Emmie
Alam mo yung blessing talaga? Lord, sobrang thank you po talaga. Yung tinuro sa kin kahapon ni Mister Pogi lumabas. Kahit naman distracted ako sa gwapong mukha niya, nakikinig pa din ako oy. Wag kayo. Sayang ang future. Kelangan pang mag intay intay ng konti. Haha.
Kaya naman ngayon hinahanap ko si kuya. Pano ba naman, kelangan isauli ko sa kanya itong notes nya atsaka gusto ko din magpasalamat sa pagtulong niya sa akin. Para na rin pa good impression. Alam mo na, na marunong parin akong sumauli sa mga bagay na di akin. Turo yan ni mama sa akin eh.
Gusto ko din siya itreat. Okay lang ba? O di bagay na babae ang nag tretreat sa lalaki? Hmm?
Bahala na. Pang thank you lang.
Habang naglalakad ako sa campus, nakita ko na din siya kasama mga barkada niyang mga lalaki.
Ano ba to. Nakakahiya naman na lumapit sa kanila. Pero HOO HAA, kaya ko to. Isauli lang Emmie, isauli lang. Yun lang, yun lang. Sabi ko sa sarili ko.
Wait, practice muna.
First Trial:
"Hi. Eto oh." Uhm? Parang ang harsh naman. Baka nakalimutan niya ako. Haay.Second Trial:
"Annyeong haseo. Gansahamnida." Ayy? Baka akalain niyang alien ako. HuhuThird Trial:
"Hi po mister. Eto po yung notes. Salamat po." Hmm? Much better? Tss. Bahala na nga si batman. HuhuNagsimula na akong maglakad at lumapit sa kanila.
"*cough* uhmm" sabi ko nang nakuha ko attention nila. NILA talaga. Nakakahiya na.
"Uy, hi! Kumusta? Naintindihan mo na ba yun Emmie?" He smiled with dimples seen.
Ako? Nganga. Gwapo eh. Nakakaflatter din. Di niya ako nakalimutan. Huwaaaa! Road to forever na ba to Lord? Kasi kinikilig na ako habang iniisip. Haha
"Hey."
"Ay palaka."
"Haha. Hindi naman ako mukhang palaka ha. Mas gwapo ako nun. Hahaha"
Goosh, kay gwapo niya pa rin tumawa. Ayee.
"Ay, hehe. Sorry po-"
"Quit the po. Okay?"
"Ay sorry po. Ay joke. Haha. Sorry. Ano, yang okay lang. Salamat pala sa pag turo mo sa akin. Nakakatulong talaga. Eto nga pala. Thank you."
Tinanggap niya ang notes na sinauli ko sa kanya.
"Buti naman at nakatulong ako. By the way, mga kaibigan ko pala. Si Mark (yung lalaking chinito), si Danver (yung nakabraces) at si Gab (yung mukhang naka poker face). Guys, si Emmie."
"Hello po. Nice to meet you." Sabi ko sa kanila.
"Ahh. Atlas, graduate ka na rin. Hahaha. Congrats bro!" Sabi ni Mark.
"Loko ka. Tumahimik ka oy. Haha. Walang laglagan bro. Hahaha."
"Hi Emmie. Gwapo ba si Kenneth?"
"Uh? Ha? Aah-"
"Huwag mo yang pakinggan sila. Nantritrip lang yan. Tara." At hinila niya ako palayo sa mga kaibigan niya. Nakita kong tawa ng tawa si Mark. Nakakalokong ngiti naman si Danver at poker face pa rin si Gab. Ang weird. Anyare?
"Huh? Saan tayo?"
"Tara. Kain tayo. Nag lunch ka na ba?"
"Ah, wala pa. Hehe."
"Tara. Libre ko."
"Ha? Nakakahiya naman. Wag na. Pero on the second thought, dapat ako maglilibre sayo."
"At bakit naman?"
"Kasi pasasalamat ko lang sa pagtulong mo sa akin nun."
"Haha. Wag na. Masaya na ako na nakatulong sa iyo. Ako manlilibre sa ayaw at sa gusto mo. Take it or leave it." Sabay kindat pagkasabi niya.
Anyway, sino ba ako na magpakipot na? Siya na ang nag insist. Haha. Ang haba na ng buhok ko. Eto na ba talaga si Mr. Right Lord? Kasi kung oo, handa na akong magmahal na may kaakibat na pain. Kasi partners daw yan diba?
"Sige. Sabi mo yan ha." Sabay kindat ko din sa kanya at nauna na akong maglakad patungo sa mall kung saan kami kakain. At nakita kong nakatulala siya kaya tinawag ko na.
"HOY MISTER! HALIKA NA!"
"PAPUNTA NA MISS!" sagot niya.
Ane be yen. Endearment na ba ito? Mister and Miss? Haha. Pageant lang? Pwede din. Maganda at gwapo naman kami. Oh ha!
BINABASA MO ANG
Doctor's Key To Love
RandomA love that waits no matter what, is an important matter to relationships. This story is all about Emmie hoping for someone that would love her but with the challenge of developing an attitude of waiting to both of them. Waiting. Remember it is ea...