WHAT IF PURO HUGOT NA LANG ANG MGA PINOY?
HUGOT #1
"Minsan kelangan mo talagang ipagsigawan para marinig yung totoo mong nararamdaman."
- Desperadong Magtataho
HUGOT #2
"Oh yes! Fishball vendor ako. Fishball vendor lang ako..... And I'm so stupid to make the biggest mistake na lagyan ng chili powder ang sauce mo!"
-Fishball vendor na Jumojolina
HUGOT #3
"You gotta learn how to fix what's broken."
- Karpinterong Pinag-OT
HUGOT #4
"Waiter. Isang malamig na beer nga. Yung kasing lamig ng pakikitungo sa'kin ng crush ko."
- Emoterong Customer
HUGOT #5
"Wow. Ang mura naman ng paninda niyo."
"Takot na kasi akong magmahal. :("
- Fish Vendor
HUGOT #6
"Dun tayo sa EDSA! Malay natin may magawa ang gobyerno sa feelings natin!" #SeparationOfCrushAndFeelings"
- Aktibistang May Personal na Pinaglalaban
HUGOT #7
"That's the thing about pain. It demands to be felt."
- Doctor to a Maarteng Pasyente
HUGOT #8
"Kapag mahal. Handa kang humingi ng tawad."
- Kuripot na Customer sa Palengke
HUGOT #9
"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!"
- Haggard na Empleyado sa loob ng MRT
HUGOT #10
Holdaper: "Ibigay niyo lahat! Kung ayaw niyong masaktan!"
Biktima: "Ganyan din sabi ng ex ko pero sinaktan din ako sa huli!"
HUGOT #11
"Ok na yung sa SSS at PhilHealth ko."
"Eh yung PAG-IBIG mo?"
"Ikaw bro."
"Bro"
"bro"
HUGOT #12
"Siguro kaya tayo iniiwanan dahil may darating pang iba - 'yung hindi tayo sasaktan at paasahin...'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin."
- JumaJohn Lloyd na pasaherong inagawan ng Taxi
HUGOT #13
"Oh luwag pa dito! Yung hindi niyo na kailangang ipagsiksikan yung sarili niyo sa iba!"
- Barker ng Jeep na Heartbroken
HUGOT #14
"Barya lang sa umaga ha. Mahirap yung sa simula pa lang buo na agad ang ibibigay tapos hindi naman masusuklian."
- Manong Drayber
HUGOT #15
"Minsan, kailangan mong umiwas para di ka tamaan. Pero minsan, kahit umiwas ka, tinatamaan ka pa rin nang di mo inaasahan."
- Manny Pacquiao during the fight
HUGOT #16
"Kasi ang totoo, umaasa pa rin akong sabihin mo. Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulet."
-- Tindera na Inagawan ng Suki
HUGOT #17
"Lahat ng mabigat gumagaan kapag binibitawan."
- Kargador na Wala Pang Breaktime
HUGOT #18
"Ang past hindi yan kayang kalimutan. Pero hindi na dapat binabalikan. Kapag tapos na, tapos na."
- History Teacher na may Pinagdadaanan
HUGOT #19
"Manatili lang po tayong laging handa at alerto dahil ang bagyo ay parang pag-ibig. Mahirap i-predict kahit may PAG-ASA."
- Weather Reporter na biktima ng Climate Change ( aka Malanding Panahon )
HUGOT #20
"Sanay naman akong saluhin lahat ng pinaglumaan ng iba."
- Ukay-ukay Vendor
HUGOT #21
Sa Beach:
Boy: "Tulong!!! May nalulunod!!!"
Lifeguard: *runs fast
Boy: "....sa pagmamahal mo."
HUGOT #22
"Kasalanan mo yan. Palagi ka kasing nagpapadala."
-Kurakot na Bureau of Customs
HUGOT #23
"Wala namang magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga di ba?"
- That girl na nahulog.... sa pusali.
HUGOT #24
"Mahalin natin ang mga kurakot. Dahil lahat naman ng minamahal natin nawawala di ba?"
- State of The Nation Address