Chapter 1

91 0 0
                                    

Chapter 1

“Trish, samahan mo naman ako sa National Bookstore titignan ko lang kung anong best seller ngayon, sige na please?" ayan na naman ang kaibigan kong si Diane, niyaya na naman ako na magpunta ng bookstore. Kulang na lang sabihin ko sa kanya na "Hoy, kahit kelan ba hindi lumabo yung mata mo sa pagbabasa?" Ayaw na ayaw ko talagang magbasa eh, ang boring naman kasi. "O sige na nga! Ano pa nga bang magagawa ko? Mabilis lang tayo dun ha at may assignment pa akong gagawin"

Magkaklase kami ni Diane sa 4 months certificate program na pinapasukan namin. Ang hirap naman kasi maghanap ng trabaho; nakagraduate na ako ng college pero hanggang ngayon wala pa ring tumatawag sa akin. Hindi ko naman malaman kung tanggap ba ako o hindi; lagi na lang nila sinasabi na "We will call you within two months if you are qualified for this position" . Paano ba naman kasi, freshgraduate nga eh tapos hahanapan ka ng experience? Ibang klase na rin talaga ang mga kumpanya ngayon at kung tutuusin, dapat nag hahire sila ng naghahire ng mga freshgraduate dahil mas marami kaming alam na diskarte para mapabilis ang gawain. Tulad na lang ng pangongopya sa klase; kanya kanyang diskarte lang yan. Nandoong gumamit ng Ipod touch kasi may wifi para google google na lang at meron din namang maglalagay ng kodigo sa transparent na ID case. Kaya sabi ko sa nanay ko pag aralin na lang niya ako ulit, malaki din ang maitutulong nito kahit papaano.

Naglakad lang kami papunta sa SM North. Overpass lang naman kasi ang pagitan galing sa school papunta sa SM North. Hindi ko pa masyado nasasara ang bag ko nang kaladkarin niya ako "Tara bilis!" ay pwede maghintay ka ate? Para lang siyang bata na nasasabik sa gusto niya. "Hello National Bookstore" sabi ko sa sarili ko. Nagkita na naman kami, sa loob ng isang buwan, apat na beses kami pumupunta dito para lang tignan niya kung ano na ang best seller ngayon. 

"Wow! ang daming bago Trish!" dali dalian siyang nagpunta sa Bestseller area at tinignan niya ang likod ng mga iyon, isa isa. Sa likod ng libro kasi makikita kung ano ang nilalaman nito at ako naman ay nasa isang sulok at inip na inip na. Kakaikot ng mata ko ay may napuna akong libro, ang ganda ng cover niya nakakaakit at parang ang sarap basahin. Diskarte nga naman oh; habang nagtitingin si Diane ng mga libro, lumapit ako sa librong nakita ko. "Hmm... Mukhang maganda ngang basahin" bubuksan ko na sana para tignan ang loob nito ng bigla akong tinawag ni Diane at sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko yung hawak kong libro. "Ayun oh! magbabasa ka rin naman pala eh!" lahat naman talaga napupuna ng taong ito eh "Hindi ah! Maganda lang yung cover kaya tinignan ko! Wala akong interes basahin!" sa sobrang hiya ko, namula ang pisngi ko at napansin niya yun. "Alam mo ba na sa wattpad lang galing yan?" sa totoo lang, hindi talaga ako pamilyar sa mga sinasabi niya pero bigla akong nagkaroon ng interes nung sinabi niya yon. "Ano yung Wattpad?" bago siya sumagot sa tanong ko ay pinakita niya muna lahat ng nagustuhan niyang libro at ang dami ha? "Yung Wattpad, self-publishing site siya. Gagawa ka ng sarili mong istorya syempre may magbabasa nun. At kapag maraming nagbasa or bumoto sa gawa mo, magkakaroon ka ng chance na mapublish ng Wattpad yung story mo" aba ayos yun ha! kikita pa ako. Hindi ko sinabi sa kanya na interesado ako pero may mga naglalaro na sa isip ko. "Eh paano naman mapupublish ng Wattpad yung story ko?" pumila muna kami sa cashier para bayaran yung mga librong pinili niya. Umabot din ng mahigit limang daan ang presyo ng mga yon. "Ay ayun ang hindi ko alam. Kasi hindi pa naman ako nakakagawa ng story sa Wattpad. Sinasabi ko lang yung nalalaman ko" 

Pagkatapos naming mamili sa National Bookstore ay nagpunta kami sa Mcdonalds para kumain. Naging buhay ko na rin ang Mcdonalds dahil simula pa lamang nung bata ako ay sa Mcdonalds kami madalas kumain ng mga magulang ko. Iisang anak lang naman kasi ako kaya nasusunod lahat ang gusto ko; hindi man kami mayaman pero kaya naming bumili ng mga bagay na meron ang mga mayayaman. Kung wala edi wala, kung meron ay limitado pa rin. Mcsavers lang ang inorder naming dahil kinapos na si Diane dahil napunta halos lahat ng pera niya sa mga librong binili niya.

My Mr. Wattpad (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon