X. Bully

2K 61 1
                                    



Franzine Guillar


Dumiretso muna kami ni Jam sa hide out dahil may meeting daw kami sabi ni Boss. Matagal-tagal din akong di nakapunta dito. Umupo ako malapit sa mga kinalalagyan ng dagger.
Sa lahat ng equipment? Dagger ang gusto. Kahit dagger 'yan hindi 'yan weak. Dahil ang dagger ay parang kabute bigla nalang susulpot at boom! Wala ka na!

Napatingin ako sa pinto ng may bumukas nito at bumungad si Boss. Tumayo kami at nag bow sa kanya at umupo naman ulit.


"Pinapatawag ko kayo ngayon dahil may importante akong sasabihin sa inyo." malamig na sabi ni boss. Hinintay namin siyang magpatuloy sa kanyang sasabihin.


"Ang boss ng Mega Eagle ay naghahamon na ng laban sa atin ulit." dugtong nito. Napamura ako agad sa isipan.


Bakit naman ata nila naisipan 'yun? Di na ba sila nakuntento na namatayan sila ng limang miyembro nung nakaraang laban namin? Ano pa ba ang maasahan sa kanila? Mga duwag naman kasi sila at sumusugod nalang ng walang plano.


Mega Eagle isang gang group. Sila ang matindi naming kalaban. Kahit kailan di sila sumusuko sa pakikipaglaban samin. Gusto nila na mawala ang grupo namin sa mundo ng gangsters. Ayaw nilang nalalamangan sila pero di naman sila nag-iisip ng maayos. Pag namatay man ang miyembro nila? Kukuha agad sila ng iba at lalaban ulit. Si X'bone ang boss nila. Kilala siya bilang isang mafia boss pero parang hindi naman halata sa kanya 'yun. Malaki ang galit niya sa amin lalong-lalo na kay boss dahil pinatay lang naman ni boss ang panganay na anak ni X'bone, kanang kamay niya naman ang Rank 1 na si Bigbass siya ang matindi kong kalaban. Describe ko siya para sa inyo huh? Malakas siya, hilig niya ang baril at saka siya yung tao na di sumusuko hanggang di mamatay ang kalaban niya at ako 'yun. Malaki ang galit niya sa 'kin dahil napatay ko daw ang girlfriend niya na ubod ng pagkabitch kasi naman sasali-sali eh di naman marunong kaya 'yun nasapol agad at sumama sa kamatayan.

"Kailan ang laban boss?" tanong ni JK (Jam).

"Di pa nila sinasabi pero kailangan tayo maging alerto dahil kahit kailan di sila lumalaban ng patas." paalala ni boss.


Kahit kailan naman talaga basta lumalaban ka di talaga patas yan dahil may matatalo at may mananalo. Kailangan mong maging tuso para lang maunahan mo ang kalaban mo. Kapag lumalaban ka, kailangan handa kang masaktan at handa kang tanggapin ang pagkatalo mo sakaling matalo ka.

"FG, lalim ng iniisip natin ah?" bulong ni Jam sa tenga ko.

"Wala kang pakialam." malamig na sabi ko sa kanya.


"Meron ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo?" takang tanong ni Jam. Binatukan ko siya at saka sinamaan ng tingin.

"Sa susunod tatadyakan na talaga kita pag di ka jan tumigil." banta ko sa kanya sabay bigay ng matalim na titig.


"FG." tawag sa 'kin ni Boss. Napatingin naman ako sa kanya.


"Makakaya mo bang matalo si Bigbass?" malamig ngunit seryosong tanong niya.


Tsk! Kayang-kaya ko..


"Oo naman boss.." seryosong sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at bumaling sa Rank 1 namin. Napatingin nalang ako sa malayo at hindi pinakinggan ang mga sinasabi nila.


Pagkatapos ng meeting ay hinatid ako ni Jam sa bahay. Di na siya pumasok dahil nagmamadali daw siya. Pagpasok ko sa bahay nakita ko si Hazel na gumagawa ng assignment. Lage nalang ganito ang naabutan ko sa tuwing siya ang nandito.


Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon