Kathryn's POV
Pagkatapos ng klase namin kay Sir Maralit eh break na namin. Inaayos ko na ang gamit ko ngayon.
Nauna na kasi yung barkada. Si Kats kasi parang isang linggong hindi kumain. Kaya ayun! Hahaha!
Ayan! Tapos na! Hoooo! Paalis na sana ako sa room ng may tumunog na kung ano.
*bzzzztttttttt bzzzzzztttttt*
Huh? Tiningnan ko naman yung phone ko baka kasi may nag text. Pero, nung tiningnan ko wala naman. Kaya hinanap ko na lang kung kanino yun ng maibalik na. Mukhang may nakaiwan kasi eh.
Hanap dito, hanap doon. POSTE! Where na you?! >.< Para na akong baliw dito. (_ _")7
Hanggang sa mapadaan ako sa chair ni DJ na katabi ko lang. May nakita akong cellphone. Mukhang sa kanya yung message.
Tiningnan ko naman kung kanino galing. Hindi sa chismosa ah! Titingnan ko lang naman kung sino eh. >.<
At dahil nga sa makulit ako tiningnan ko kung kanino galing yung text.
----------------------------------------------------
Text Message:From: Bie <3
-----------------------------------------------------
Bie? Tapos may heart eklabu pa. Napataas naman ang kilay ko. Sino naman kaya to? Close sila? At kung maka heart effect pa, tinalbugan lang ang name ko sa contacts ni DJ. =_=
At dahil nga sa CURIOUS ako, HAHA! Binuksan ko yung message. Baka kung ano na to eh.
------------------------------------------------------
From: Bie <3------------------------------------------------------
Hello Dhie! Labas naman tayo mamayang uwian. Nabobored na ako eh. Saka miss na rin kita! :* Kita na lang tayo mamaya sa may gate! Bye Dhie! Love U!
------------------------------------------------------
Yung totoo? Joke ba toh? =_= Kung oo, pwes hindi nakakatawa! Nakaka-palpitate! Nakaka-imbyerna!
"Oh! Kath. Ba't hindi ka pa nagbe-break?" Napalingon naman ako sa nagsalita. Si DJ pala. Pawis na pawis pa galing practice.
"Ah! Wala. Hindi kasi ako nagugutom eh." sagot ko naman at tinago sa likod ko yung phone niya. Tinanggal ko narin sa screen yung text nung Bie chu chu pero napansin ata ni Dj.
"Ano yang nasa likuran mo?" ani ni DJ sabay takbo papunta sa likod ko at inagaw yung hawak ko. T_T Edi siya na mabilis! >.< Napakunot naman ang noo niya nang makitang phone niya yun.
"Phone ko to ah." DJ.
"Ay! Hindi. Saakin yan." sarcastic ko namang sagot.
"Psh! Seryoso. Ba't nasa iyo to?" tanong naman niya DJ.
"Nakita ko kasing pakalat-kalat eh." I lied. Sensya naman. (_ _")7
"Pakalat-kalat? Eh parang naayos ko naman to kanina ah?" ani ni Dj na parang nagtataka.
"Anyways! Lika na nga! Nagugutom na pala ako. Dali! Dun na tayo sa canteen!" mabilis kong sabi at ipinagtulakan na siya palabas.
"U-uy. Teka naman!" ani ni DJ. Napahinto naman ako katutulak.
"May nangyare ba Kath?" takang tanong niya na inilingan ko naman.
"Nangyari? Wala naman." patay malisya ko namang sagot.
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
HumorMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...