Bakit napakahirap mag Move on?
Bakit napakahirap umusad?
Bakit?
Bakit masarap magmahal?
Bakit masakit?
Bakit tayo nasasaktan?
Bakit ganon? Hindi ko maintindihan. Bakit patuloy parin akong nasasaktan.
Bakit ba Mahal ko pa siya! Bakit ba hindi ko mausad papunta sa tama yung puso ko. Bakit ba ayaw niyang kalimutan yung taong sobrang bumasag sakanya.
Bakit ba ko nahihirapan?
Apat na buwan na, bakit mahal ko parin siya?
Hindi ko tuloy makuhang magmahal ng iba kasi yung puso ko.. nasakanya.
Tulungan niyo naman akong kalimutan siya oh. Sobrang hirap na hirap na din kasi ako sa nararamdaman ko.
Jusko, bat pa kasi nagkaganto?
Paano mag move on?
Dati kapag may nagtatanong sakin niyan, palagi kong sinasagot sakanila..
"Hayaan mong masaktan ka hanggat sa maramdamang mong isang araw, malaya kana. Hayaan mong mawala yung sakit."
Pero parang ang hirap naman palang gawin.
Gusto ko nang maging masaya.
Gusto ko yung tuwing makikita ko siya hindi na ko nasasaktan pa.
Yung tipomg kayang kaya ko nang ngitian siya, kahit pa na ano man yung nagawa at nasabi niya.
Ganto ba talaga pag wala yung closure na sinasabi nila? Meron naman ah. O siguro nga ayaw ko lang talagang aminin sa sarili ko na mahal ko pa siya, kasi pilit kong pinapaniwala yung sarili kong; "Okay na." Kahit na yung totoo, "Hindi pa."
Sa tuwing nakikita ko siya napapatanong ako sa sarili ko,
"Saan ba ako nagkulang?" Ginawa ko naman lahat eh.
Bakit parang sakanya, "Hindi padin ako sapat?"
Kasi kampante siya? Na tuwing sasaktan niya ko babalik ako sakanya?
Bakit ganon? Bat yung mga tao ngayon ang hilig "Mag Take Advantage?"
Kasi komportable sila?
Kasi mahal sila?
Paano kapag natuto na yung mga taong tinetake advantage nila?
Paano nalang ang pilipinas diba?
Sana matuto tayong makita ng maaga ang MALI sa TAMA.
Para sa huli, masaktan ka man. Atleast alam mo sa sarili mo na ginawa mo yung alam mong tama.
~ JA
BINABASA MO ANG
MOVING ON [Blog Post]
RandomWell, since hindi ako familliar sa Tumblr. Dito ko nalang siguro ilalabas kung anong nararamdaman ko. :)