Isang Araw

64 2 2
                                    

December 30, 20xx


Isang araw nalang! Please, pagbigyan mo naman ako, Lord. New Year's gift mo na ito sa 'kin.

Nasa harapan ako ng altar namin, taimtim na nagdarasal. Ipinagdasal ko kasi na sana, sana magka.. *ehem* *whispers* magka-love life na ako.

Hindi ko na nilalakasan ang boses ng utak ko baka marinig ng iba.

"Menggay! Bihis ka na ba? Halika na dito."

"O-opo, Nay! Papunta na ako dyan."

Isang dasal ulit bago ako nagmadaling bumaba.

Pupunta sa bahay ang mga relatives namin kasi wedding anniversary ng lolo't lola at the same time family reunion na din namin, at New Year celebration na rin. So, eto ako at ng mga kapatid ko, tumutulong sa paghahanda.

Si Nico, pinakamatanda sa amin, tinutulungan ang tatay sa pag-aayos ng furnitures. Colyn, pangalawang babae sa amin, tinutulungan ako at ng nanay sa pagluluto. Nica, the eldest sister, was taking care of her four year old son together with our youngest brother, Dino.

Nung malapit na ang lunch time, dumating yung pinsan kong lalaki.

Kukuha na sana ng friend chicken si Aaron ng hinampas ko sa likod ng sandok ang kamay niya.

"Aray! Meng naman! Isa lang naman eh. Grabe siya."

"Kahit isa lang di pwede, no. Neknek mo! Malapit na rin tayong kumain. PG nito" Inilagay ko sa hugasan yung sandok.

Hinihimas nya yung pinalong kamay. "Yang ugali mo na yan, kaya ka di nagkaka-love life. Sungit mo!"

"Huwaw. Ba't napunta sa love life ko yung usapan? Pagkain, tol, pagkain."

"Anong love life yan? May boyfriend na ang batang 'to?" Biglang sulpot ni Richard, best friend ni Aaron. Pinatong nya ang kamay niya at ginulo ang buhok ko.

"Ch-chard! Anong ginagawa mo dito?" Naku naman oh. Haggard face ako ngayon! Kinuha ko agad yung face towel at pinahid ko agad agad.

Teka! Di ako prepared. Bakit ba kasi sa lahat pa ng oras sa mundo ngayon pa nagpakita ang long time crush ko sa panahong pagoda Pilipinas ako?!

"Am I not allowed in your humble abode anymore?" Nagpa-puppy eyes si Richard sa harapan ko. And he was only a few inches away from my face!

"Hindi naman sa ganoin." Pabiro kong sagot. Welcome na welcome ka dito! "Fa-family na rin ang turing namin sa'yo dito."

The fair skinned man grinned at me and showed his mala-Marianas Trench na dimple. I can't help but feel the warmth in my cheeks. Tagal ko na rin kasing hindi nakita ang mukha nito.

Aaron intentionally cleared his throat. "Ahh kung tapos na kayo diyan sa kung anuman ang ginagawa ninyo, pwede bang ihain na ang mga lutuin dun?"

Biglang napaubo naman si Richard at tumingin ng masama si Aaron. Nakita ko rim yung pamumula ng tenga niya. Ang kyut.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Magic Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon