Chapter 9

7.6K 239 8
                                    

            Chapter 9

"Natahimik ka na simula pa kanina."

Huminga ng malalim si Bloom at tumingin sa mukha ng binata.

"Am I that bad?" bigla niyang tanong.

Kumunot ang noo ng binata at matamang tumingin sa kanya.

"Your not bad." sagot nito.

Napahinga ulit siya ng malalim.

"Pakiramdam ko ang sama ko kanina. Ngayon ko lang na-realize after makaalis ng ex mo. Masyado ko siyang na-murder pero hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko. Maybe I'm just crazy or what..."

"Your not crazy. Your jealous and it's normal..." nakangiting wika ni Clear.

Pinisil nito ang tungki ng ilong niya at nahawa na tuloy siya sa ngiti nito hanggang sa matawa siya ng mahina.

"Dahil diyan, nalaman ko tuloy na masama pala akong magalit... Kaya ikaw, bago ka gumawa ng anumang kalokohan mag-isip ka munang maigi..."

Amaze na napatingin sa kanyang mukha ang binata. Tumawa ito ng mahina at napamulsa sa bulsa pantalon nito. Nasa malawak silang garden at kasalukuyan siyang itini-tour doon ni Clear. Mukhang marami silang gagawin ni Gida dahil ang lawak ng garden. Doon pa man din napili ni Cassey na idaos ang nalalapit nitong birthday.

"Hindi ako gagawa ng kalokohan at wala namang taong mabait kapag nagagalit... Anyway... Come with me."

Nabaling na ang buo niyang atensyon kay Clear. Napatingin siya sa kamay nitong nakalahad..

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

The guy grin in excitement.

"Basta."

"Anong basta?"

"Basta wala lang..."

Na-curious siya sa sagot nito. Tumingin siyang maigi sa mga mata nito.

"Sige, gusto kong malaman kung ano iyang... Basta wala lang..." nakangiti niyang sagot.

Inabot niya ang kamay nito at marahan siya nitong iginiya papunta sa may garahe. Doon ay nakita niya ang astig nitong motor. Bumitaw ito sa kanyang kamay at lumapit sa sasakyan. Binuksan nito ang trunk at kinuha ang isang helmet. Lumapit ito sa kanya at iniabot iyon. Kinuha niya agad ang helmet at isinuot. Matapos iyon ay kumuha ulit ng isa pang helmet si Clear at agad na isinuot iyon. Sumakay ito sa motor at agad naman siyang lumapit sa binata. Sumakay na rin siya sa sasakyan. Napahawak siya sa mga balikat nito.

"Kumapit kang maigi." paalala pa nito.

"Okay."

"Tara na!" announcement pa nito.

Agad na nitong pinaandar ang motor. Ilang sandali lang ay binaybay na nila ang malawak na bakuran ng mga ito hanggang sa makarating sila sa may gate. Napahinto sila doon ng ilang sandali dahil hinintay muna nilang magbukas ang higanteng gate. Pagkabukas noon ay agad na nitong pinasibad palayo ang sasakyan. Binaybay nila ang malawak na siyudad hanggang sa tuluyan na silang lumabas doon... Napangiti siya ng makita niya ang paligid dahil puro puno at kabukiran ang nakikita niya. Malayo na sila sa kabihasnan.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya kay Clear.

"Wala lang. Basta mamamasyal lang tayo kahit na saan at bahala na talaga kung saan tayo makarating." nakangiti nitong sagot.

Natawa siya sa kanyang narinig. His idea was really cute and sweet. Tumingin siya sa paligid at nakita niyang papunta sila sa isang lugar na may malawak na damuhan. Huminto ang sasakyan at napahanga siya ng bumaba siya sa sasakyan. Sa ibaba ng damuhan ay nakikita niya ang malawak na dagat na may malalaking alon. The view was perfect because it was nearly sunset...

MEN IN ACTION 6: CLEAR IMPERIALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon