Chapter 5

5 0 0
                                    

Ito ang ikalawa kong kasalanan.

Ang una ay ang pagpapabuhay sa kanyang muli.

Nang sumapit ang gabi, alam kong nakarinig ako ng tunog na parang may ngumunguyang buto.

Kaya hinanap ko kung nasaan nangagaling ang tunog. At nalaman ko na kung saan ito nanggagaling...

Sa Basement.

Tinungo ko ito. At unti-unting binuksan ang pintuan....

Laking gulat ko sa aking nakita.

Ang asawa ko, hindi halimaw ang dapat kong itawag..
Kinakagat at tila ba inuubos ang tira tira ng buto galing sa tila bang lasog lasog ba katawan ng tao.

Nanindog ang aking balahibo sa aking nakita at muntik nang makalabas ang puso ko dahil sa kaba nang makagawa ako ng ingay ng di ko sinasadyang maapakan ang plastik na nakakalat.

Buti nalang at nakatago ako agad at hindi niya ako nakita.

Dahan dahan kong isinara ang pintuan at bumalik agad sa kwarto ko.

Magdamag akong umiyak sa sinapit ng aking asawa. Hindi ako makapaniwala sa kanyang anyo. Hindi ko na talaga siya kilala.

The RitualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon