False-Hearted (Heaven Island I)

153 4 2
                                    

BY: Kerry Quiniano

PROLOGUE:

Noong bata pa ako, pinangarap ko na paglaki ko magkaboyfriend ng super perfect guy, as in capital P-E-R-F-E-C-T! feeling ko kasi noon ako si Cinderella at paglaki ko, hinihintay na ako ng prince charming ko tapos ang hilig ko pa magbasa ng pocketbooks, kaya yun, dissappointed paglaki dahil napagtanto ko na nobody's perfect kaya ng maghighschool ako di na talaga ko namansin ng kahit na sinong lalaking umaaligid sa akin, well wala naman talaga, filingera lang ako...

June 17, 2010, COLLEGE LIFE STARTED

Nakilala ko si Alice...

Naging active ako lalo sa pagbabasa ng pocketbook...

TAKENOTE: Wala pa rin ako jowa, wala naman talaga ako balak kahit my isang nanliligaw... yun nga lang, kaisa-isa na nga lang, weirdo pa! pag minamalas ka nga talaga hays...

AFTER 3 YEARS

JUNE 17, 2013 same day, same university, same faces, 4TH YEAR COLLEGE NA AKO! SA WAKAS! YES! KONTING KEMBOT NA LANG GGRADUATE NA AKO! HOPING:)

Dito magsisimula ang love story ko, kung paanong sa simpleng mundong ginagalawan ko, mapupunta ako sa HEAVEN ISLAND, WEW!>.< never heard ba? ako rin eh... pero may ganoon pala talagang lugar, at napunta ako dun dahil sa kanya! badtrip... mahal ko na sana sya, kundi lang sa mga nalaman ko... at yun ang pinakamalaking dahilan para maging FALSE-HEARTED ang puso ko sa puso nya...muling buksan ang puso...joke:D

CHAPTER I

"All it takes is a one great kiss and it will gonna be a happy ever after..."

Hayss... happy ending, how I badly wish ganun din ang lovelife ko! sa tanang buhay ko kasi hindi ko pa nararanasan ang mainlove eh! badtrip! bakit yung iba, ang dami daming jowa tapos pinagaagawan pa samantalang ako wala man lang gusto makiagaw sakin! di naman ako chaka, eh bakit ganoon? may kurba naman ang katawan ko, flat nga lang, makinis naman ako, maitim nga lang, maputi naman ang ngipin ko, may sungki nga lang. Haysss... sa twing chini-cheer up ko ang sarili ko puro nega rin ang resulta ko! amp! bakit ba kasi hindi pa ako mawala na lang bigla! I really hate myself! urrgg! G-R-R-R!

1...2...3...4...5...CLICK!

"Kitten? yuhoo... uy Kitten!" sabay pisil sa ilong ko! "ayan! nagdaday-dreaming ka na naman!" saway sa akin ni alice- my college best friend here sa Secret University. 

"aray naman Alice! basag trip naman to oh, nagbabasa ako ng pocketbook eh!" sagot ko.

"nagbabasa? wehhh... parang iba naman ang nagbabasa sa nakatulala kit! wag mo nga ko shungahin, parang di tayo magkakilala ah, ano na naman ba ang iniisip mo?"

"iniisip ko? wala ah, ano namang iisipin ko?" depensa ko, kahit sa totoo lang naawa ko sa sarili ko, matalino ka naman Alice, alam mo na yon!

"iniisip mo siguro kung kelan ka magkakajowa nuh! ayieee... or baka naman meron na? at iniisip mo sya! ikaw Kitten ha! umamin ka nga sa akin! sabay alog nya sa mukha ko

"hayss, Alice, alam mo namang wala ko panahon dyan, study first! sa hirap ng buhay ko ngayon hindi ko na inaalala pa ang mga ganyang bagay!" huhu Alice! I'm so sad now!

Hindi ko alam kung naniwala ba sya sa akin or hindi pero bigla syang tumayo at sabay  singkit ng mga mata nya, may tinitingnan ba sya sa malayo o nagpapacute lang sya sa mga lalaking dumadaan? well, kahit di na sya magpacute madami namang pumapansin sa kanya, Ms. College of Science kaya ang babaeng to, di na nya need mag-eskandalo para mapagusapan, kasi sa whole campus, Trending ang beauty ni loley! kakaiinggit much!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

False-Hearted (Heaven Island I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon