Kabanata 1

76 3 0
                                    



Almost 10 months na rin akong hindi umuwi sa Laguerta. Bakit ba? Gusto ko lang naman makapag- soul searching! Oo, hahanapin ko lang ang kaluluwa ng mga magulang ko at itatanong kung anong lalabas na numero sa lotto!! Syempre joke lang yun! I mean, gusto ko lang mag-unwind. Magtangal ng stress at masamang aura sa loob ko. Ikaw ba naman makaranas ng sunod sunod na problema. Buti nga na kaya kong lagpasan bagay bagay na 'yon, baka kung sa iba-iba lang, kumuha na 'yon ng lubid at naghukay na ng 6 feet under the ground. At syempre, hindi ako 'yon. Sayang naman ang ganda ko kung hindi magkakalat ang lahi ko, di ba?



Akala siguro nila na nasa malayong lugar ako namamalagi. Pwes, nagkakamali sila. Nakakalungkot nga dahil iisa lang hangn ang hinihingahan namin. Nandito lang naman ako sa resort na binili KO, 5 months ago. Wala akong balak na sabihin sa iba, ang binili kong property lalo na sa kapatid ko. Pero nasa isang bahagi lang din sya ng Calamba na madaming nakapaligid na hot spring resort.



Siguro, mula rito papuntang Laguerta ay aabot ng 2 hours ang biyahe. Kasama na 'ron ang traffic sa mga Intersection, Crossing point at Check Point na madadaanan mo. Maging ang pagtigil ng jeep para mag-pick-up ng pasahero. HAY!, wala akong magagawa kung hindi ang mag-commute. Sa tagal ko ring hindi umuwi samin, ganun rin ang araw na hindi ko nakasama ang baby SUV ko. May choice pa ba ako?



Simpleng fitted white V-neck shirt na nakatuck-in sa puson ng Black high-waist short ang suot ko. Tinernuhan ko pa ito ng white na Air-mac na may black na check sa gilid. Napatigil ako sa pagdepina ng aking sarili sa harap ng salamin. Bigla kasing tumunog ang phone ko. Umalis ako sa harap ng salamin at lumapit sa bed-side table. Katabi ng kulay green na smiggle study lamp ang umiilaw na phone ko.




"Ano?"



"Naks naman Ate, hindi ka man lang nag-Hello uyyy!!"



"Wala kang pake. Pati, wag mo nang uulitin ang pag-Uyyy mo kung ayaw mo maBABALA kita." nawalang gana kong sabi. Mamaya ka sa'kin. Makikita mo na asawa ni Incredible Hulk. I-rereserved ko lang ang energy ko, kutong lupa ka!



"Uuwi ka na ba? TSK. WAG MUNA PLEASE! Hindi ka naman kailangan pa dito e. At wala ka naman dapat gawin. I can handle this, you know. Kaya stay foot ka lang kung na'san ka". Mas lalong tumaas ang kilay ko. Ngayon nya pa sasabihin yan, itong nakaganyak na ako? Ito rin yung isang kinaiinisan ko e, kung kailan naka-ayos na ang lahat saka naman mauudlot o hindi matutuloy. Pero sa kaso ko pag nakabihis na ako, wala nang makakapigil sa'kin! The show must go on...



Siguro itong hinayupak na ito ay may ginagawang kababalaghan sa bahay. May history kasi na nagkaganito rin sya sakin, na tumawag at sinabing wag na raw muna akong umuwi. Tapos, natatandaan ko paguwi ko sa bahay, muntik ko nang hindi makilala. Ginawa ba namang Night Club at Beer House.



Ahh! Humanda s'ya saakin kung ganoon nanaman ang ginawa nya! Matitikman nya ang batas ng isang api! Syempre, Joke lang yun 'api' dahil hindi ako weak. Matitikman lang nya ang adobong sinampal.



Mabilis kong ni-lock ang lahat ng pinto at bintana bago ako lumabas. May kung ano pa syang sinasabi kanina na hindi ko naintindihan.



"ah ganoon ba? Oo nga! Wala naman akong gagawin dyan. Pati, pakisabi nalang kay Cidy na hindi na ako matutuloy pa papunta dyan. Pa-resched nalang kamo 'yon sa suppliers. Alam mo na mas gusto ko pang mag-shopping kaysa umuwi dyan. Muah! Magshoshopping nalang muna ang maganda mong Ate! Bye!" plastik na sabi ko habang ipinapad-lock ang Main Gate ng Resort.



"Talaga? You mean di ka na-- I love you Ate!.." Napupuno na talaga ako KIER!!..



"...kumain ka na ba? Kumain ka na kung hindi pa..". May gana pa talaga syang tanungin ako ng ganyan.....May kung ano nanaman syang sinabi ngunit hindi ko maintindihan. Basta ang gusto ko lang ay ang umuwi na agad sa Laguerta. "..basta lagi kang mag-iingat ha! Pati--" Mabilis akong naglakad sa Pedestrian lane papunta sa kabilang side ng kalsada nang biglang may bumusina sa harapan ko.



"--ano yun ate?" pinutol ko na ang tawag at humarap sa impaktong may-ari ng sasakyang nasa harap ko. Ang kapal nya para businahan ako!



"HOY Miss! Kung dadaan ka, dumaan ka na. Hindi yung dyan ka pa nag-tetelebabad!". ABA'T!- sabi nitong lalaking nakadungaw sa driver's window. Biglang nagpintig at nag-usok ang tenga ko dahil 'don. Tinignan ko s'ya ng masama at dahan dahan lumapit sa bintana nya.



"Are you going to apologize Miss?" nakakasusot ang mukha nya, habang sinasabi nya yun. Para syang manyakis na ewan! Nakasinghot ata ng Muriatic Acid to e.



"Nope". Painosenteng sabi ko. Ngumisi ako sa kanya bago ko itinuloy ang sasabihin ko. " Alam mo mahiya ka naman dahil ibinabalandra mo pa sa kalsada, itong kotse mo. E halata naman na ni-loan mo lang to sa isang agency. 'San ba? Sa SSS? GSIS? Pag-Ibig? Calamity Loan? O Pension Loan? Duh! Sa mukha mo palang halatang hindi mo afford i-cash ang sasakyan mo. So pathetic!" Susme, parehas pa kami ng kotse. Parehas ng kulay at parehas ng model. Kainis!



"O tapos? Ano ngayon?" Presko ng isang to a! " Bilisan mo na Miss, nag ta-traffic na oh! Mag-sorry ka na--" Hindi ko na s'ya pinatapos dahil sinuntok ko na s'ya sa mukha. Napamura sya ng malakas dahil don. Pasalamat s'ya 'di ko pa 'yon tinodo. Hindi ko pa nagamit ang mga natutunan ko sa Mixed Martial Arts Class ko. Pag ganitong beast mode na beast mode ako kanina pa, tapos dumagdag pa sya. Pwes, buti nga sakanya!



"That's what you get if you messed up with me, Asshole!" narinig ko pa nag pag-daing nya. Sakto namang may padaan na 'Crossing Terminal' na jeep kung saan ako sasakay papunta sa 'Canlubang' .Bababa sa Simbahan ng Mayapa at sasakay papuntang Laguerta. Ipinara ko iyon at nagmadaling sumakay.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Impact-A (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon