Ang daya! Kung bakit pa kasi ako nalipat dito sa first section samantalang ang bobo ko naman. Mahihiwalay tuloy ako sa mga friends ko at kelangan ko pang mag-adjust sa mga bago kong kaklase.
May nakadikit na papel sa gilid ng chalkboard. Sa taas ng papel ay may nakasulat na 'Seating Arrangement'. Nung alam ko na ang seat number ko ay agad ko itong hinanap.
"Ayun! Number 23," bulong ko sa sarili.
Agad akong naupo. Wala pa yung seatmate ko. Nakaayos kasi yung mga upuan by pair, three columns at five rows.
Ang iingay at ang kukulit ng mga tao sa paligid ko. Malamang naman kasi, e mula first year hanggang ngayon na 4th year na kami ay sila na ang magkakaklase. Ako lang ang naiiba, ang saklap!
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Yung seatmate ko na siguro.
Lumingon ako sa right para tignan kung sino siya pero paglingon ko ay bigla akong nakaramdam ng kuryente sa katawan at napatulala.
Tinignan niya ako sa mga mata kaya naman agad akong napaiwas ng tingin.
Hala! Nakalimutan ko! First section nga pala 'tong si hearthrob at mas gwapo siya sa malapitan! Ang swerte ko naman masyado! Lab na lab mo talaga ako Lord. Thank you po!
Hindi nagtagal ay dumating na rin sa classroom ang adviser ata namin.
"Good morning. I'm your class adviser, Mrs. Villa. It's my first time to handle your class so I have an activity prepared for you. I guess lahat naman na kayo magkakakilala, hindi ba? So, madali na lang 'to para sa inyo."
Naku, mali po kayo! Ninety nine point nine percent lang po dito ang magkakakilala at ako po yung natitirang zero point zero one percent. Germs lang ang peg. Ajujuju.
May sinulat si Mrs. Villa sa whiteboard, "Here's your activity. May kailangan lang akong asikasuhin sa office. Pagbalik ko, dapat tapos na 'yan."
♡ ♡ ♡
Okay na siguro to. Totoo naman lahat ng sinulat ko dito at saka hindi ko naman siya kilala eh. I'm just stating the obvious kaya wala naman sigurong mali dito. /Blush/
"Number 23."
Nahirapan din kaya siya sa activity? Ano kayang nilagay niya sa papel?
"Again, number 23. Ms. San Agustin, may balak ka bang pumunta sa unahan?"
Napansin kong nakatingin si 'hearthrob slash seatmate' sa akin. Ay joke lang. Lahat pala sila nakatingin sa'kin!
"A-ako na po ba? Sorry po," dali-dali akong tumayo at naglakad papunta sa unahan habang tawang-tawa naman yung mga kaklase ko.
"Okay. Kindly describe your seatmate," napatingin ako kay hearthrob, nakatingin din siya sa'kin. /Blush/
Flashback **
Hala! Hindi ko nga pala alam kung anong pangalan nitong si hearthrob. Pano na ngayon 'to? Pakapalan na nga lang ng mukha! Kaya mo 'yan, Lala. Fighting!
*sundot. sundot*
Nilingon niya ako - - -
Ampuch, ang gwapo talaga! kalma lang, Lala. Kalma.
"Uhm... anong name mo?" sabay turo ko dun sa papel na pinagsusulatan ko. Napataas siya ng kilay pero sumagot din naman. "Arthur Felix."
End of flashback **