The Painful Confession (Oneshot)

406 71 49
                                    

"PAIN is just a word, but once you experience it you want to regret"

"PAIN is the hardest thing to stop!"

"Felt to be broken is a sign that you' ve really fall inlove"

----------------------

A/N:

Suggest ko lang po, maganda siyang basahin kapag may background music.. Para dama mo talaga..

Libreng magkomento kahit saang lupalop ng kwento.

Handa ka tissue, kung wala hayaan mo na.. May damit naman. :)

Hindi naman 'to nakakaiyak ee.. Promise! Tatawa ka pa..

------------------------

Mahirap pigilan ang puso'ng may umusbong na pagmamahal. Masakit pero masarap sa pakiramdam.

Pero...

Bakit napakadaya ng tadhana? Ang hirap kaya'ng itago ang nararamdaman ko sa kaniya. Kahit anong pilit ko, tumatakas parin ito kahit naikulong ko na sa hawla..

Sana masabi ko na Mahal ko siya. Para hindi na 'ko mahirapan at magmukhang tanga sa harap niya. Pero saan ba ako magsisimula? Kung sa una palang na ibubuka ko ang bibig ko, kusang umuurong na ang dila ko.

Nakakatakot rin naman umamin lalo na kung ako lang ang may nararamdan samantalang siya wala namang pag ibig sakin.

Pero hindi naman siguro masama umasa hindi ba? Lalo na wala naman pruweba na may karelasyon siya'ng iba.

Gusto ko'ng mahalin niya ako, katulad ng pagmamahal ko sa kanya para naman hindi na lagi ako nagpapantasya.

Kelan kaya ako sasaya? Yung tipong ngingiti kapag kasama ko siya.. Yung ipaparamdam na mahal namin ang isa't isa, minu-minuto at sigu-sigundo..

Alam ko'ng malabo, dahil alam kong KAIBIGAN lang ang turing niya sakin. Pero mala'y ko bang may maliit na parte din ako sa puso niya, hindi lang bilang pagiging kaibigan ko sa kanya.

Napakagwapo niya, Bakit hindi ko ba maialis ang mata ko sa kanya?

Andito ako ngayon sa may gilid ng room niya. Nakadungaw habang pinapanuod bawat ekspresyon ng mukha niya.

Napangiti nalang ako dahil napakaswerte ko, dahil naging kaibigan ko siya. Kaibigan na ako ang unang bumagsak na umaasa na masasalo rin niya.

"Lovely, andito ka pala.. What are you doing here??"- nagulat nalang ako na nasa harap ko na pala siya. Si Rio Peralta na kaibigan ko na ng apat na buwan. Si Rio na hindi alam na may lihim akong pagmamahal.

Naiilang na ngumiti lang ako sa kanya..

"A-Ahh.. Hehe.. Napadaan lang"- palusot ko. "Hahaha!S-Sige, aalis na ko"- paalis na ko ng maramdaman ang kamay niya sa braso ko. Literal na bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"Bakit??"- ngumiti siya sakin. Para naman akong malulunod sa ganda ng ngiti at titig niya. Para'ng gusto kong magtago para pigilan ang kilig at saya'ng nararamdaman ko..

Unspoken PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon