Para sa mga curious about myself kung meron man hehe...
#1 I love music. Hindi lilipas ang araw na hindi ako nakinig ng music.
#2 Mahilig ako sa anime, pero mas tutok ako sa manga.
#3 Forever alone.
#4 Kakaunti lang kaibigan ko.
#5 Yung tipong magsasalita lang ako pag kinausap mo ako. Pero pag close na close ko na super daldal ko.
#6 Napagkakamalang mataray dahil sa kilay kong laging nakataas.
#7 Friendly online.
#8 Mahilig magbasa ng novels lalo na yung kay Nicholas Sparks.
#9 Madami akong crush na fictional characters.
#10 Crush na crush ko si Usui Takumi. <3
#11 Swiftie.
#12 Pinakamatagal kong naging crush, one week lang.
#13 Hindi ako naniniwalang unlucky number ito.
#14 Unica hija.
#15 Mahilig akong manuod ng asian drama pero hindi tagalog dubbed.
#16 Hindi ako mahilig sa Kathniel. Don't get me wrong, hindi din po ako anti.
#17 Hindi ako palanuod ng television, kung manunuod man music channel lang.
#18 Madalang akong magalit sa tao kaya pag nagalit ako tinatanim ko talaga.
#19 Mahilig sa wedge shoes at doll shoes.
#20 Mga bag ko cose at heartstrings lang.
#21 Hindi ako kumakain ng garlic, onion, celery at raisins.
#22 Taba ng baboy or balat ng chicken, hindi ko yan makain.
#23 Bawal akong kumain ng streetfoods, hindi dahil maarte ako. Nagkasakit kasi ako dati ng amoebiasis (di ko sure spelling hehe) kaya pinapagalitan ako pag kumain.
#24 Tahimik pero sa utak ko andami kong gustong sabihin.
#25 Gusto kong matutong maggitara ang kaso ayaw yata sa akin ng gitara.
#26 Mahilig akong magdrawing pero di ko na sure kung kaya pa ng kamay kong pasmado.
#27 araw na ako'y pinanganak, hulaan niyo na lang yung month. hehe
#28 Hindi ako marunong mag10-20 at chinese garter.
#29 Tilapia lang ang kinakain kong isda except na lang kung boneless or fillet. Takot akong matinik eh.
#30 May phobia ako sa aso kahit sabihin mo pang tuta lang yan. Nanginginig ako sa takot pag may kaharap na akong aso.
#31 Gusto ko ng spaghetti sa Jollibee at coke float ng Mcdo.
#32 Mahilig ako sa fries. :)
#33 Nakakaintindi ako ng kaunting bisaya pero di ako marunong magsalita.
#34 May pagka grammar-nazi kahit na inaamin kong hindi din ako magaling sa English.
#35 Mahilig akong mag-ipit ng pera sa libro or notebook ko kaya at the end of school year nagugulat na lang ako na may pera dun.
#36 Balak ko lang dati dito sa Wattpad na mag-vote at comment lamang. Hindi ko inexpect na makakagawa ako ng stories dito.
#37 Natutuwa ako pag naaalala ako ng isang tao na hindi ko naman madalas makahalubilo.
#38 Mahilig akong mag-observe ng mga tao sa paligid ko lalo na pag mag-isa lang ako.
#39 Mas gusto ko ang written exam kesa oral exam.
#40 Favorite ko ang Math subject.
#41 Ginawa ko ito dahil sa boredom habang nagbibiyahe pauwi ng bahay.
#42 Mahilig akong maglagay ng emoticons sa mga comments or status ko pero never sa story.
#43 Halos boy band songs or cover ang pinapakinggan ko.
#44 May time na pag kinausap mo ako lumilipad yung diwa ko kaya wala akong matinong nasasabi.
#45 May pagka-hopeless romantic.
#46 Mabiis akong maiyak sa palabas kapag lalaki na yung umiiyak.
#47 Naiinggit ako sa mga taong madaming kaibigan.
#48 Hindi ako marunong magsinungaling. Pag nagsinungaling ako hindi tatagal ng isang oras tuluyan ko ng nasabi yung totoo.
#49 Madalas hindi ako matandain. Tipong sinabi mo sa akin yung secret mo then after a few days hindi ko na yun matandaan. XD
#50 Naiistress ako sa buhay ko ngayon.
Gutom na ako.
Hanggang dito na lang muna, di ko sure kung madadagdagan ko pa. Ang tiyaga mo kung tinapos mo ito haha :D
Salamat sa pagiging stalker! Chos! Just kidding! haha XD