Another Best Friend Story 3

84 2 0
                                    

Umuwi din ako matapos naming isara yung Cafe. Maaga kaming nagsasara palagi dahil si Toru rarampa pa.

Sa kusina ako dumiretso pag dating ko ng Unit ko at kalat agad ni Daniel ang nakita ko. Makikikain na nga hindi pa naglilinis! Naku ikaw talagang Daniel Jimenez ka! Pasalamat ka at mahal kita eh. Kung hindi naku, kahit best friend pa kita, uupakan talaga kita!

Pumunta na ko sa kwarto ko pagkatapos kong maglinis sa kusina, hindi ko na binuksan yung ilaw dahil baka kalat na naman ang makita ko. Gusto ko ng magpahinga at humiga hindi maglinis ng kinalat ng burara kong best friend!

Humiga ako sa kama at naramdaman kong parang may tao sa tabi ko. I smell Daniel's perfume. He's still here? At this hour? Tatayo na sana ulit ako kaso nayakap na agad ako niya ko. Oh no! Biglang kumabog yung puso ko. We're on my bed and he's hugging me with his warmth arm. What if? Oh Stop with the nonsense dirty thoughts Barbie!

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko. Hindi siya sumagot. Tatangalin ko na sana yung kamay niyang nakayakap sakin ng maramdaman ko ang init ng katawan niya. Umupo ako sa pagkakahiga at binuksan yung ilaw sa side table ko. Hinawakan ko siya sa noo niya at ang init niya. Nilalagnat siya.

"Bakit di mo sinabing may lagnat ka?" Tanong ko.

"Nagugutom ako B." Mahina niyang sabi sa sobrang hina para na siyang bumubulong.

"Okay, magluluto ako." Tumakbo na ko papuntang kusina at nagluto. Dinala ko naman agad sa kwarto yung niluto ko at nag dala na din ako ng gamot para inumin niya.

Nilagay ko muna sa side table yung niluto ko at ginising si Daniel.

"Daniel kain na para makainum ka ng gamot." He opens his eyes. Umupo siya mula sa pagkakahiga at tinignan yung niluto kong pagkain sa side table.

"Subuan mo ko ah." Paglalambing niya. Para namang may choice ako? Sinubuan ko na siya since mukha talagang nanghihina siya.

"Maswerte talaga akong magkaroon ng maalagang best friend." Pinisil niya ng mahina yung pisnge ko. Tinangal ko din naman agad yun.

"Sinabihan na kitang wag mo ko gagamitan ng playboy moves mo diba? Hindi lang ako basta kung sino, best friend mo ko!" Pinagdiinan ko talaga yung salitang best friend para pumasok agad sa kokote niya.

He chuckled. "Alam ko, kaya lang minsan masarap ding makipag flirt sayo."

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Ga*o ka talaga ka!"

"Shhh... pwede ba wag ka ngang mag mura, hindi bagay yun sa masarap mong labi." Tingin ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. I know im blushing.

"May sakit ka na nga puro kamanyakan padin lumalabas dyan sa bibig mo!"

"Ikaw kasi eh."

"At bakit ko naman to naging kasalanan aber?"

"Maalaga ka eh."

"Edi magpaalaga sa mga babae mo!" Tumayo ako at nilapag yung pagkain niya sa side table tsaka lumabas ng kwarto.

Nakakainis talaga siya, napaka careless niya.. kaya ko unti unting nahulog sakanya eh. Buti ba kung sinasalo niya ko? Eh hindi naman! Iba sinasalo niya, yung mga malalanding babae sa Bar na wala ng ginawa kundi makipag flirt sa lalakeng kakakilala lang nila. Nakakabuwiset ka talaga!

Umupo ako sa sofa at binuksan yung t.v. Kahit hindi ako mahilig manuod ng t.v manunuod nalang ako kesa ang magstay sa kwarto kasama ang playboy kong bestfriend.

"B." He called. He gives me his sorry-na smile. I roll my eyes. Tumabi siya sakin at isinandal yung ulo sa balikat ko. Yan na naman siya eh. Nakakainis talaga!

"Naubos mo na yung pagkain mo?" Tanong ko.

He shakes his head. "Wala na kong ganang kumain eh." Himala si Daniel Jimenez na napaka takaw nawalan ng gana sa pagkain? May lagnat nga siya!

"Uminum ka na ng gamot?"

"Yah." Hindi na ko nag salita at nanuod nalang ulit. Isang Vampire Series ang pinapanuod ko, mahilig kasi ako sa Vampire stories eh. Crush ko nga si Ian Somerhalder ng The Vampire Diaries eh. He's hot! Super duper hot, mas hot pa sa best friend ko.

Nasa kissing scene part na yung pinapanuod ko. Kaya tuloy bigla kong naalala yung sinabi ni Daniel na napaka sarap daw ng labi ko. Paano niya nalaman eh hindi pa naman niya natitikman?

Ipatikim mo kaya? My subconscious suggested. I roll my eyes. Never kong ipapatikim sakanya yung labi ko nu! Unless... gusto niya.

Haaaay! Kung ano ano namang pumapasok sa utak ko. Kasalanan niya to eh. Kung ano ano kasing lumalabas sa bibig niya yan tuloy ang dumi na ng utak ko.

Narinig ko ang paghilik ni Daniel, isang mahina pero at cute na hilik. Ano bang hindi cute sa mokong na to? Nakatulog na pala siya sa balikat ko. Hinaplos ko ulit siya sa noo niya, mainit padin siya. I kisses his hair.

Another Best Friend Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon