita at best!..." wika ni Lovely sa mag ama saka ito nakipag beso beso.

"Thanks Lovely sa pagsalubong mo sa amin! Nasaan ba ang sasakyan?" anang donya Zenaida kay Lovely.

"Ay naroroon po sa malapit sa may gate dahil hindi na kami nakalapit rito dahil maraming sasakyang naka parked. Naghihintay na si Mang Damian kaya tara na doon at ng makauwi agad tayo!" sagot ni Lovely saka tumulong na ito sa pagdala ng kanilang mga bagahe.

Kalong kalong ni donya Zenaida ang kanyang apo sa may sasakyan at sina Czarinna ay Lovely naman ay naupo sa bandang likuran.

"Hoy, bakit kanina ka pa tahimik?." tanong ni Lovely kay Czarinna sabay siko nito sa kaibigan.

"Wa-wala!.." simpleng sagot nito kay Lovely.

"Anong wala! Tingnan mo nga iyang mukha mo at parang inagsakan ng isang tambak na problema? Ano ba ang problema mo bakit imbis na masaya ka dahil makakapag bakasyon ka at madadalaw mo ang daddy mo eh para bang may gumugulo sa isip mo?.." pabulong na tanong ulit ni Lovely.

"I will talk to you later" tanging sagog ni Czarinna at hindi na ito nagsalita pa tanging sa labas ng bintana ng can nalang niya inabala ang kanyang mga paningin sa pagtingin tingin sa mga nadadaang paligid.

Pagkalipas ng ilang sandali ay narating na nila ang IBAÑEZ MANSION at pagbukas palang ng gate ay nakita na nila si don Edmundo na nakaabang sa may main door at nakaupo sa wheel chair at kumakaway sa kanila.

Nagmamadaling pinabuksan ni Elizabeth ang pinto ng van at ng mabuksan na ay bigla nalang itong nagtatakbo papunta sa kanyang grandpa.

"Grandpa I'm homeee!!..." sigaw na wika ni Elizabeth habang tumatakbo ito patungo sa kanyang grandpa.

"Careful apo baka madapa ka!.." tuwang tuwa na sabi ni Don Edmundo at ng makalapit na sa kanya nag kanyang kaisa isang apo ay niyakap niya ito ng mahigpit.

"I miss you so much grandpa! I love you too!.." naglalambing na yumakap ito sa kanyang lolo at pinaghahalikan ang pisngi ng matanda at sa sobrang tuwa naman nito ay napaluha pa.

"I miss you so much apo ko at pinakamamahal kita na apo ko dahil nag iisa ka lang!.." sagot ng Don saka hinagkan hagkan nito ang pisngi at buhok ng kanyang apo.

"You still not okay grandpa?.." naitanong ni Baby Elizabeth ng mapambsin niya ang kinauupuan ni Don Edmundo.

"I'm fine already apo ko, but I used this for a while para hindi ako masyado munang mapagod. Gagamitin ko alng ito for how many days at pagkatapos noon ay balik din ako sa normal kong paglalakad. Grandpa need to be strong para magkaroon ako ng strength sa pakikipaglaro sa iyo!" wika ng Don saka nito ginulo gulo ang buhok na mahaba ng kanyang apo.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon