Nakaupo ako noon sa isang sulok. Tahimik na pinanunood ang bawat galaw mo.
Kausap mo sya. Yung taong halata naman na gusto mo. Nagtatawanan kayong dalawa at tuwang tuwa. Feeling ko nga umaasa na naman ako. No scratch that. Umaasa pa rin ako. Ansakit na makita kong sya ang kasama mo. Habang ako? Eto hanggang tanaw na lang. Kahit paglapit sayo ay di ko magawa. Antanga tanga ko. Ang tanga ko para mahalin ka ng ganito. Pero anong magagawa ko? Di ko mapigilan. Unti unti na kong nahulog sayo ng di ko man lang namamalayan."Grabe Jeck.. Mahal ko na ata sya."
Yan ang sinabi mo noon sakin. Na hanggang ngayon ay di ko makakalimutan. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Nginitian lang kita at sinabing,
"Lapitan mo na. Sus. Akala ko ba wala kang hiya?"
Pero sa loob loob ko.. 'Nandito naman ako ah?' Ang sakit isipin na hanggang kaibigan lang tayo. Pero tinanggap ko pa rin. Dahil doon ka masaya. Sa kanya ka sasaya. Pinipilit kong maging okay sa tuwing kasama kita at sya ang kinukwento mo sakin. Laging tungkol sa kanya.
Hanggang sa dumating yung araw na sinabi mong kayo na. At mahal na mahal nyo ang isa't isa.
"Congrats."
Yun lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Gusto kong umiyak nun. Gusto kong magmakaawa sa harapan mo na ako na lang ang mahalin mo. Pero di ko ginawa. Hindi ko ginawa hindi dahil sa may dignidad ako. Kung hindi dahil.. mahal kita. Mahal kita kaya kung saan ka sasaya ay di kita pipigilan.
Dumaan ang mga araw.. Kung dati lagi tayong nakakapag usap at nagkukwentuhan, ngayon wala na. Kahit 'Hi' at 'hello' wala na rin. Isa na lamang akong stranger sa paningin mo.
Oo na sa iisang classroom tayo.. nasa iisang school pero parang ang layo layo na natin sa isa't isa.
Ay oo nga pala. Ang mundo mo ay nasa kanya lang. Laging sya ang kasama mo. Laging sya.
Naaalala mo pa ba noon? Noong nasa isang lugar ako malapit sa bangin. Nakaupo. Umiiyak.
Sobra akong nasasaktan noon. Problemado. At walang makausap. Pero dumating ka at inabot mo sakin ang kamay mo."Jeck, nandito lang ako."
Inabot ko ang kamay mo. At niyakap mo ko ng mahigpit. Hinayaan kong saluhin mo ako at damayan sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Doon nagsimula ang lahat. Ang pagkakaibigan natin, ang mga tawanan at ang nararamdaman kong ito.
Oo nga't sinalo mo ako. Pero hindi pala iyon magtatagal. Dahil unti unti mo na kong binitawan.
Sa mga sandaling ito, gusto ko ulit pumunta sa bangin na iyon. Umaasang sasaluhin mo ulit ako. Pero hindi. Hindi na ulit mangyayari yun. Dahil may hawak kang iba. Hawak mo sya at alam kong hinding hindi mo sya bibitawan.
Tumayo na ako at umalis na lamang. Hindi ko na kayang makita pa na masaya kayong dalawa.
Hindi ito pagsuko. Hindi ko isusuko ang pagmamahal ko sayo. Oo hindi ko kayang ipaglaban pero hindi kita susukuan. Alam kong ganto ang tunay na pagmamahal. Kahit na ako lang ang nagmamahal. Sapat na sa akin na makita kang tumatawa at ngumingiti kahit na hindi ako ang dahilan ng mga iyon.