f i f t e e n

36 4 1
                                    

Jia's POV

"BAKIT HINDI NYO MAN LANG SINABI O BINANGGIT NA MAGKAKAKILALA'T MAGKAKAIBIGAN PALA KAYO?!" panenermon ni Brie sa tatlong ugok na kasalukuyang namumutla dahil naga-ala dragon na itong babaeng 'to.

"Ah-eh, 'd-di naman namin alam e-e."
"A-akala n-namin, n-nahalata n-nyo n-na."
"Bakit? Nagtanong ka ba? =___=" agad na napatingin ang dalawa ng biglang sagutin ni Chann si Brie. Dahan-dahan na tinignan nina negers at baba si Brie na ngayo'y nanlilisik na ang mga mata.

*pak*

TT___TT - Chann

"AYUSIN MO ANG PAGSAGOT MONG TENGA KA!" bulyaw sa kanya ni Brie't napatawa ako ng mahina dito. Nasa garden kami ngayon dahil wala kaming teacher. 3 days na din simula ng lumipat si Shaun dito't masasabi kong, LALONG UMINGAY ANG BARKADAHAN NAMIN. Idagdag mo pa si Rae, yung isa pang transferee. Kung nagtataka kayo na wala sya dito, well, di namin alam dahil di sya pumasok ngayon.

"Sorry na Brieanne!" pagmamaka-awa ni Jacque. Aww, poor negers. *iling iling*

"Oo nga! We're sorry! We thought that you two, already knew that we're childhood friends." kawawa din si Shaun. 3 days palang pero ganito na na-experience nya. Sabagay, di naman nya na-experience ang cold side ni Brie.

"Eto naman 'di mabiro. Sorry na okay? Akala ko nung monday nahalata nyo na since nag-bro fist kaming tatlo pero hindi parin pala. Hoy sungit, akala ko bang matalino ka? Bakit pumupurol na ata? =_______=" agad na tumingin ang dalawa kay Chann dahil sa sinabi nya. Ayos na sana, mayroon pa syang pahabol. Sigurado akong sya ang pinaka-kawawa sa tatlo.

"ARAAAAAAAAAY! (ಥ_ಥ)"

Napa-iling nalang kami kay Brie na naglalakad palayo at kay Chann na naka-higa na ngayon sa damuhan. Alam nyo ba kung anong ginawa ng bruhang yon? Well, sinipa nya lang naman ang bagay na pinakaiingatan ni Chann. Tsk. Poor creature. *iling* *iling*

Nakita ko namang nilapitan ako ng dalawang nakaligtas sa bagsik ni Brie. Nagkatinginan kami ni Jacque at nagkibit-balikat sya.

"Uy, bakit ganun ang reaction ni Brieanne?" manghang tanong ni Shaun sa amin. Tinignan ko si Jacque at parang gusto nya na ako nalang ang sumagot.

"Well, may issue kasi yang si Brie pagdating sa mga sikreto. Sya yung tipo ng tao na kapag naging kaibigan ka nya, kailangan ay alam nya ang bawat detalye tungkol sayo." paliwanag ko't tumango-tango sya.

"Hindi ba parang unfair yun? Kasi ikaw kilala ka nya pero sya di mo sya kilala?" tanong ulit nya't sinagot sya ni Jacque.

"Well, kung di mo talaga kilala si Brieanne ay parang unfair. Trust me bro, once na kaibigan mo yan ay sya na ang magku-kwento ng talambuhay nya kahit di mo tinatanong. Brieanne is a talkative girl. Kaya naman magugulat ka nalang na buhay na pala nya ang topic ng usapan nyo. Magaling sya magpa-ikot ng kwento, di mo namamalayan na iba na pala pinagku-kwentuhan nyo." paliwanag ni Jacque at natawa ako. Totoo naman kasi, si Brie yung tipong ang ganda ng usapan tapos bigla nalang nyang ishi-shift sa ibang topic.

Napatingin ulit kami kay Chann na namimilipit parin sa sakit. OA ba? Wag kayo, masakit manipa si Brie. Nasipa na nya ako dati't pinagsisihan ko ang pang-aasar sa kanya. =______=

"Hindi nyo ba ako tutulungan? (ಥ_ಥ)" pagpaparinig nya sa amin at tinawanan namin sya. Tinayo sya nina Jacque at Shaun.

"Mag-sorry ka dun." utos ko sa kanya't kumunot ang noo nya.

"Bakit?"

"Narinig mo naman siguro pinag-usapan namin diba? Mag-sorry ka kung ayaw mong magalit yun sayo." saad ko't tumango sya. Nauna akong naglakad sa kanila't narinig ko ang tawanan nila.

The Derp and I (Chanyeol FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon