*
*
*
*
*
"hintayin mo ako maneng! "sigaw nya sa kalaro." taya ka na" nataya na kita maneng sabi ko na hindi maalis yung ngiti sa labi.
"ang daya mo naman ikoy!" nakanguso naman ang kababata nya sabay upo nila sa damuhan. pagod na pagod sila maglaro.
"sana palagi tayong ganito maneng, sana hanggang pagtanda tayo pa rin yung magkasama!" nagkatinginan naman silang dalawa.
"pwede naman tayong magkasama hanggang pagtanda diba?" hindi nya alam kung bakit nasabi ni ikoy yun.
"maneng may sa-sa- bihin ako" tila ayaw lumabas sa bibig ang sasabihin nya.
"ano yun ikoy"? bakas sa mukha ang pagtataka
"baka ito na yung huling paglalaro natin maneng. kailangan ko na kasing umalis, pinapasunod na ako nila papa sa america, hindi ko alam kung hanggang kailan kami dun, kasi dun na daw kami titira! " bigat na bigat sya sabihin to sa kanyang matalik na kaibigan.
"ikoy, bakit ngayon mo lang sinabi? kala ko ba hindi mo ako iiwan magisa? pano na ako? umiiyak na si maneng..
" shhhh! wag ka na umiyak maneng, mamimis kita huhuhu pangako babalik ako! babalikan kita dito!" walang patid yung iyak nya.
"señiorito, kailangan na po nating umalis, naghihintay na po ang magulang mo" oha señiorito talaga.
"babalik ako maneng PANGAKO!"
"hihintayin kitang bumalik ikoy"
may sinuot syang kwintas kay maneng. at sabay niyakap nila ng mahigpit ang isat isa.
----------
after 15yrs..
Nikko POV
ako nga pala si nikkolite. nikko for short! 21 na din ako matanda na ba? well sabi nila mamang mama na daw ako sa kabila ng pagiging hardbutch ko. di naman halata na babae talaga ako dahil sa gupit, porma at kilos ko. gwapo din daw ako sabi ng parents ko. proud na proud sila sakin kahit na i belong to the third gender, kahit yung mga kapatid ko masaya sila para sakin. kaya naman di rin ako gumagawa ng ikasisira ng tiwala at suporta nila.
oo nga pala, when i was young (parang all by myself intro lang haha) they called me ikoy.. nagsimula yun nung nagluto yung mama ng childhood friend slash puppy love ko ng okoy.. yung may hipon at kamote ^___^
first time ko kasi tumikim nun at ang dami kong nakain. then everytime na pupunta ko sa bahay nila nagpapaluto ako nun sa mama ni maneng. mula nun yung nikko naging ikoy para katunog daw ng okoy ^_______^oo nga pala si maneng, sya yung gusto kong balikan sa pinas..
sya ang aking woman of my dreams :)
ang aking love of my life :)
my sunshine after the rain :) (korniks)
my one puppy slash first slash true love :)
sya ang aking forever :)
pero dahil sabi ng ibang bitter dyan sa tabi tabi na walang forever kaya sya na lang ang aking lifetime :)
ika nga daw nila "forever does not exist but lifetime does."
oha oha dami alam ng mga ampalaya :D meron na namang Whogoat sessions
(seryoso na nga)
haaaay ang tagal na rin ng huli ko syang nakita..
kamusta na kaya sya? hinihintay nya pa rin kaya ako? matatandaan nya pa rin kaya ako? ( hindi naman ata sya nagka-amnesia no?)
siguro magugulat sya kasi di na ako yung payat pero malakas kumain lalo na pag okoy yung ulam..
ilang araw na lang babalik na ako. tutuparin ko na yung pangako ko sayo maneng! hahanapin kita. at magkakasama na tayo ulit. marami ako iku-kwento sayo at alam kong ikaw rin.
------------------
walang notes, walang ano-ano bigla lang naisip ngayong alas 3 ng madaling araw :D
ang maisipan lang ba :D
01-13-15
BINABASA MO ANG
Sir Butch
RandomAnong gagawin mo kung yung nangako sa'yong hihintayin ka e nainip dahil sa ang tagal mo bumalik? tutuparin mo pa rin ba yung pangako mo kahit pero nang iba yung iniwan mo? at kahit ikaw pa ang boss hindi naman sa puso nya sa mahal mo. 1-13-15