Chapter 12

5.8K 183 8
                                    

GENES for HIRE
by...emzalbino
Chapter 12....

Makalipas ang isang linggo matapos mailabas ng ospital si Elizabeth ay muling bumalik ang pagiging aktibo ng bata. Naging masigla ulit ito at masayahin ang kanyang mukha kaya naman masayang masaya ang mga lolo at lola ni Baby Elizabeth dahil bumalik na ang dating apo nila. Ngunit si Czarinna ay mas nagiging matatakutin dahil sa iniisip niya na baka bigla nalang mag krus ang landas ng mag ama.

"Mommy, daddy! May alam ba kayong school na pwedeng mapasukan ni Elizabeth?" untag ni Czarinna sa kanyang mga magulang habang nasa harap sila ng hapagkainan at sama samang kumakain ng hapunan.

"Actually iha, kagagaling ko lang kaninang hapon sa school na sinabi sa akin ng aking amiga and when I went to checked it ay maganda naman ang surroundings at safe na safe kay Elizabeth." agad na sagot ni Donya Zenaida.

"Anong school po iyon mommy?" tanong muli ni Czarinna habang kumakain ito.

"Ang name ng school ay Little Angel Methodist School. Nakausap ko rin ang prinsipal ng paaralan at nalaman ko na maganda ang pamamalakad ng bawat teachers and faculty members sa school  kaya iyon sana ang sasabihin ko saiyo but naunahan mo ako" pahayag ni Donya Zenaida.

"Magugustuhan kaya ng anak ko ang paaralang iyon?" may pag aalalang tanong muli ni Czarinna saka tumingin sa anak nitong katabi lang niya na nakatingin din sa kanya....."Anak, would you like to go to that School?" baling na tanong ni Czarinna kay Elizabeth.

"Yes mommy!" magaap na sagot ni Elizabeth sa kanyang ina sabay tango pa ito....."Any school mommy, as long that I won't go back to States" dagdag na wika ng bata kaya natameme si Czarinna at tumingin sa kanyang mga magulang na parang nakikiramdam din.

"Okay!.." tanging nasabi ni Czarinna sa kanyang anak.

"Thanks mommy, grandpa and grandma!  I love you all, and I will promise that I'm always be a good Girl" nakangiting turan ni Baby Elizabeth kaya naman niyakap ni Czarinna ng mahigpit ang anak.

"Salamat anak!.." napaluha si Czarinna ng wala sa oras dahil kung magsalita ang kanyang anak ay para ng nasa hustong isip.

.....

Sa paglipas ng mga araw ay walang kasing saya para kay Elvie dahil habang dumaraan ang bawat sandali ay nagiging malapit na siya sa kanyang tagumpay. Hanggang sa sumapit na ang araw ng kanyang pinakamimithi, ang kanyang pagtatapos sa kanyang pag aaral.

"Congrats anak!.." masayang bati ni Aling Openg at Mang Quintin kay Elvie habang hawak hawak nito ang kanyang diploma.

"Salamat po inay, itay!  Hindi ko akalain na mapapasakamay ko ito" mangiyak ngiyak na sagot ni Elvie saka ibinigay niya sa kanyang mga magulang ang kanyang hawak na diploma at niyakap niya ng mahigpit ang mga ito at pinaghahalikan ang kanilang pisngi.

"You deserved to have it!.." ani Elly na noon  ay nakangiting palapit sa mga magulang at kapatid.

"Kuya!" sambit ni Elvie kay Elly at patakbong niyakap niya ang binatang kapatid....."Thank you kuya dahil sa iyo ay nakamit ko ang pinapangarap ko, matutupad na ang kahilingan na makapagturo sa isang paaralan, iyon bang makikipagkulitan ako sa mga bata at pinapakinggan nila ang aking mga munting kwento? And because of you ay nasa kamay ko na ang tagumpay ng paghihirap ko at pagsusumikap mo para sa ating pamilya at iniaalay ko sa iyo itong medalya na nakuha ko dahil hindi ko narating ang tagumpay kong ito kung hindi sa tulong mo" luhaang saad ni Elvie at hinubad nito ang suot na medalya saka isinabit sa leeg ni Elly.

"Para sa iyo ito! You deserved what you all have now, ginabayan ka lang namin nila inay at itay.  Kaya dapat mong ingatan kung ano ang meron kana ngayon para manatili sa iyo o kaya ay pagyamanin mo ito para lalo pang umusbong at pagdating ng tamang oras ay mapakinabangan mo ito" makahulugang wika ni Elly.

GENES for HIRE......by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon