Pangungulila

45 3 2
                                    

O aking mahal bakit ka'y agang iniwan

Ako ay nagungulila sa iyong paglisan

Aking mahal bakit ako'y iniwang duguan

Puso ko tuloy ngayon ay sugatan

Sa iyong paglisan sakit ang naramdaman

At ika'y hindi malilimutan magpakailanman

Ang ating ala-ala ay aking dadalhin kahit saanman

Kahit ako ay matanda na hindi kita malilimutan

Ang ating ala-ala ay sariwa pa sa aking isipan

Ng ikaw ay lumisan hindi mo ba batid ang aking mararamdaman ?

Bakit hindi ko mai-alis sa isipan na ikaw ay lumisan

At hindi ko rin mai-alis na wala na ang ating pagmamahalan

Ngayon matagal ka nang wala

Ngunit sa aking isipan ay hindi ka mawawala

Kahit hanggang kamatayan hindi kita ipag-sasawalang bahala

Kahit sa akin ay matagal ka nang nawala

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PangungulilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon