My 5th OneShot. Dedicated to @purplenayi kasi gusto ko din yung mga Story niya. Hello po! :)
---
“Lis, tingin ka sa left. Sa left! Dali!” Pabulong na sabi sa akin ni Mae.
“Ha?” Tanong ko.
“Sa left nga! Bilis!” Sabi niya.
Kaya ayun, napatingin ako sa left ko at…
Oh My Holy Orange Juice!
Naka eye-to-eye ko lang naman ang 4weeks crush ko!!!! Si Eman! Agad akong napaiwas ng tingin kasi kinakabahan ako. Sobra!
Tumingin ako ulit kay Mae at nagkangitian kami tapos nagbayad ako sa binili kong pagkain. Pagkatapos nun, umupo na kami at nagsimulang kumain at nag chikahan.
Ganito kasi yan. Dati, napapansin ko lang si Eman. Ngayon, aaminin kong, crush ko na siya. Ayeeee. :>
Nung unang beses ko siyang nakita, enrollment yun nung summer. Hindi ako sigurado nun kung gwapo ba siya o ano kasi hindi ko naman siya tinutukan eh. Nakakahiya kaya. Nakasabay ko lang siya nung nagbabayad na ako.
Ang alam ko lang, ang ganda nung tayo niya. Sobrang lalaki siyang tignan. Alam mo yun? Yung tipong mapapatingin ka. Ang tangkad niya din at maputi pa.
Kahit nakasabay ko siya sa enrollment, hindi ko naman siya naging kaklase pero feeling ko talaga, magka course lang kami. Natapos na’t lahat ang summer class, hindi ko pa siya nakikita ulit.
Nung second week nung June classes, nagka conflict sa schedule ko kaya naman nagpa-change kami nung mga kaibigan ko. English class yun.
“Ok class. New comers, I will be assigning you your seats.” Sabi nung english teacher namin. Buti nalang magkatabi kami nung isa kong kaibigan. Pero kawawa yung friend kong si Jen kasi siya lang yung babae sa line nila tapos wala pa siyang kilala dun.
After 1 minute ata yun ng pag aarange nung teacher, may bagong pumasok. Late lang siguro xa. At sa sobrang late niya, parang ang aga niya lang para sa next subject. Paano ba naman, 45 minutes late na xa!
Pero hindi lang yun ang napansin ko! Familiar siya eh! Sobra!
“Mr. Domingo, sit beside that lady at the back” Sabi nung teacher.
Wow! Tabi sila ni Jen! Parang gwapo yung guy ah!
“Ah, Ms. Reyes, switch seats with Ms. Giardano.” Sabi niya sa akin.
OMG! OMG! OMG! Sobrang kinabahan ako kasi ako na ang katabi ni pogi! Buong English class namin, na co-conscious ako! Kasi nga dahil extra lang kami, walang arm rest yung chairs naming dalawa nitong katabi ko! Ibig sabihin, tabi talaga kami!
Pagkatapos nung class, ang laki ng feeling ko na siya yun!… shemay! Shunga lang! Siya yung summer crush ko! Yung nakasabay ko sa enrollment! Grabe ha!
Nung next meeting namin, grabe yung effort ko. Suklay dito, suklay doon. Nag perfume pa ako. Yung ginagamit ko lang pag may party kasi konti nalang yung laman. Syempre, magkatabi kami eh. Dapat mabango.
Excited akong pumasok sa English class namin. Akalain mong 30 minutes early ako sa school na madalas naman late akong pumapasok o kaya sakto lang. Nung nasa labas na kami ng classroom, biglang nagsalita yung teacher namin.
“Class, we will transfer to another room. Follow me.” Sabi niya.
Kaya ayun. Sunod lang kami ng sunod sa kanya.