Chapter Nine

32.9K 507 6
                                    

His Past Time Girl by LittleRedYasha

Chapter Nine

Hindi ko alam kung saan ang venue na 'yon. Mahaba kasi ang biyahe namin. Nang dumating kami, marami nang nakaparadang magagarang kotse at may nagsisipasukan na magagara din ang suot. Parang ayaw humakbang ng mga paa ko. Bigla na naman kasi akong nag-alangan.

"Let's go, Sandy?" sabi sa 'kin ni Jeric.

"Kinakabahan na naman ako.. ."

"Sabi ko naman sa 'yo 'wag kang kabahan kasi kasama mo 'ko,"and he squeezed my hand.

Pumasok na kami sa malapad na entrance nang magkahawak-kamay. Ang dami nang dumadating na bisita. Mga mukhang seryoso at hindi yata alam ang salitang ngiti. May mga nag-uusap pero paniguradong tungkol naman sa negosyo nila.

Hindi talaga ako bagay sa mga pagtitipong ganito. Mas gusto ko pang doon na lang ako sa condo ni Jeric at manood ng tv at kumain.

"Jeric, magtatagal ba tayo dito?" tanong ko sa kanya.

"Depende. To be honest with you, Sandy, I really don't feel like going to business functions gaya nito. Boring kasi. But I'll really make sure na makakaalis tayo nang maaga," he gave me a reassuring smile. Somehow, nabawasan naman ang kaba ko dahil du'n.

"Kuya!"

Isang maganda at sophisticated na babae ang nagmamadaling lumapit sa direksiyon namin at humalik sa pisngi ni Jeric. Tinawag siya nitong Kuya. Ito na ba ang kapatid niya?

"Jennica, hi!"

"I almost thought you're not coming!"

"Pwede ba naman yun? How are you little sister? How's Italy?"

"How about you introduce me to your beautiful date first?"

Tumingin sa akin yung Jennica at nginitian ako na umabot pa sa mga mata niya.

"Yes. Ahm, Sandy, I'd like you to meet Jennica Trias, my younger sister, Jennica, meet Sandy, my special friend,"

"Hello, Sandy, how are you?"

"Ahm, mabuti naman. Salamat. I-ikaw?" kinakabahan kong tugon.

"I'm glad to meet you! You really are pretty."

Nag-init ang pisngi ko.

"Ikaw lalo ka na. Ang ganda-ganda mo,"

"My comment lang ako. Isn't she too young for your taste?"

Ngek! Ano daw sabi niya?

"Jennica, age doesn't matter. Well, for me,"

"Really? Kuya, ha. But you two really look good together! So when are you tying the knots?"

"Jennica!" react ni Jeric na parang matatawa.

Ako naman namula lalo.

"Joke lang naman 'yun, Kuya eh. Pero pwede namang i-consider mo din. You have been stable after all."

"That seems to be a good idea din."

***

"Pasensya ka na dun sa kapatid ko, makulit talaga siya," sabi ni Jeric nang iniwan na kami ni Jennica. Naghanap naman kami ng mesang mauupuan.

"Okay lang naman yun eh. Nakakahiya nga eh kasi akala niya girlfriend mo 'ko,"

"Let her think that way. Mangungulit lang yun lalo kung magdi-deny lang tayo,"

"Hindi yata okay na hindi mo ka-level ang girlfriend mo,"

"Now tell me about levels. Kailan pa nagkaroon ng lamangan ang mga tao dahil lang sa estado ng buhay nila?"

"Pero yun naman ang totoo, 'di ba?"

"Let's not argue about it here, okay?"

"Sabi mo,eh,"

Ano nga naman ang mapapala namin kung pagtatalunan namin ang tungkol sa agwat ng mga tao para maging sila, ano? Walang mangyayari. Hindi ko pa rin siya maaabot.

Ilang sandali pa ay nagsimula na nga ang party. Unang nagsalita sa gitna si Mr. Geronimo Trias, ang may-ari ng T Corporation. Siya nga ang daddy nina Jeric at Jennica. May edad na siya at may intimidating na aura. Seryoso ang mukha at pananalita. Nakakatakot.

"That's our dad over there," sabi pa ni Jeric.

"Mukhang nakakatakot naman yung daddy niyo," sabi ko.

"Yeah. May pagka-terror talaga siya so don't go near him," aniyang nakangiti.

Ibig sabihin ba nun sa Mommy niya sila nagmana ni Jennica?

"Eh 'yong Mommy niyo, asan?"

"Mom's not fond of things like this. She'd rather stay home."

Sinundan ng malakas na palakpakan ang pagtatapos ng speech ni Mr. Trias.

Muling nagsalita ang emcee.

"Thank you Mr. Trias for that awesome address. Now, for the words of gratitude for our new investors, may we call on the vice-president, Mr. Jeric Trias!"

Lahat napatingin kay Jeric habang pumapalakpak. Nagulat ako kahit hindi naman nakakapagtatakang maging vice president siya ng kompanya nila.

Ngumiti siya sa kanila.

"You stay here, okay? Sandali lang naman 'to," bulong niya sa akin at tumayo. Dumiretso siya sa mini stage sa gitna ng lahat.

Nakatulala lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. He was very confident and smart. Nakakamangha. No wonder na siya ang inaasahang magmamana ng kompanya nila balang araw.

Napansin ko na madaming magagandang babae ang kinikilig habang nagsasalita siya. Lahat sila magaganda, mayayaman at tiyak na mataas ang pinag-aralan. Ang mga tipong babagay talaga sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang manliit. Bakit naman ako ang niyaya niya kung marami naman ang may gusto sa kanya?

"Thank you for your trust and support. I do hope this will be another good year for us. Good evening!"

Tapos na siya at sinundan uli ito ng malakas na palakpakan. Jeric. Gusto ko ang isang katulad niya.

"Ang sarap mong panoorin kanina," sabi ko nang makabalik na siya.

"Oh, really? I didn't mean those words, though."

Natawa ako sa kanya.

"Nakakapressure bang maging ikaw?"

"Hindi lang nakakapressure. Nakakabaliw."

"Ang yaman mo kasi, eh,"

"Sandy, gusto mo bang umuwi na?" sabi pa niya.

"Huh? Sigurado ka ba? Baka hanapin ka ng daddy mo at ni Jennica?"

"They won't. Wala na rin naman akong gagawin dito. Baka maabutan pa natin yung Koreanovelang pinapanood mo,"

Amused akong napatitig sa kanya.

"Sandy, c'mon," inilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman.

Tumayo kami at pasimpleng naglakad palabas ng venue.

"At last, nakaalis na din ako dun. Whew!"

"Hindi ka ba pagagalitan ng daddy mo?"

"Nope. Sandy, matanda na 'ko."

Binuksan niya ang pintuan ng tabi ng driver seat at pumasok ako sa loob. Sumakay na din siya at ilang sandali pa ay palayo na kami sa venue.

***

Two chapters updated. Hindi kasi ako makakapag-net kung weekend. Votes and comments might change my mind.

-LittleRedYasha

His Past Time Girl (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon