Kathryn's POV
Sana pala hindi na lang ako pumunta dito. :'<
Ano nga ba ang nakikita ko? Si DJ lang naman at may kayakap na babae. Hindi ko masyado makita yung mukha nung babae kasi nga nakatalikod siya sa banda ko.
Bale, nakaharap sa akin si DJ. Hindi niya siguro ako napapansin kasi nga nasa may bandang gilid ako ng hall way.
Napailing iling na lang ako. Baka naman kasi kapamilya or friend? Mamaya over lang ako sa akala.
Kaya lumapit ako sa kanila para mas madinig ko ang kung ano mang pinaguusapan nila. At sa KAGANDAHANG PALAD. *sarcastic*
Eto pa ang maririnig ko...
"Thanks talaga Dhie! Kaya mahal na mahal kita eh. *kiss sa cheeks*" ani nung babae. Ngumiti naman ng malaki si Dj bago sumagot.
"Walang ano man. Mahalaga ka naman sa akin eh. Saka mahal din kita." ani pa nito.
Dahan-dahan namang gumuho ang mundo ko. Wala na. Wala na talaga. *bitter smile* All this time niloloko niya lang pala ako?
Sabi niya pa, MAHAL niya yung babae. Wow. Ang sakit lang. Isa-isa namang pumatak ang luha ko. Dahil nga sa hindi ko na kaya ay madali na akong tumalikod at umalis na sa lugar na yun.
Pero bago ako umalis, liningon ko muna para makita kung sino man yung babaeng yon. At napangiti na lang ako ng mapait nang makakita ako ng pamilyar na mukha.
Barbie...
Julia's POV
Tawanan lang kami ng barkada dito sa tambayan. Nakakatuwa kasing kasama sina Faith eh.
*bzzzzttttt bzzzzttttt*
"Hm. Kanino yun?" Kiray.
"Ay! Sakin po! Jamsimanyo~ (Wait)" Joebhel.
Umalis muna siya saglit kasi nga sasagutin niya yung tawag. Maya-maya, parang nakita ko si Bes na papunta rito ng nakayuko. Napakunot naman ang noo ko sa reaction niya.
Anong nangyari?
Tatawagin ko na sana siya ng may biglang nagtakbuhan papunta sa harap niya. Masasanggi na rin sana siya nung mga tumatakbo ng biglang may humigit sa kanya sa daan.
Kath POV
Nandito na ako ngayon sa hallway pabalik sa tambayan ng nakayuko. Mukha na siguro akong si sadako sa lagay ko pero tingin niyo ba may care pa ako sa itsura ko ngayon? Huhuhu!
Hindi ko napansin na may mga nagtatakbuhan sa hallway at muntikan na ako mabangga. Buti na lang at may humigit sa akin.
Nga pala, nakapikit ako ngayon. Umaasang si DJ tong sumalo sa akin. Pero hindi pala. Sana hindi siya to dahil naiinis ako sa kanya.
Sana nga tumilapon na lang ako sa pagkabunggo nila at tumama ulo ko sa pader o kahit saan na matigas ng magka-amnesia ako at makalimutan ko na tong lahat.
Pero, impossible naman yun. Bwahha! Nabunggo lang, amnesia AGAD?! OA MUCH.
Pero mabalik nga tayo. Sino ba tong nagsagip sa akin? At dahil nga sa curious ako, binuksan ko ng dahan dahan ang aking beautiful eyes.
Nagulat naman ako sa nakita ko. Si Quen pala ang tumulong sa akin.
Nakatingin lang siya sa akin na parang nag-aalala. At ako? Eto ang LAKI ng mata. =_= Ang lapit kaya nung mukha niya sa mukha ko. >.< My goodness!
"EHEM!" napatingin naman kami sa nagsalita.
Si DJ...
Ano namang problema nento? At kung makatingin parang papaslangin na si Quen. =_=
Tinayo naman ako ni Quen at inayos na namin ang mga sarili namin. Binalingan ko naman uli si DJ bago tinaasan ng kilay.
"May problema ba pare?" Quen.
"OO! Ba't naman ganun ang itsura niyo kanina ng GIRLFRIEND ko?" galit pa na ani ni DJ. Psh! Eh siya kanina? Ano tawag dun? =_=
Inirapan ko na lang siya, at mukhang siya naman na ang nagtataka ngayon kung bakit ako ganto sa kanya. Bahala siya.
"Tinulungan niya lang ako. May mga nagtatakbuhan kasi kanina pero buti na lang at nandyan si Quen para iligtas ako. Eh ikaw ba? Nasan ka? Nandun ka sa BIE mo? Psh." sabi ko pero bulong lang yung mga naka-italicized.
"Ano?" litong tanong ni DJ.
"Wala! Sige na Quen. Mauna ka na. Salamat ulit ha?" baling ko sa katabi ko.
"Ah! Yun ba? Wala yun. Sige! See you around na lang." tango naman nito sakin bago ngumiti.
Nagsmile na lang rin ako sa kanya as an answer at umalis narin siya. Naglakad naman na ako agad papuntang tambayan ng hindi pinapansin si DJ.
"Kath! Teka!" habol naman ni DJ at sumunod sa akin.
Pero dire-diretso pa rin ako hanggang sa makarating na kami sa tambayan. Andun pa din naman yung barkada at based sa mga reaction nila, mukhang nakita rin nila yung kanina.
Umupo na lang agad ako sa tabi ni Bes. Yung pinaka gilid. Para hindi ako matabihan ni DJ.
"Problema niyan?" takang tanong ni DJ sa barkada.
Nag-shrug na lang sila. Pft. Edi sila na walang alam.
Maya-maya biglang pumasok si Joebhel sa tambayan na may kasamang babae.
"Ah! Nga pala si Kirsten. Friend ko. *smile*" Joebhel.
"Hello! I am Kirsten Dei Arroyal. My powers are teleportation and I can also control the weather through my emotions." ani ni Kirsten na tinanguan namin.
"Hi!" bati namin.
Pagkatapos nun kwentuhan lang naman kami. Pero as in! Hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapansin si DJ. Bahala siya diyan.
Daniel's POV
Kanina ko pa napapansin si Kath na laging umiiwas sa akin. Tsk. May nagawa ba ako? Wala naman ah!
Aish! Ewan. Basta, kung ano man yon. Magso-sorry na lang ako.
BINABASA MO ANG
Magical Academy [ KathNiel ]
MizahMagical Academy - Isang eskwelahang puno ng Mahika. Dito, hindi lang basta mga written exams ang dapat niyong isipin. Dahil ang Magical Academy ay isang hindi ordinaryong eskwelahan na mayroon ding hindi ordinaryong mga estudyante. Kaya, sabay-saba...