Chapter 17-- Date?
Errol's POV
Simula ng ipakilala ni Kams si SMDL, medyo dumadalas na yung pagkikita namin. Medyo madalas kami magkita sa school. I mean kapag break, sabay kami. Feeling ko nga medyo nahahalata na nung iba naming schoolmates. Okay na din yun. Para ipaalam na may nililigawan na ko.
Several weeks na ang nakakalipas. As usual ihahatid ko siya sa bahay nila. Minsan nagtatampo siya kasi bigla bigla ako mawawala at aabsent. Eh syempre, artista pa din naman ako no. Tuwing gabi, pinapakinggan ko yung mga cd na pinadala niya. Kapag nagrerequest naman ako sa kanya na kantahan niya ko ang sinasabi niya lang nahihiya siya sa akin. Haha ang cute niya kapag nahihiya, parang bata talaga..
-----------------------------------------------------------
*kring kring*
Incoming call..
Babe <3
Bakit kaya siya tumatawag?
"Hello! Good morning!" bati ko sa kanya
["Hello Babe! Punta naman tayo ng mall?"]
"Ha? A-Ah! O sige! Anong oras gusto mo?"
"Now na. Sunduin mo ko ha? Byeee!"
*call ended*
Makaligo na nga at baka maghintay ng matagal si Shiela. Alam ko na ilang araw pa lang simula ng magkakilala kami ni Shiela. At nililigawan ko pa lang siya ngayon, pero siya yung nagsabing tawagin ko daw siyang Babe.
Naligo ako at nag-ayos na ko ng sarili ko at saka pumunta kila Shiela, syempre kasama ko pa din si Manong.
"Errol, pupuntahan na ba natin si Kams?" masiglang tanong sa akin ni manong pagkapasok ko ng sasakyan
"Ay manong hindi po. Pupuntahan ko po yung nililigawan ko."
"Ay ganun ba? Sige, san tayo?"
Medyo dismayado si manong pero, sigurado ko, pag nakita niya si Shiela, mawawala pagka-dismaya niya! Hahaha.
Sa kasamaang palad, nastuck kami sa traffic kasi may nagkabanggaan na van at jeep dito. Nako! Baka naiinip na si Shiela. Iba pa naman magtampo yun.
"Errol, iiba na tayo ng daan ha." sabi ni manong
"Nako sige po para makarating na tayo kila Shiela."
Mga 30 minutes din kami naghintay kanina dun sa daan kanina. Buti umiba ng daan si manong! Pagdating ko naman sa bahay nila Shiela..
"You're an hour late Errol. My God!" bungad niya sa akin sabay roll ng eyes niya. Pero, ang mas kinagulat ko ay yung suot niya. Naka-dress siya na sobrang iksi plus medyo kita pa yun likod niya. Is she trying to impress me?
"Sorry Shiela. Ano tara na?" pagyayaya ko sa kanya..
"So hindi ka man lang mag-eexplain?" medyo mataas pa din yung boses niya nung sinabi niya yan.
"Sorry She. A-Ano kasi.. May nagkabanggaan na van saka jeep don. Eh ang laki ng nasakop nila, kaya umiba na kami ng way ni manong para makarating agad dito."
Hindi ko alam. Parang may parte ng pagkatao ko yung nasaktan? Ang OA ko siguro pero ganun talaga yung nararamdaman ko ngayon. Siguro dahil artista ako? At never pa ko nasigawan ng direktor o ng manager ko na si madam Ai. At lalaki ako at never pa ko nasigawan ng mommy ko. Pero, naiintindihan ko naman siya eh. Ang tagal niya naghintay..
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Novela JuvenilAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)