1st Semester Love Affair(One Shot)

256 7 3
                                    

Hello :) Hindi ko alam kung may magbabasa man nito o wala. Pero dun sa makakabasa nito, sana po makapulot kayo ng aral sa nangyari sa kanya. 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

June 2012 nung nakilala ko siya, 1st day ko nun bilang isang kolehiyala. Kinakabahan ako noon at hindi mapalagay dahil ibang tao na ang makakasama ko hanggang sa magtapos ako ng college.

Nung araw na yun, nakilala ko ang tatlong babaeng palagi ko ng nakakasama. Mabilis na dumaan ang 1st week. Halos wala pa kaming ginagawa noon, puro tambay at kain lang ginagawa namin. 

2nd week.(June21-27) Dito nagsimula ang isang malaking pangyayaring bumago sa buhay ko bilang isang babae. Isang lalaki sa klase namin ang kinainisan ko, dahil sa sobrang hangin, mayabang, antipatiko at nakakagagong niyang ugali. Dahil dun, sinabi ko sa sarili kong, ayoko siyang makasama sa mga susunod pang semester. 

3rd week.(June 28-July4) Naalala ko non, lunch time yon nung nilagay niya yung number niya sa cellphone ko habang nakain kami ng mga new found friends ko, hindi ko naman hinihingi ang number niya pero nilagay niya dun. 

"Itext mo ko" sabi niya sa akin pero hindi ako sumagot dahil ayoko siyang kausapin kasi antipatiko at mayabang siya. 

Hindi ko alam, kinuha niya pala ng walang paalam yung number ko. Paano ko nalaman? Kinagabihan kasi ay tumawag siya. Nagulat ako dahil una hindi ko siya kilala at kahit sabihin na natin classmate ko siya, hindi ko parin kilala ang buong pagkatao niya. Hindi ko sana siya kakausapin pero nag-umpisa na siyang magkwento, at dahil dun inabot kami ng madaling araw. 

4th week(July 5-11). Naging magkaibigan kami at naging kaibigan ko rin ang mga nakilala niyang mga bagong kaibigan, naging isang tropa kami. Sabay kumain, sabay umuwi, sabay gumala. Palagi rin kaming magkaka-grupo. Pero syempre, hindi ko parin nakakalimutan ang mga una kong naging kaibigan. Hanggang sa umabot ng 5th week(July 12-18), 6th week (July 19-25), 7th week(July 26-August 1), 8th week(August 2-8), 9th week (Augsut 9-15), 10th week(August 16-22)

Dahil naging malapit na rin kami sa isa't-isa, tinuring na namin ang bawat isa bilang mag-best friend. Lalaki siya. Babae ako. Hindi naman masama na maging bestfriend kami db? Nakilala ko rin siya, sweet siyang tao, maaalalahanin, mabait, mapapatawa ka niya sa mga simpleng banat niya pero syempre hindi parin maalis ang kayabangan sa katawan. Pero dahil  dun, NAINLOVE ako sa kanya. Isang pangyayaring hindi ko inaasahan. Aaminin ko, madali akong mahulog sa mga lalaking sweet, caring, mabait, mabuti ang kalooban. Meron siya ng mga yun kahit mayabang at antipatiko siya. Nakakatawang isipin na ang katulad ko ay NAINLOVE sa so-called-BESTFRIEND-ko

August 27. Araw kung saan naghahanda kaming mga students sa school para sa celebration sa Linggo ng Wika kinabukasan. Gabi na kami naka-uwi non, at pagod na pagod na rin ako. Dahil ako ang leader sa classroom namin ako lahat ang nag-asikaso ng mga kailangan at mga kailangan dalhin. Laking pasasalamat ko non dahil, andun siya para tulungan ako. Alam niya kasing madali akong mapagod lalo na kapag madami akong ginagawa, hinatid niya ako noon sa bahay at nung araw na yun, napatunayan ko sa sarili kong "Mahal ko na siya"

Habang nagpapahinga ako sa sala namin, katext ko siya. Nagkukulitan at nag-uusap lang kami sa ilang bagay hanggang sa napunta ang usapan namin sa lovelife. 

Siya: Alam mo..

Ako: Anong alam ko? Buuin mo nga! 

Siya: Alam mo...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1st Semester Love Affair(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon