Gerald's POV
Tumaktakbo ako ngayon habang may kagat-kagat tinapay sa bibig ko. Late na kasi ako. Pagkadating ko agad akong pumasok at umupo.
"Nag-check na ba si sir ng attendance, Cassie?" Tanong ko kay Cassie habang hingal na hingal.
Hinanap naman agad ng mata ko si Faye at nakita ko agad siya. Napalingon siya sa pinag-uupuan namin ni Cassie kaya ngumiti ako sa kanya at nagwave ng kamay pero tinignan lang niya ako at tumingin agad sa blackboard. SEENZONE.
"Buti na lang at hindi pa. Bakit ka kasi muntik malate?" Tanong niya habang sumusulat ng notes.
"Nalate ako ng gising, he he he." Sabi ko habang kumakamot ng batok.
Actually, kaya nalate ako ng gising dahil hindi ako makatulog kahapon kakaisip sa plano kung paano ko maibabalik ang dating Faye.
Narinig namin ang bell. Magsisimula na ang klase kaya nagsi-ayos na kami. Pumasok 'yong instruktor na may kasamang lalaki. Matangkad siya at maputi pero syempre mas gwapo ako. Mukha siyang kano.
"Meron tayong bagong salta. Please maging mabait kayo sa kanya dahil kakapunta lang niya dito sa Pilipinas." Sabi ng Instruktor.
"Please, introduce yourself." Dagdag pa niya.
"I'm Rafael Rodrigez. I'm a half-Pilipino and half-american. I studied at Texas, Houston for my junior and senior year. So yeah, I'm 19 years old. I can understand Tagalog but I can't speak in straight tagalog. Please, understand my wrong grammars and wrong pronounciations of some tagalog words." Sabi nitong kano.
Pinaupo naman siya sa tabi ni Faye. Bakit pa sa tabi ni Faye? T___T
Medyo naboboring na'ko kaya napatingin na lang ako kay Faye.
Halata sa itsura niya na nakikinig siya, ang adorable tuloy tignan.Bakit ka kasi biglang nagbago, Faye?
Napansin ko naman 'yong katabi niya na nakatitig rin sa kanya. Type nito si Faye. Iba makatingin, eh. Malagkit kung tumingin. =__= Upakan ko kaya.
Mas lalong hindi ako makapagkonsentrayt sa sinasabi ng teacher namin dahil nakatingin lang ako kay Faye at sa katabi niya.Hindi ko napansin na lunch na pala namin. Unti na lang ang naiwan sa classroom kabilang si Faye, Cassie, ako at itong kano na ito. Nag-aayos kami ng gamit namin.
"Hey, I'm Rafael and you are?" Sabi ni kano.
Napatingin ako sa kanila. Sabi na nga ba na dadamoves ito, eh. Buti na lang tinitigan lang siya ni Faye at nag-ayos na lang siya ng gamit niya ulit. Bleh, buti nga. Wahahahaha! Pero may sinilip itong si kano kay Faye. Anong sinisilip nito? Manyakis yata ito ah.
"Oh, nice to meet you, Faye." Sabi ulit nitong kano na nakangiti pa.
Ah, ID pala ni Faye ang sinilip niya. This time tinitigan siya ni Faye ng naka-pokerface at tumayo saka umalis.
"Aw, I think she likes me." Sabi nitong kano habang ang ganda-ganda ng ngiti niya.
Asa ka!
Tumayo agad ako.
"Cassie, hindi muna ako makakasabay kumain sa'yo ah?" Sabi ko kay Cassie.
"Okay." Sagot niya habang nag-aayos ng bag.
Aayain ko sana si Faye para sabay kami maglunch kaso itong kano kasi, eh. Tuloy nakaalis na siya. Kaya binilisan ko tumakbo papuntang canteen.Bumili agad ako ng pagkain ko saka hinanap kung saan si Faye. Saktong nakita ko agad siya at mukhang wala siyang kasama sa table kaya mabilis akong pumunta sa kinaroroonan niya at umupo sa harap niya.
"Hey, sabay tayo kumain, ah?" Sabi ko agad sa kanya at ngumiti.
Tinignan naman niya ako habang ngumunguya pa siya.
"Tsk... Bakit ba ang daming makulit sa mundo?" Bulong niya saka siya nag-roll eyes.
Bumulong nga narinig ko naman. XD
"Hindi bale, cute at pogi naman ang nangungulit sa'yo ngayon." Sabi ko naman.
Napatingin siya sa'kin saka ko siya kinindatan.
"Ang kapal." Sabi niya saka umiling-iling at kumain.
Napangiti naman ako at kumain na rin. Pagtapos namin kumain ay sumabay ako sa kanya pumunta sa susunod naming klase. Nakita ko na naman itong kano na iba ang ngiti noong nakita siya si Faye napumasok. Hampasin ko kaya ito ng bag ko, nakakairita eh. Kupal. =__=
Nagsimula ang huling klase namin. This time nakikinig na'ko sa instruktor namin. Umulan naman ng malakas hanggang natapos na ang klase ay hindi pa rin tumila ang ulan. Buti na lang nagdala ako ng payong.Napatingin ako sa kinauupuan ni Faye pero wala na siya. Siguro umuwi na 'yon. Nagpaalam ako kay Cassie saka umalis. Sumakay ako ng jeep nakatingin lang ako sa bintana ng jeep hanggang na daanan nito ang school ko dati pero nakita ko na may nakatayong tao sa harapan ng gate. Si Faye kaya 'yon?
"Manong para po!" Pagpara ko agad naman himinto ang sasakyan.
Agad ko kinuha payong ko saka binuksan pagkababa ko ng jeep. Medyo lumampas 'yong jeep sa school kaya tumakbo ako papunta doon. Pagkadating ko doon nakita ko si Faye nakatayo sa harapan ng gate na walang payong at basang-basa. Sabi nga ba si Faye.
"Faye." Pagtawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa'kin. Ang makikita mo sa mga mata niya ay puno ng lungkot.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Nakita kasi kita habang nakasakay ako ng jeep kaya ako bumaba. Ano bang..-" Sabi ko at lalapit sana ako upang payungan siya.
"Tanda mo pa ba 'yong araw na nagkakilala tayo. Ganito rin 'yong panahon na 'yon, 'di ba?" Bigla niyang sabi.
Napahinto naman ako at napangiti dahil naalala ko 'yon.
"Tandang-tada k...-" Sasabihin ko na sana.
"Ganito rin 'yong panahon na hintay kita noong gabing 'yon pero hindi ka dumating." Sabi niya saka siya tumingin sa langit.
Nawala ang ngiti ko at nakatigtig lang sa kanya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. 'Yong araw na hindi ako nakasipot.
"Hinintay kita dito noon hanggang umaga pero hindi ka dumating. Ilang taon na ba kita hinitay? Ni hindi ko natandaan." Saka niya 'ko tinignan at tumawa.
Pekeng tawa.
"Bakit ko nga ba ito sinasabi sa'yo?" Sabi niya nakapekeng ngiti.
Nakita ko na umagos ang luha niya. Kahit malakas ang ulan na tumutulo sa mukha niya. Alam ko luha niya ang tumutulo. Hindi na'ko nakasagot dahil naguguilty ako.
"Sige, aalis na'ko paalam." Sabi niya saka siya tumalikod at naglakad palayo sa'kin.
Gusto kong magpaliwanag kaso wala akong lakas ng loob para sabihin 'yon. Pinanuod ko lang siya maglakad palayo sa'kin hanggang nawala siya sa paningin ko. Binaba ko ang payong ko at yumuko. Hinayaan ko lang mabasa ako ng ulan kagaya niya noon. Alam ko may rason ako kung bakit ako hindi nakasipot pero hindi niya deserve ang explaination ko dahil mas kailangan niya ang sorry ko.
"Sorry, Faye..." Sambit ko habang hinayaan ko ang sarili ko mabasa ng ulan.
-------------
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Things I'll Never Say
Teen FictionAng pangakong hindi natupad ng ilang taon, may pag-aasa pa bang matupad?