Minsan napapaisip ako.. Am I born to this world just to be dominated by the people around me?
Wala na ba akong karapatang magpasya para sa sarili ko? Palagi na lang bang ibang tao ang magdidikta kung anong dapat kong gawin at kung ano ang hindi dapat? I'm not a teenager anymore for pete's sake! Hindi na ako bata para pangunahan. But why am i still being manipulated?
Ano ba ang nagawa ko para parusahan ako ng ganito? Bakit ganito ang buhay ko? Hindi ko naman 'to ginusto eh. Ang magkaroon ng buhay na maging sunod-sunuran!
Kung magiging ganito lang din naman ang buhay ko, sana isinama na lang ako ng nanay ko. Yun ay kung mahalaga nga rin kaya ako sa kanya? Siguro kung kinuha niya ako, simple lang ang buhay ko ngayon. Kapos sa pera pero hindi ganito-- na walang karapatang tumanggi o magreklamo sa kung anong gusto nilang gawin ko.
Akala ko sina papa lang ang magpaparamdam sa akin ng gan'on. Pero nagkamali ako, dahil pati ang sarili kong asawa.. dinidiktahan na rin ako.
I feel so suffocated. I'm so much suffocated by them--manipulating my life and all. Wala naman akong magagawa diba? Wala akong karapatan magreklamo.
Okay. Okay!
Umalis ako sa bahay ng masamang masama ang loob. Maghapon kong ibinabad ang sarili ko sa pagtratrabaho para maiwasan kong maisip pa siya. I hate the thought na pati siya pinaparamdam na rin sa'kin na wala akong silbi. Damn, gusto kong pumalahaw sa iyak pero hindi ko magawa. Kailangan kong maging matapang sa harap ng lahat. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahit kaunting kahinaan.
"Mel, normal lang yan sa mga mag-asawa. Syempre bulag yung tao kaya kailangan ka niya bilang kapalit niyang mag-aasikaso ng kompanya niyo. Intindihin mo na lang." saad ni sofie habang naghahanda ng dinner namin.
Nandito ako ngayon sa condo niya. Dito ako dumiretso, siguro makikitulog na rin ako ngayon dito. Ayoko munang umuwi, masama pa rin talaga ang loob ko. Siguro nga mas maganda kung wala ako doon. Mas panatag si chris tutal para naman siyang napapaso sa presensya ko eh. Tsaka nandoon naman si arlene na titingin sa kanya.
"You don't understand," I shook my head.
"Pati siya kinokontrol na rin ako. Alam mo namang ayoko ng gan'on diba? At alam niyang ayaw na ayaw ko 'yon." I said habang maang nakatitig sa mga pagkaing inihain niya.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka tumititig sa mga mata ko.
"Ofcourse, I know it. I'm your bestfriend, remember? Naiintindihan kita. Ang ipapayo ko lang habaan mo na lang ang pasensya mo sa asawa mo. Siguro naii-stress lang 'yon. Iniisip lang siguro niya ang kapakanan ng kompanya niyo. Diba napakaworkaholic naman talaga nun?" aniya.
Inahinan niya ako ng kanin saka naglagay ng buttered chicken sa plate ko.
I know it. Alam kong napakahalaga sa kanya ng kompanyang dugo't pawis na pinaghirapang itinatag ng mga magulang namin. Malaki na rin ang sinakripisyo niya para doon. Pero iba naman kasi ang pinupoint ko. They don't get it.
"Naiintindihan ko naman yung tungkol doon eh. Pakiramdam ko lang kasi wala na akong ginawang tama para sa kanya eh. Nakakasama lang ng loob. Parang gusto kong magrebelde." parang batang sumbong ko rito.
I'm thankful though. Na may masasabihan pa ako ng mga problema ko. Mabuti na lang anjan pa si sofie para sa'kin.
Pinandilatan niya ako ng mga mata.
"Iyan ang wag na wag mo na ulit gagawin. Hindi ka na teenager para magrebelde mel. Ang mabuti pa, pag-usapan niyo yan. Walang problemang hindi nadadaan sa mabuting usapan."
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife | ✔️
ChickLit[COMPLETED] Melissa was being trapped on her so-called "miserable marriage" nang i-arranged marriage siya sa kanyang bestfriend na si Chris. Her almost perfect love life was ruined because of that and she blamed it all on Chris. When they got marrie...