Epilogue
6 months later
Kat
"Ready Katrina?" Sumilip si Rafael sa office ko. Magbabakasyon kami ng matagal para maasikaso ang hacienda. Kaya tinu-turn over ko kay Mina ang mga pending na trabaho. Hindi na din ako tuluyang nagresign, pero hindi na ako masyadong hands on. Ipinaubaya ko na din kay Mina ang dati kong posisyon, at ako naman ay nag-su-supervise na lang, para daw mas magkaroon ako ng oras sa hacienda.
"Just a few more minutes. Antayin mo na lang ako sa lobby."
"Ok... See you in a few."
Pagkasara ni Rafael sa pinto ay nagtititili naman si Mina!
"Pwede ba!!!! Kelan ba mauubos yang kahibangan ko kapag nakikita mo sya?"
"Maybe tomorrow, maybe next month, maybe next year... MAYBE NEVER!!! Bongga ka talaga day! Wa ako masabi sa mala-rupunzel mong buhok! Basta.. Kung magsawa ka na sa kanya.... Tumatanggap ako ng mga hand me downs!!"
"Baliw!"
"Ok sige... Maghahanap na lang ako ng kamukha nya." Nawala ang ngiti ko.
"Sorry ka na lang dahil nag-iisa lang sya sa mundo."
"Wuuuuu... Talaga nga namang makakalimutan mo si Richard kapag ganyan, kagwapo, ka-macho at kayaman ang jowa mo!"
Tinaasan ko sya ng kilay. "Pwede ba Mina... Patahimikin na natin si Richard. Naka move on na ako ng bonggang bongga, milya milya na nga."
Napahawak si Mina sa bibig nya. " ooooopppsssss... Sorrrrrrryyyy... Palagi akong nag-kaka-amnesia. Hayaan mo, iuumpog ko ng 10k times ang ulo ko para matandaan ko."
Natawa naman ako sa bestfriend kng baliw. "Wag na, baka sagutin ko pa pampaosital mo."
"As if naman hindi mo kaya.. Kahit 50 times pa akng ma-ICU, kayang kaya mong sagutin yon!"
"O sige na nga... Magpaumpog ka na.. Now na!"
"Ikaw naman, parang hindi ka mabiro.. Ano naman ang mangyayari sa kagandahan ko kung sisirain ko ang ulo ko? Kawawa naman ang magiging jowa ko, kung hindi nya maaapreciate ang mala-dyosa kong kaanyuhan!"
"Haaaistt.. Puro ka biro. Sige na nga, makalayas na. Alam ko namang kabisado mo na ang trabaho na 'to. You don't need any more instructions."
"Lam ko.. Ikaw lang naman ang paranoid at feelingera dito. Feeling mo na hindi magiging successful ang projects kapag wala ka! "
"Bakit? Hindi ba?"
"Hindi! Kaya lumayas ka na, dahil may gwapong nag-iintay sa 'yo sa baba. Sige ka, maraming gustong bumingwit dyan, hindi pa kayo nakakasal, baka maunahan ka!"
"Baliw!!! Hindi na titingin sa ibang babae yon! Lam mo namang ako lang ang mahal non!"
"Mayabang ka! Umutot ka sana ng malakas para naman mabawas bawasan ang hangin mo sa katawan!. Lumayas ka na nga!"
Natatawa ako habang inaayos ko ang gamit ko. What will I do without my best buddy? Yung kabaliwan nya ang palaging nagpapatanggal ng stress ko. Matagal-tagal akong mawawala kaya mamimiss ko itong bruhang palaging nagpapatawa sa akin.
Hinatid nya ako sa elevator.
"O pano... Ako na reyna dito."
"Reyna mo mukha mo! 'Wag na 'wag kang magkakalat ng lagim dito a!"
Nagtawanan kaming dalawa.