Teaser =) Nagsimula sa patikim-tikim

3.5K 15 0
                                    

Teaser: from Chapter 4 ng Jeepney Love Story..James: ang karog ng Puso ko! (pabasa nalang po para mas masaya! xD)

Nang sinama ni Fate si Zarren para makipag blind date daw kay Anghel...

“Hindi mo yata gusto ang place”-tanong ni Anghel kay Zarren.

“Ok lang.”

“Badtrip? May mens siguro. ”

“Close tayo ha?”

“Bakit ba ang sungit mo?”

“Ako, masunget? Bakit di mo ba ko natatandaan ha?”-mejo napalakas yung boses ni Zarren kaya napatingin ako sa kanila.

“Huh? “

“Natrauma 'ko nang dahil sayo noh.”

“Teka, wait, paintindi mo nga sakin. Di kita maintindihan eh.”

“So gusto mo pa talagang ipaalala ko sayo ang lahat? Para sa kaalaman mo, ako lang naman yung batang walang awa mong pinahidan ng kulangot nung grade three.”

OMG. Sa lakas ng pagkasabi ni Zarren, ay parang dinig ng lahat ng tao sa resto ang sinabi nya. Halos sumigaw na sya nun eh. Tsk, hindi ko alam kung hahalakhak ba ko o magpipigil ng tawa. Pero pinigil ko, kasi parang maiiyak na si Zarren. Haha.

Tahimik lang si Anghel. Pero bumigay din sya. Grabe ang halakhak ng loko. Naku patay na, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan nito.

“Nakakatawa, nakakatawa? Sige. Kala mo makakalimutan ko yun ha. Tandang tanda ko yun, kapal mu ha.. May mukha ka pang ihaharap sakin ngayon ha. Alam mo ba na matapos mo kong pahiran noon sa harap ng mga classmates natin ay di na nila ko pinansin. Wala nang nakipag kaibigan saken alam mo ba yon ha.”

Naman, ngayon ko lang nalamang grabe palang magdrama tong si Zarren. Ang lalim ng pinaghugutan ng emotions nya ha. Imagine, kulangot???Hahaha, pero alang basagan ng trip. Tindi nya.. malay ko bang may malalim syang pinagdadaanan. Haha, tamang trip lang.

Pero kahit papano ay ayoko parin syang husgahan. Syempre dahil friend ko sya ay susuportahan ko sya. Kahit ano pang trip nya.

Parang natulala si Anghel sa mga sinabi ni Zarren. Ang tindi ng pagkakatitig nya.

“Zarren Balabis?? Ikaw nga. “

“Ako nga. Wala ng iba.”

“Look, sorry. Hindi ko naman yun sinasadya eh.”

“Hinde? Kadiri ka talaga. Jan ka na nga!”

Yon at tuluyan ng nag walk out si Zarren. Syempre sinundan ko sya. Moral support lang. hehe, ang totoo ay gusto kong malaman ang buong kwento. Curious ako kung pano sya pinahidan, kung gano kalake, kung malagkit o matigas, o kung binilot ba muna bago ipahid sa kanya. Hahahahaha! Astig.

Syempre totoong kaibigan ako eh, kaya handa akong makinig sa kanya. Hirap kayang magpigil ng tawa..

Yun nga, grabe naman, paglabas nya ng resto, akalain mong may huminto agad na taxi sa tapat nya. Parang pang tv lang ah. Buti nalang nakasakay din ako.. yun, tinext ko nalang si James na hindi na kame makakabalik. Badtrip si Zarren, ni hindi manlang ako nakalibre ng lunch ah.

Sayang pero ok lang minsan lang naman ako makarinig ng story na mula sa kulangot eh.. ang matindi nyan kung may buhok pa.. bwhahaha, grabe ang mga pinag iisip ko nun. Haha

Pag ako napatawa ng malakas, yari ako kay Zarren, mas mahirap kayang pigilin ang tawa kesa ihi.

Nung nakabalik na kami sa kanila….

“Uy, ano ba, para namang tanga to oh, ano ba talaga ang storya, sabihin mo na.”

“Yun nga pinahiran nya ko dati.”

“Ng?”-(pang asar na tanong lang)

“Kulangot.”

“Kulangot nya?”

“Oo, gagi naman oh. Alangan namang kulangot pa ng iba ang ipapahid nya.”

“Hehe, so bakit ka affected pa hanggang ngayon eh ang tagal tagal na non ah.”

“Hindi mo kasi naiintindihan.

“Ano nga arte mo ah”

“Ikaw kaya pahiran ng crush mo sa harap ng classmates mo di ka ba mat-trauma?”

“Huwaat? Crush mo si Anghel? Oh c’mon mamon.”

“Hindi ah.”

“Weh, huli ka nang balbon ka. So, arte artehan ganon. Gumawa ka pa ng eksena ah. Tindi mo tol. Kulangot lang yon. Unless…”

‘Unless ano?”

“Unless, hanggang ngayon tinatabi mo parin ang kulangot nya?”

“Baliw!”

“Weh, patingin nga ng kwarto mo baka dinikit mo pa yan sa kisame noh para lagi mong makikita. O kaya kinahon mo pa noh.”

“Adik ka talaga. Tantanan mo nga ako Fate. Nakakainis ka na ah.”

"Wait lang, san ba napahid?"

"Sa ano , sa pisngi "

"hahaha, anong lasa?"

"Yuck, baboy mo."

"Ako pa baboy kaw na nga dumila"

Silence....

“Ok,fine. Sige. So anong balak mo?”

“Wala. Ayoko syang makita.”

“Naman. Sayang. Ok fine. Kala mo pipilitin kita. Sige. Pero pag nagbago isip mo sabihin mo lang. Geh, babush na. Ipreserve mong maige ang kulangot nya ha. Lagyan mong pormalin. haha “

Haha, binato pa nya ko ng suklay nung palabas na ko ng pinto. (continue to prologue =)

It Started with a 'K'  (from A to Z)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon