Chapter 106: Getting deeper?

436 2 0
                                    

Mark's POV

"Mark..."

Tawag sa akin ni Wendy habang tumatawid mula sa kabilang kalsada papunta sa kinatatayuan ko.

"Hindi pa ba tayo uuwi, Mark?"

"Tara na. Umuwi na tayo"

"Si Ashleen ba? Nakauwi na siya?"

Tumango nalang ako.

"Okay ka lang ba?"

"Oo naman. Si Xander lang naman yun. Matagal nang ganun ang ugali nun. Hindi na magbabago yun. Minsan lang talaga, tumataas yung dugo ko"

"Bakit kasi nakikisali ka pa sa dun? Usapan nina Ashleen yun db? Hindi na natin kailangang makisawsaw pa dun."

"Kaibigan natin si Ashleen. Kailangan lagi nating pinoprotektahan ang isa't isa di ba?"

Tumango nalang siya.

"Umuwi na tayo. Si Jayem ba!?"

"May basketball training daw"

"Ahh. Ganun ba? Tayong dalawa nalang."

Nagsimula na akong maglakad nang bigla akong pigilan ni Wendy.

"Mag tricycle nalang tayo. Gusto ko na rin kasing makauwi agad kasi ang init init"

"Osige.."

Nagpara ako ng tricycle para mapagbigyan siya.

---------------

Dinner time.

As usual, wala sila Mama at Papa dahil nga busy sa business nila. Ganun naman palagi e. SANAY NA!

Kaming dalawa lang ni Wendy at sila Manang ang nagsalo-salo para sa hapunan.

"Paabot naman yung adobo"

Nang biglang dumating si Jayem. Haggard na haggard at pawis na pawis pa.

"Kain" yaya ni Wendy kay Jayem.

"Oo nga! Gutom na gutom na rin ako at.. Uhaw na uhaw. Tubig nga!"

Agad agad namang tumayo si Wendy para kumuha ng tubig ni Jayem.

"Umupo ka na dito. Kumain na tayo" sabi ko sa kanya.

"Grabe. Nakakapagod."

"Bakit ba kasi sumali ka pa sa training?"

"Dude. Basketball is my life. Yun na nga lang inspirasyon ko, wawalain ko pa"

"E pwede namang.. Tayong dalawa nalang ang magbasketball di ba? Tayong dalawa.. Laro tayo. Laban."

"Pangarap kong makasali sa PBA o kaya sa NBA kung papalarin"

"Yun lang ba talaga ang choices mo para sa future mo?"

"Gusto ko maging.. Coach? Or.. Uhm., P.E teacher. Anything. Basta connected sa sports.."

"Hmmm"

"O eto na tubig mo.." Sabay lapag ni Wendy sa harapan ni Jayem.

"Salamat" - Jayem.

---------------------

8:30 pm.

Sa hardin.

Nagiisip ako.

Iniisip ko kung..

Kung ano ano ba yung mga tamang salita na dapat kong sabihin para maintindihan ni Wendy ang lahat.

Kung sa paanong paraan ko ba ipapaliwanag ang lahat para maintindihan niya.

Hindi ko alam.

"Mukhang malalim ata iniisip mo ha? Assignment ba yan? First day pa lang ah?"

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon