A/N:
As usual magulo. Pagbigyan na po hehehe...Nadine's Point of View:
"Nadine..."
"Daniel..."
Kumapit si Kathryn sa braso ni Daniel. "Why is it so awkward?"
"W-wala..." nauutal na sagot ko,
Ngumiti si Kath sa akin. "Nadz, don't worry. I know about you and DJ. Dati pa, bago tayo magkita, actually, nung nililigawan ka palang ni DJ, I already knew."
"So, bakit?" nagtatakang tanong ko.
Naguguluhan na ako ng sobra-sobra.
"Bakit ano?" tanong niya.
Tinignan ko siya. "Bakit ang bait mo sa akin?"
"Kasi tapos na kayo. Past na, diba? Mag-ex lang naman kayo eh. Should there be a problem with that?" sagot niya.
Okay, ouch. Ako lang ba o pinatatamaan niya ako? Hindi ko na mahal si Daniel, pero affected pa rin ako na pinagpalit ako. Sino bang hindi masasaktan na malaman na ipagpapalit ka na para kang bagay?
"Ahahaha..." peke ko.
"Kath! DJ!" napalingon silang dalawa nang tawagin sila ni Liza na kasama ni Quen.
Napatingin sa akin si Quen. "Nadine? Dito ka rin pala? Wow. Small world."
"Cut it, Quen. They know." sambit ni Liza na may bakas ng pagtagumpay sa mga mata niya.
"Nadz!" narinig kong sigaw mula sa likuran ko. Pagkalingon ko, nakita ko si Andre na papalapit sa akin.
"Sina Yassi?" tanong ko.
"Nasa banyo si Yassi. Si James? Hmm, ewan ko. Nawawala na naman." sagot niya.
"Sinong nawawala?" napalingon kaming lahat nang may magsalita sa likod nina Daniel at Kath.
Kumaway si Liza at Kath habang tinaguan siya ni Daniel at Quen.
Ngumiti si Liza. "Hi James!"
"Hi, Liza. Kath. Daniel. Quen." pagiisa-isa niya.
Lumapit sa akin si James at inakbayan ako na tinabik ko naman. Feeling nito masyado. Pero syempre, joke lang yun.
"Nadz, may naligaw ba akong blush dyan sa bag mo? Di ko mah-" natigilan yung entrance ni Yassi nang makita niya sina Daniel.
Nilugaw niya muna yung nakatali niyang buhok bago magsalita. "Nagkita na pala kayo."
Lumapit siya kay Andre at kumapit sa braso nito.
"Andre, delikado na. Level up na starting now." bulong nito pero dahil magkatabi lang kami, narinig ko.
"Kath, oo nga pala, si Tita nasa labas." sabi ni Quen.
Tumango si Kath. "Ah, okay, sige. Alis na muna ako, Nadine, bye, Yassi, Liza."
Nangmakaalis si Kath kasama si Daniel ay may tumawag kay James. Umalis na siya para sagutin yon.
"Nadine, aalis na kami ni Andre, ah? Kita nalang tayo mamaya." paalam ni Yassi bago sila umalis ni Andre.
BINABASA MO ANG
Broken Pieces
FanfictionDid you ever think that maybe the perfect person for you might not be as perfect as the perfect person you thought was perfectly perfect for you like the perfect person for you? Nadine Lustre. Kathryn Bernardo. Daniel Padilla. James Reid. Four peopl...