Sa isang baybaying purok sa probinsya ng Ilocos, nakatira si Maya. Lumaki si Maya na kasama lamang ang kaniyang Ama na si Iñigo o Mang Igong kung tawagin sa lugar nila at ang Kuya Kenneth niya.
Simula nang bata pa lamang ay hindi na nakagisnan at nakilala ni Maya ang kanyang ina at kapatid na babae na ang ngalan ay Lucy. Naglayas ang Ina nila dahil nais nito ng mas magandang buhay at isinama ang babaeng anak. Itinago ito ng kanyag ama at kuya hanggang sa makatapos siya ng elementariya.
Mangingisda si Mang Igong at Kenneth bilang pamumuhay nila. Sa madaling araw, pumapalaot ang mag-ama kasama ang ibang mangingisda, hanggang sa pagsikat ng araw babalik ang mga ito dala ang mga huling isda upang maibenta ang mga ito sa palengke ng kanilang bayan.
Habang wala ang ama at kapatid, maagang gumigising si Maya para maghanda ng pagkain ang ama at kuya nya sa pagbalik ng mga ito galing palengke pagkatapos maibenta ang kanilang mga huli.
Araw-araw ganito ang kanyang gawain sa kanilang munting bahay, ang alagaan at pagsilbihan ang ama at kuya niya, masaya na siya dito. Pagtapos niya sa pag-aasikaso sa kanilang bahay ay naghahanda na rin siya sa kanyang pagpasok sa kanilang paaralan.
Sa paaralan, isang mabuting estudyante si Maya, palaaral at matataas ang mga grado nito. Sa paaralan may tatlong matalik na mga kaibigan si Maya, ito ay sina Gale at ang kambal na Leigh at Laurie.
Simula elementarya kaklase na ni Maya ang kambal, at nung unang taon nila sa sekondarya nakikala at naging kaklase nila si Gale. Simula noon, hindi na sila humiwlay sa isa't-isa, gusto nila palagi silang magkaka-kaklase.