Chapter Thirty Three

349 20 0
                                    

Jasmine's POV

"Saya natin ngayon ah?" Tanong ko sa kahapon pa nakangiting Ralph. Nag-shrug lang siya at niyakap ako habang tumatalon-talon. Oh gosh! Niyakap niya nanaman ako.

"Finally! She gave me a chance. Nanliligaw na ako sa kanya ngayon" sabi niya at niyakap pa ako ng mas mahigpit. Nadismaya ako sa sinabi niya at ngumiwi. Siya parin pala talaga hanggang ngayon.

"A-ah g-good. Co-congrats. Hehe" awkward kong sabi at kumalas na sa yakap niya. Umupo ako sa stool at nagpanggap na nagbabasa. Si Crystal parin pala ang mahal niya hanggang ngayon. Ang sarap sigurong maging Crystal ano? Sana.. Sana ako nalang siya.

"B-bakit? Hindi kaba masaya para sa'kin?" Tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko. Hinarap ko siya at ngumiti ng sobrang lawak. Kung alam mo lang.

"Masaya no! Kaya nga nagco-congratulate ako sa'yo diba?" Sabi ko at tinapik-takip yung balikat niya. Nag pogi sign siya at tumawa.

"Gwapo ko kasi eh" sabi niya. I rolled my eyes and stuck my tongue out. Yabang talaga neto. Pero okay lang, mahal ko eh.

"So, ano plano mo?" Tanong ko sa kanya. Sige pa Jasmine! Magpaka martyr kapa. Diyan ka naman talaga magaling eh.

"Anong plano?" Nagtataka niyag tanong.

"Duh. Para sagutin ka na ni Crystal" sabi ko at umiwas ng tingin. Ngumiti lang siya at ng-shrug ulit.

"Ewan ko din eh. Ayaw niya naman kasi ng sobrang romantic na date. Inaya ko kasi siya kahapon tapos bukas na yung date namin. Hays" sabi niya at kinamot yung ulo niya. napangiti ako sa gesture na ginawa niya. Ang cute niya kasi talaga. Oh Ralph.

"Umm... Then take her to a place where she'll never forget. Make good memories with her. Let her have fun. And make her feel comfortable" sabi ko sa kanya. I don't know if nakuha niya ba yung hint na binibigay ko but nasa kanya na'yon.

"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong. Napa face palm ako agad.

"I heard she's only been to an amusement park twice? Why not take her there?" Pagsu-suggest ko. Oo na! Ako na martyr. But if he's happy then I'm happy, right? Tss. Damn that phrase.

"Yeah. Okay. That sounds good. Thank you Jazz. Kaya mahal kita eh." Sabi niya at niyakap ako. Oh right. Mahal niya ako. Pero mas mahal niya si Crystal, sobrang mahal niya. Ako? Mahal niya lang naman ako as a friend eh.

"Sige Jazz. Umm.. Pwedeng favor?" Tinignan ko siya ng nakangiti. Anything for you Ralph. Anything.

"Yeah. Ano yun?"

"Pwede mo bang samahan ngayon si Crystal? Bibili kasi siya ng damit eh. At gusto kong samahan mo siya para imake-over siya. Please?"he said and used his charming smile para hindi ako maka hindi. Oo nanga lang. Malakas ka sa'kin eh. Mahal kita eh.

Umiwas ako ng tingin at tumango. Kahit ano para sa'yo diba? Sht ang martyr ko naba? Pero thats just the way it is right? Handa kang masaktan para lang sa mahal mo. Kaya ako, handa akong masaktan, makita lang siyang mahal. Even if it means me, not being able to be happy.

"Thank you so much. I love you talaga" sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit. Niyakap ko rin siya. I love you too Ralph. So much. Hinalikan niya yung noo ko at kumalas na sa yakap.

"Tayo na? Ihahatid na kita kina Crystal eh. And nami-miss ka na raw niya" and with that, he dragged me out of my condo unit at nagmadali akong ihatid kayna Crystal. Sa bahay ng mahal niya.

"Hey Jazz" masiglang sabi ni Crystal at niyakap ako. Ngumiti ako at niyakap din siya pabalik. Na-miss ko rin siya.

"It's been so long. Nakakatampo kana ah. Hindi kana nagpapakita sa akin" sabi niya at nag-pout. Cutie. Umiwas ako ng tingin at ngumiti.

Always the Bestfriend, Never the GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon