Chapter Four

52.4K 942 66
                                    

The Intended Wife - Chapter Four

"Ilabas mo na si Chastine! Iuuwi ko ang asawa ko!"

"Asawa? Tangina, sino niloko mo? Hindi mo nga ma-itrato nang maayos si Chastine eh!"

"Ilabas mo na siya! Iuuwi ko na nga ang asawa ko. May karapatan ako sa kanya!"

Nagising ako nang makarinig ng sigawan. Bumangon ako at binuksan ang pinto ng kwarto upang silipin kung sino ang pinagmumulan nito. Kumunot ang noo ko nang makita si Van na kausap si Samantha.

Ano'ng ginagawa niya rito?

Napatigil siya sa pagsasalita nang makita ako. Lumingon din si Samantha sa akin at sinenyasan ako na pumasok ulit sa kwarto.

"Chastine, halika na. Umuwi na tayo," sabi sa akin ni Van.

Hindi ako sumunod kay Samantha kaya lumabas ako at lumapit sa kanila.

"Cha, bumalik ka na sa kwarto at mag pahinga. Kailangan mo 'yon. Sige na, ako na ang bahala rito," sabi ni Sam nang makalapit ako. Pumagitna pa siya upang hindi ako malapitan ni Van.

"Bakit ka nandito?" baling ko kay Van.

"Sinusundo kita. Umuwi na tayo," sagot niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Sam na umiiling sa akin. Tila ba sinasabi niya na 'wag ako sumama. Mukhang napansin 'yon ni Van kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Umuwi na tayo, please..."

Tinignan niya ako sa mata. Para bang nakikiusap siya sa akin gamit ang mga mata niya. Ito ang kahinaan ko.

"S-sam, uuwi na kami. Pasensya na sa abala," sabi ko kay Samantha.

Mariin siyang napapikit at bumuntong hininga.

"Hindi ka pa ba napapagod?" nanghihina niyang tanong sa akin.

Napatingin naman ako kay Van na nakatitig sa akin. Pilit akong ngumiti at mahigpit na hinawakan ang kamay niya at saka sinagot ang tanong ni Samantha.

"Napapagod? Oo naman. Pero 'yong sumuko? Hindi. Mahal ko siya kaya ipaglalaban ko 'yon."

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Van. Kanina'y seryoso siya ngunit ngayo'y tila gusto niyang ngumiti pero ayaw niyang ipakita sa akin.

"Hoy, Viniel! Makakatikim ka ulit sa akin kapag sinaktan mo siya. Subukan mo lang talaga, puputulan kita!" banta ni Samantha sa kanya.

Hindi na nag salita si Van at hinila na ako palabas. Agad siyang sumakay sa kotse kaya sumakay na rin ako.

Nang makarating kami sa bahay ay agad niya akong hinila papasok.

"V-van, masakit!" sabi ko at pilit na inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Akala ko okay na kami.

"Sino ang nagsabi sa 'yo na pwede mong tawagan si Samantha? Ano, nagsusumbong ka na sa bestfriend mo? Alam mo bang nasaktan si Yna ng dahil sa kanya?!" sigaw niya sa akin.

Itinulak niya ako kaya napasubsob ako sa sofa. Namumula na ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin kanina.

"A-alam naman niya talaga ang ginagawa mo sa akin," sagot ko sa kanya.

Lumapit siya sa 'kin at saka hinila ang buhok ko patayo. Pakiramdam ko'y matatanggal na ang buhok ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Sumasagot ka na sa akin, ha? Bakit ba kasi dumating ka pa sa buhay ko? Sana hindi na lang kita nakilala!" sigaw niya. Kusang tumulo ang luha ko nang marinig iyon. Mas masakit pa sa pisikal 'yong binitawan niyang salita. Akala ko okay na kami, 'yon pala hindi.

Ang tanga ko talaga. Ang tanga tanga ko. Hindi na ako natuto. Pero hindi naman maiiwasan kapag nagmamahal, 'di ba? Nagiging tanga ka. Naniniwala ka sa mga sinasabi ng taong mahal mo. Kahit na walang kasiguraduhan kung totoo ba ito o hindi.

"T-tama na, Van. Nasasaktan na ako," pigil ko sa kanya.

"Masasaktan ka talaga! Sa susunod na ulitin mo 'yon, hindi lang 'yan ang aabutin mo! Leche ka!"

Binitawan na niya ako at napaupo ako sa sahig. Kinuha niya 'yong vase at binasag 'yon sa harapan ko.

"Aray!" napasigaw ako nang tumama ang ilang bubog sa braso ko.

Sinubukan ko tumayo ngunit nang subukan ko ay naapakan ko naman 'yong malaking bubog. Nakita ko ang pagdugo ng paa ko dahil sa sugat. Umupo na lang ulit ako at tinignan ang paang may hiwa pa dahil sa bubog.

Nakatingin lang si Van sa akin at hindi makakilos. Pilit akong ngumiti sa kanya, "O-okay lang. Sige na, umakyat ka na at mag pahinga. Ako na ang maglilinis nito."

Pinilit kong tumayo para kumuha ng walis at dustpan. Iika ika ko 'yon winalisan. Hindi ko kasi ma-ilakad nang maayos 'yong isa kong paa dahil sa sugat. Si Van naman ay nakatingin lang sa akin.

Nang matapos ko itong linisin ay bumaling ako sa kanya, "Van, umakyat ka na at mag pahinga. Ako na ang bahala rito," sabi ko.

"'Y-yong sugat mo," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa braso ko na may iilang sugat dahil sa bubog at sa paa kong nagdurugo pa rin.

"Okay lang ako. 'Di naman masakit. Sige na, gagamutin ko lang ito."

Umiwas na siya ng tingin at umakyat na sa taas. Dumiretso ako sa cr at kinuha 'yong first aid kit. Umupo ako at saka nilinis 'ang sugat ko. Mahapdi ngunit kailangan kong tiisin. Naranasan ko na ang iba't ibang klase ng sakit. Ito pa kaya?

Pagkatapos ko linisin ang sugat ay umakyat na rin ako. Papasok na sana ako sa kwarto namin ngunit napatigil ako. Naalala ko kasi 'yong ginawa nila ni Yna kanina. Napailing na lang ako at binuksan na ang pinto. Nakita ko si Van na nakahiga sa kama at tulog na. Tumabi ako sa kanya at saka hinaplos ang kanyang buhok.

"Kahit na sinasaktan mo 'ko, hindi pa rin nabago 'yong katotohanan na mahal pa rin kita. Sobrang mahal kita, Van. Sana hindi mo na ako saktan. Umaasa pa rin ako. Naalala ko noon, kapag nasaktan ako, ikaw ang unang tumutulong sa akin. Ipinagtatanggol mo ako sa mga nananakit sa akin..."

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap na siya.

"I love you, Batman."

The Intended Wife (Completed) [Published on Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon