CHAPTER 18
GOOD NEWS! BAD NEWS!
(A/N: After 123456 years. Nakapag-UD din. Super sorry kasi busy much sa study eh.)
Cassie's P.O.V
It's sunday. It's almost 11:00 am but still andito pa din ako sa room ko. Ayokong lumabas ng kwarto ko.
Sa anong dahilan? Dahil lang naman sa LINTEK KONG MATA na MAGANG-MAGA dahil sa kakaiyak ko.
Kagabi kasi tinext ako ni Best and binalita niya sa akin na may good news daw siya.
At alam niyo ba kung anong good news niya?
PUMAYAG NA SI CATLEYA NA MANLIGAW SIYA.
Tuwang-tuwa siya nung ibinalita niya sa akin yan. Hindi niya lang alam na yung good news niya yun eh para sa akin ay BAD NEWS.
Mapang-asar na balita. HMMPP >___________< ..
Ay naku tama na kadramahan ko buti pa ititext ko na lang si bhe Christelle na pumunta siya dito sa amin. Tutal umalis naman ang parents ko ang tanging makakasama ko lang ay ang mga maids sa bahay.
Buti na lang at free siya sa araw na to kaya pumayag siya na pumunta ngayon dito sa amin.
Habang wala pa siya, nag-OL muna ako. Nag search ako ng mga lyrics na pwede kong kantahin sa singing contest.
Dun ko na lang itutuon yung oras ko sa pagpa-practice para naman hindi ko na masyado pang isipin yung sakit na nararamdaman ko.
Hinanap ko yung lyrics ng GIRL ON FIRE by Alicia, DIAMONDS by Rihanna and I STAY IN LOVE by Mariah Carey.
Mga Favorite songs ko yan tatlong yan. =)
After 1hour dumating na din si bhe Christelle.
Oh bhe!Pasensya na kung natagalan ako ah. Dumaan kasi ko sa school tinignan ko yung announcement tungkol sa singing contest sa school. May some changes na ginawa. Isang song na lang daw ang kakantahin ng bawat isa. Masyado daw kasing madami pag tatlo eh. --Pabungad na litanya niya pagpasok niyang kwarto ko.
Ah mabuti naman kung ganun. Naawa sila. Dami-dami naman talaga ng tatlo eh. So ano kayang magandang kantahin bhe? --Sagot ko naman habang nakayuko. Tinatago ko kasi yung maga kong mata.
Yung girl on fire na lang kantahin mo bhe. Tutal naman maganda ka so babagay sayo yun.
Ngek! Ano naman connect ng kanta sa kagandahan ko? Aber? Niloloko mo na naman ako Christelle eh. >________<
Gaga hindi kita binibiro. Maganda ka talaga tsaka bagay sayo yung kantang yun! SWEAR! Ikaw mananalo sa contest pag yun kinanta mo. =)
Sows! BOLERA mo bhe --Pasigaw kong sabi sa kanya.
Teka nga bakit ka nakayuko? --Pagtataka niyang tanong.
Ay wala naman! Hehe. trip ko lang yumuko. --Sagot ko naman.
Hoy anong trip lang. Iangat mo nga yang ulo. --Sigaw naman niya.
Edi ako naman. Sumunod sa gusto niya. Iniangat ko yung ulo ko. Tapos ngumiti ako ng abot tenga sa kanya.
WHAT THE F. Anong nangyari dyan sa mata mong babae ka? Sabay pitik niya sa noo ko.
Aray naman bhe :( Wala umiyak lang ako kagabi kaya ayan maga. HEHE :D
At bakit ka naman umiyak? --Tanong na naman niya.
At ayun kwinento ko sa kanya yung news na binalita sa akin ni Angelo.
Alam mo ba bhe. Nakakainis, nakakaiyak at nakakabwisit. Yung binalita niya na yun. Para sa kanya GOOD NEWS yun sa akin hindi. BWISIT talaga bhe. BAD NEWS kaya yun para sa akin. --Pag-eemote ko naman kay bhe Christelle.
Hayyyst! Bhe yaan mo na. Buti pa wag mo na isipin yun. Pabayaan mo muna yang problema mo. Ituon mo na lang yung pansin mo sa contest na sasalihan mo. tsaka mo na isipin yan.
Huwag ka na magdrama. Sige ka papanget ka niyan. tsaka tingnan mo nga yang mata mo oh. Parang kinagat ng ipis sobrang maga. Buti pa magpractice ka na lang muna. Para ikaw yung manalo sa contest.
Wag ka na malungkot. SMILE ka na =) --mahabang litanya sa akin ni bhe Christelle para lang hindi ako malungkot pa.
Pagkatapos ng emote ko na yun, tulad nga ng sabi ni Christelle nag-practice na lang ako maghapon kasama siya. Siya yung nakikinig ng boses ko at tinitingnan kung tama o maganda ba pagkakabigkas ko ng mga words.
Kahit papaano di ko na masyadong naiisip yung bad news na yun. Buti na lang andyan si Christelle para samahan ako.
Ano na lang kaya mangyayari sa akin kung wala si Christelle. Siguro mukha na kong tanga. Ay TANGA na nga pala ko matagal na. Siguro BALIW na ko kung wala yung babaeng yun.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY BESTFRIEND
Novela JuvenilPwede kayang mangyari? Oo, di naman imposibleng na mahulog ka sa bestfriend mo, lalo na kung lahat ng traits ng isang lalake na pwedeng ika-inlove na babae eh nasa kanya. Pero mahirap umamin di ba? mahirap kasi bestfriend mo yung tao .. What if in-l...