"Kay Dianne,
Lahat tayo may kakayahang gumawa ng nobela sa ulo, kaso di lahat kaya 'tong gawing napakahiwagang storya. Ang writer ay laki sa hirap. Pinagpapraktisan ang pagbuo ng ideya at paglikha ng mga salitang makakapag-akit sa mga mambabasa.
Kung ayaw mo po pakinggan ang boses ko, itapon mo na lang 'tong letra na 'to. Kung isasagot mo lang ako ng kabastusan, sa iba niyo na lang ituon ang galit at katawanan ninyo.
Hindi maganda ang pakiramdam ko. Huwag ka mag-alala, Dianne! Wala akong sakit. Parang...mabigat lang ang puso ko... Ewan ko ba. Minsan, pinipigilan ko na lang ang luha ko.
Ang laki na kasi ng pinaghirapan ko sa nobela ko eh... Sobrang onti pa lang ng nakakabasa at bumoboto. Inisip ko ngayong araw na, siguro pag pinakita ko sa mga kaklase ko yung sinusulatan ko na notebook, siguro magagandahan sila.
Kaso nung binalik nila, tingin mo pa lang sa mata nila, parang di sila na-entertain. Parang hindi sila nasiyahan. Parang na-bored sa style...
Honestly, [huwag ka po magalit, Dianne. Opinyon ko lang po 'to] parang nabulok na ang ibig sabihin ng pagiging writer. Ang hinahanap na lang ng mga tao yung kilig factor, kahit one sentence tapos three spaces ang style. Yun lang talaga ang hindi ko maitindihan sa mga tao ngayon. Pinagpapalit na ang kagandahan ng ayos ng bawat pangungusap, kung baga kinompres na lang sa limang salita.
Example: "I kissed her." Imbes na, "I just closed my eyes and launched my lips forward. Then, I felt it - her lips. A wave of sensation rippled through my body. Her breath wasn't as bad as I expected. From then on, I wished the two of us could stay like this forever."
Siguro, nahirapan ka na dun sa ginawa ko, Dianne! Hahahahaha! Maganda sana kung ipinanganak na lang ako sa lumang panahon, kung saan ang mga katulad ko ay hinahangaan pa ng mga mambabasa. Huwag lang dito sa lugar na 'to. Huwag lang sa nakakainis na internet na 'to. Walang kuwenta. Walang-awa.
Ay siya nga pala! Dianne, kapag nabasa mo na 'tong sulat ko; ibig sabihin non pumunta na 'ko sa panahon na 'yon. Pinilit ko nang umalis sa mundong ito para humanap ng mas maganda pang lugar kung saan maraming taong mas mababait pa kaysa sa mga kaibigan ko sa planet Earth. Huwag ka po umiyak. Total, nung binigay ko sayo yung notebook ko, wala ka ring reaksyon nung binalik mo sa akin. Wala na 'kong pakialam kung binasa mo ba or hindi. Basta, alam ko sa langit, dun ako makakapagsulat ng hindi na lang palaging durug-durog ang puso ko.
Sige. Ingat!
With Love, Stephen."
===========================================================================
Yumuko si Dianne, hawak-hawak ang sulat ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi ko sinasadya, Stephen! gusto niya ipahiwatig. I'm so sorry!
Wala na siyang magawa, kundi umiyak na lamang.
TAPOS