1

3 0 0
                                    

Start

"Iho! Kelan ka lang bumalik? Grabe ang gwapo mo na ah! Laki ng pinagbago mo!"

Rinig kong salubong nila sa bagong dating. Yan siguro yung kanina pa nila hinihintay. Abalang abala sila kanina sa pagpapalinis ng buong bahay ng dahil sa bagong dating na.. kung sino man yon.

Agad akong tumayo at tumungo sa kwarto ko. Maglalaptop nalang ako. Anong gagawin ko dun at makikipagusap sa matatanda.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay may narinig na kong katok sa aking pintuan. Ang ingay. Kilalang kilala ko na kung sino yung kumakatok. Panira ng tahimik na buhay yan.

"Jamilla! Can you please open the door? Kanina pa kita tinatawag ayaw mo sumagot! Ayaw mo ata ako kasama!"

"Handali lang bubuksan ko na sophie. May ginagawa lang ako." Sabi ko.

"Dalian mo ah! Kanina pa ko dito! Ano na? 5..4..3..2.."

Kanina pa? Kanina pa my ass. Kakakatok niya lang lolokohin pa ko. Pakanta pa siyang nagbibilang. Bwiset. Bwiset mangugulo nanaman to. Kala mo naman kung ano kailangan.

"Malapit na matapos! 2 and a half! 2! Ayan na!"

Padabog kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan ang maingay na babaeng to. Nakasandal pa siya sa pintuan kaya halos mapatumba siya. Laftrip bwiset.

"Ano ba! Ang kulit kulit mo ah!" Sigaw ko.

"Okay lang yan. Love mo padin naman ako. Hahaha" sabay hila sakin palabas para makapasok siya sa kwarto ko.

"Ano bang ginagawa mo! Wag ka nga manula-"

Hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng may sumabat na isang binatang lalaki. Pagingon ko ay halos nakakita ata ako ng anghel. Wow! Ang gwapo niya. Ang tangkad at ang gwapo! Siguro mga 19 na siya? Di ko alam. Taray! May age pang nalalaman.

"Excuse me."

"H-ha?" Nagtatakang tanong ko.

"Excuse me. Nakaharang ka."

Nataranta akong tumabi at binigyan siya ng daan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan. Nilingon ko ulit ang lalaki at nakita ko siyang tinititigan ako.

Hindi ko alam kung lilingon ba ko sa iba o hindi. Umalis siya at naestatwa padin ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam bat bigla akong kinalibutan. Hindi naman siya nakakatakot? Pero ang lakas padin ng tibok ng puso ko.

"Huy! Sino yon? Kilala mo? Pakilala mo naman ako? Sarap naman! Ang pogi grabe!" Biglang sabi ni sophie.

"Pwede ba. Manahimik ka. Tanda na kaya non! 17 years old palang tayo! Eh siya? Tara na nga!" Sabi ko. Sabay hila kay sophie papasok ng kwarto. Pero, sarap daw? Sus. Masarap nga. Haha!

Habang may kinwekwento si sophie about sa boyfriend niyang di ko alam kung anong prolema. Hindi ko padin matanggal sa isip ko yung kaba na naramdaman ko kanina. Alalangalala ko pa yung mata niyang tumititig sakin na para bang walang emosyon. Para bang ang laki ng kasalanan na nagawa ko. Pero di bale na.

Napatigil kami sa pagkwekwentuhan ng may tumawag samin ni sophie para kumain na. Salamat naman kanina pa ko nagugutom.

"Yes manang. We'll be right there. Liligpitin lang po namin to" Sabi ko.

Agad agad kaming bumaba pagkatapos naming magayos ng sarili. Nagunahan pa kami at halos mahulog pa sa hagdan tong si sophie. Well kasi tanga siya

Naupo agad ako sa tabi ng kung sino man. Basta kung saan ang bakante. Narinig kong tumikhim ang katabi ko at nakita ko ang lalake kanina. Halos pagpawisan ako habang tinitignan siya. Ang lakas ng tama niya sakin. Ginayuma ata ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon