Shocked. Surprised. Happy at the same time.
Yan ang naramdaman ko sa sinabi ni Sam sakin tungkol kay Daniel. Noon pa gusto ako ni Daniel? Paanong nangyari yun?
Bakit hindi ko nahalata? Wait! He's being pervert at me. Yun na ba yun? Urgh.. nakakadiri naman siya mag express ng feelings.
Pero bakit ba hindi pa niya inaamin? Edi sana matagal ng naging kami. Di kaya tama yung sinabi ni Sam na natotorpe sakin si Daniel? I smirked. So pag dating sakin torpe siya? At sa iba hindi?
W.O.W
Kaya naman pala ayaw niyang burahin yung nga pictures ko sa cellphone niya at forever love ang nakalagay na name ko sa cellphone niya. May mga clue na pala, ang hina ko lang dahil hindi ko agad nalaman at nahalata.
Malay ko ba naman kasing may lihim na din palang pagpapatansya ang mokong na yun sakin.
Bigla kong naramdaman na may umakbay sakin. "Anong ngiting aso yan huh?" It's Daniel. Bigla akong nakaramdam ng kaba at hiya dahil ngayon alam ko na yung feelings niya sakin.
He's showing his feelings by flirting with me.. sometimes. Gagayahin ko nalang din siya. I'll flirt with him too. Para iparamdam ang feelings ko.
Lumayo siya ng kunti at tinignan ako ng makahulugan. "May pinaplano ka nu?" He asked. I laughed. Kilalang kilala niya talaga ko ah.
"Meron nga! Anong gagawin mo ngayon niyan?"
"Depende kung anong plano mo para makasalag ako agad."
"Sasalag ka? Eh paano kung..." i paused. I cleared my throat. "Halikan kita?!"
Tinignan niya ko ng gulat na gulat. "Hahalikan?"
I laughed. "Uyy.. gusto niya."
He smirked. "Are you flirting with me... best friend?"
"Uhm.. No?!" He walks to closer. I step back. Naramdam ko ang pagtakbo ng mabilis ng puso ko parang nakikipag karera sa kabayo. Oh.ow!
"Paano kung gusto ko ngang halikan ka?" He seductively asked. Edi gawin mo!
"Hindi mo kaya yun." He continues walking closer to me.
"Kaya ko!" He smirked. Hinawakan niya ko sa kamay para pigilan ako sa pag atras. He leans down that's why our face is close.
"Nasa public place tayo Daniel."
"I don't care." Ohmygod.. he doesn't care. What to do? What to do? Bakit ba kasi sa kalsada ka nakipag flirt sa isang mahilig din makipag flirt eh. He's looking at my lips. Im holding my breath. Then suddenly, someone slapped him.
Wooh! Nakahinga din ng maluwag.
Tumingin ako sa sumampal kay Daniel at nakita ko isang nanggagalaiting babae. Isa siguro sa mga girlfriends ni Daniel. She's glaring at me. I glared back.
"So ikaw pala yung forever love niya sa cellphone."
"Ako nga!" Kompyansa kong sabi. Mas lalong tumalim yung tingin niya, kung nakakamatay lang ang tingin napatay na niya ko. Sasampalin niya sana ako pero pinigilan yun ni Daniel.
"Wag na wag mong susubukan na sampalin siya.. Katy!" Daniel warned.
"Katy? It's Christine not Katy!" I roll my eyes. Maski ba naman pangalan ng babae niya hindi niya alam o matandaan?
"Yah, whatever! Just go!" She slapped him again and walked away. "Ouch!"
"Yan, napaka babaero kasi."
"Nakakainis, inistorbo niya ang plano kong paghalik sayo." Oh.. he's still there. Dahan dahan akong naglakad palayo habang nakatingin pa siya sa babaeng nanampal sakanya.
He grabbed my arm. "Hep! Saan ka pupunta?"
"Uuwi na?"
"Hindi mo ba tatapusin yung sinimulan mo? Ako kasi tinatapos ko." Oh.ow! Someone help me from this good looking predator in front of me. He's gives me an i-want-to-kiss-you look. "Gusto mo ba sa Unit mo natin gawin?"
"Eh kung sapakin kita!"
"Okay lang, basta may kiss ako."
My Gosh! Mali talagang sinimulan kong nakipag flirt sakanya. Nakakapraning na yung lumalabas sa bibig niya. Kung mag salita akala mo hindi niya ko best friend.
Eh inlove nga sayo diba? My inner self spokes.
Bakit di nalang niya sabihin? Dinadaan pa niya ko sa mga ganito. Sapakin ko to eh.
BINABASA MO ANG
Another Best Friend Story (Short Stories)
RomanceShort Stories of all Best Friend Stories.