Friends Forever

1.3K 21 12
                                    

 Hello beautful and handsome madlang people! Nagulat kayo at nag update kami nu? Promise na po yan, babalik na kami sa every Saturday! Yehey! So support naman jan guys para ganahan kami, please?! Enoy reading! Super dami palang POV changes dito. Haha!

Nung nagising ako sa umaga... hindi ko alam kung magagalit, maiinis, matutuwa o kikiligin sa mga nangyari kagabi.

Oo sobrang natutuwa ako na pinayagan ako ni Arisa na ligawan siya... walang makakahigit sa tuwa ko kaso may panira talaga. Nakakainis... pero may good thing doon, hindi naman pala niya boyfriend tulad ng inassume ko.

Kaso sobrang sakit pa rin kasi mag BEST FRIENDS sila. Hindi lang yun! CHILDHOOD BEST FRIENDS pa, magkakilala sila ever since nung mga 8 pa lang sila.

Hindi rin ako tanga at bulag para hindi makita na may gusto siya kay Arisa. Halatang-halata yung mga tingin niya, ewan ko lang kung ano problema ni Arisa para hindi niya makita ang halatang reaksyon ng best friend niya sa kanya.

Napakamanhid talaga ng babaeng yun.

Hindi ako magmamang-maangan pa, naiintimidate ako sa kanya. Kasi alam kong may past sila at yung past na yun ay pwedeng bungahan ng pag-ibig. Ganun naman lahat ng lovestory di ba? Lalo na sa Wattpda... madaming mag best friends ang nagkakatuluyan. Kaya talagang natatakot ako. Oo, ngayon lang ang lahat ng emotion na nararamdaman ko kaya hindi ko hahayaang mawala yun sa akin.

Hindi ako susuko at hinding-hindi ako magpapatalo kay Albie Casino.

Oo, niyakap nga siya ni Arisa pero ako naman ang binigyan niya ng GOODBYE KISS sa cheek.

Albie’s POV

Sobrang saya ko dahil after 5 years, nakabalik na rin ako sa Philippines from America. Talagang namiss ko itong bansang to, lalo na sa taong naiwan ko dito.

Hindi ako makapaniwala na si Arisa na pala yung nakita ko kagabi. Sobra ang pinagbago niya. For once, nahalata kong tumangkad yung bansot na yun at mas lalo siyang gumanda.

Higit na namiss ko talaga siya at sobrang pinagsisisihan ko ang pag-alis ko. Hindi ko naman talaga ginusto yun eh...  ang parents ko kasi. Pero pinagbigyan na nila ako kaya dito na ako magtatapos ng high school ko kaya sophomore ako dito ngayon at sa school ni Arisa.

Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin bago ako umalis at yun ay ang sabihin ‘I love you’ sa kanya pero natatakot ako eh... ayokong lumayo siya sa akin. Ayoko ding masira yung friendship namin... pero love is about taking risk di ba?

Kakayanin ko kaya? Hay nako... makapasok na nga sa first day of school ko!

Lauren’s POV

HELLHIGH ❤KathNiel❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon