IX. Don't be

1.9K 59 0
                                    


Prince Yonard Greffin

It's Monday and it's school day again!  Nagbihis na ako at lumabas na ng kwarto ko at saka bumaba. Pagbaba ko naabutan ko si Mommy na may kausap sa phone niya. Mukang si Daddy siguro.

"Kailan ka ba uuwi?" tanong ni Mommy sa katawag niya. I know its dad.

"Ano? Okay! I'll tell him. Sige na bye! Take care hon." sabi ni Mommy at binaba na ang phone.

"Mom!" sambit ko sa kanya.
Napalingon naman si Mommy sa 'kin. Ngumiti muna siya bago lumapit sa 'kin.

"Are you going now? Ako nalang maghahatid sayo sa school." sagot ni Mommy.

Wait? Did just mom said that? Siya ang maghahatid sa 'kin? It's weird— I mean it's unusual.

"Okey." sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng bahay.

Habang nasa byahe kami ay napapatingin ako kay mommy. She's a little bit weird. Kahapon pumunta kami sa ng simbahan dahil daw wala na kaming bonding time kay god at nung umuwi na kami ay lage nalang siyang nakangiti. But this day she's weird. Para bang may tinatago siya sa 'kin.

I don't what is it but I'll try to figure it out..

"Thank you sa paghatid mom." sabi ko kay Mommy ng makarating na kami sa school.

"Your always welcome, Son." sagot niya at hinalikan ako sa noo. I hug her and kissed her cheeks. Lumabas na ako sa kotse at pumasok na sa university.





Pagkapasok ko ay si Franzine na agad ang nakita ko. Tahimik lang akong umupo sa tabi niya. Lahat kami naka upo na at hinihintay nalang si Prof na dumating. Ito namang katabi ko ay parang walang pakialam sa paligid niya.

Yeah, it's usual for her. Mukang malalim ang iniisip. May problema ba siya? O, sadyang seryoso lang talaga siya ngayon?

Napatingin muli ako sa kanya at bigla kong naalala 'yung party. Di ko talaga maisip na ang isang katulad niya ay magsusuot ng ganoong damit pero maganda talaga siya sa suot niyang damit.

"Franzine." sambit ko sa kanya.

I didn't know why I called her, maybe I'll ask her if she did her assignment..

No response...

"Franzine!" sambit ko ulit medyo nilakasan ko pa ang boses ko.

No response again..

"Franzi—" di ko na natapos ang sasabihin ko ng tumingin siya sa 'kin ng matalim.

Did I interrupted her in what she's thinking?

"Are you done—" di na naman ako natapos sa pagsasalita ng bigla siyang sumingit.

"Wala kang pakialam." malamig niyang sabi sabay tingin sa harap.

Oh yeah! I don't care but I'm just concerned here. Baka na naman kasi mapagalitan na naman ako...

"Tapos ka na ba sa assignment mo?" tanong ko sa kanya pero di niya ako nilingon o sinagot man lang.

Mukang malalim nga talaga ang iniisip niya..

"Franzine, I'm asking—"

"Pwede bang tumahimik ka? Ba't ba ang andami mong tinatanong? Ano bang pakialam mo?" inis na putol niya sa 'kin. Napayuko naman ako at napabuntong-hininga.

Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon