Act 10

70 21 3
                                    

Yella's POV


Ang bilis ng panahon. Mag-ju-july na agad? Parang kahapon lang kami nagpasukan, o sadyang nagmamadali lang talaga ang maganda nating Author?

Kung ano man ang dahilan, wala akong pake.

Dapat last week kami mag-sta-start ni Darwin sa pagpro-promote ng Smithstruck, kaso hindi pumayag si Tita. Masyado daw maaga tsaka hayaan muna daw namin yung mga teacher na simulan yung mga topic na ituturo nila saming mga students.

"Bakit nandito sila?"

"Ang gwapo talaga niya!"

"Baka may training sila."

"College na kaya sila, so dapat dun sila sa court nila."

"Baka liligawan akooo!"

"Ohmygosh! Maayos ba hair ko?"

Kaliwa't kanang bulungan at sigawan ang naririnig ko dito sa loob at labas ng room.
Ayokong tignan kung ano man yung pinagkakaguluhan nila, dahil ayoko makigulo tsaka hindi ako chismosa!

"Waaaahhhhh!" Sigaw nung isa.

Akala mo naman may nagpropose na, grabe makasigaw si Ateng.

Idinukdok ko nalang ang mukha ko sa desk. Wala naman akong mapapala kung makikiusyoso ako don.

Palakas ng palakas ang sigawan hanggang nasa tabi ko na yung nasigaw. Tumabi pa sakin to!
Wait! Nasa tabi ko?

Napaayos ako bigla ng upo ng sumigaw si Besty.

"BESTYYYYYYY!"

"What?" Iritang tanong ko sa kanya.

"Labas ka bilis." Aya niya sakin.

"Ayoko."

Hinila niya ako mula sa kinauupuan ko at dinala sa labas ng room, kung saan nandon ang mga classmate ko at yung iba pang nasigaw kanina.

"Kuya." Sabi ko ng makalabas kami ng room.

"Hi little Y.D" bati niya sakin.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"May sinamahan lang kami dito." Sagot niya.

"Who?" Tanong ko ulit.

"Me." Sagot nung lalaki.

"Ivan?" Paninigurado ko.

"Yes" tapos ngumiti siya at lumapit sakin.

"Ah."

"Can I talk to you?" Tanong niya.

"Sure." Sagot ko.

Tumingin siya sa paligid, agad namang nagsi-alisan yung mga classmate ko pati narin yung mga chismoso't chismosa. Kanya-kanyang balik sila sa room nila. Pati rin sila Kuya ay biglang nawala sa paningin ko.

Dapat na ba akong matakot kay Ivan?
Parang ang powerful naman niya nung ginawa niya yon.
Palakpakan naman natin!

"Alam mo na siguro." Panimula niya.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Na gusto kita." Sagot niya.

"Joke ba yan?" Tanong ko ulit.

"Napakaseryosong joke naman non pag nagkataon."

"Ano nga?" Tanong ko ulit.

Mahilig akong magtanong, kaya wag kang ano!

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon