bestfriEND

18 0 1
                                    

As usual, kapag unang araw ng HS Life, halo halo ang emosyon. May saya kasi panibagong karanasan nanaman at napapalapit ka lalo sa pangrap mo. Humahalang naman dito ang takot dahil bagong kapaligiran ang sasalubong sayo. Mga bagong guro, bagong kaklase, at bagong mga kaibigan. 

Hello! Ako nga si Jarry. Freshman student ng Santos School, pribadong paaralan sa aming lugar. Galing ako sa publikong paaralan. Kaya hindi ko alam pano ako makikibagay sa mga tao sa SS. Halos nagtapos sila sa private school. Ang hirap. nahihiya ako.

Ilang linggo din akong naging loner. Yung pag pasok ko ng classroom, wala ako kausap. Pag magri-recess, ako lang mag isa nakikipagtulakan para bumili ng pagkain. Tapos pagsapit ng lunch break, ako lang ng lunchbox at bote ng tubig ko ang magkakasama. Sobrang nakakalungkot yun kasi wala na yung mga kalaro ko nung elementary.

Pero pinagpatuloy ko parin ang pagaaral hanggang sa paunti unti, nagkakaroon nako ng mga kaibigan. Ang sarap sa feeling kasi hindi nako nag iisa. May kausap nako sa classroom, may kasabay nako sa recess at lunch break.

Pag-uwi galing school, gabi na yun, nagtext sakin yung isa kong kaklase. Si Luissa. Honestly, kahit magkasama kami araw araw, dun palang kami nagkakilala ng sobra. Kinabukasan sa school, binalikan namin mga pinag-usapan namin nung gabi. Tawa kami ng tawa. Kasi nalaman naming kalog pala kaming pareho, at di sinayang ang mga oras, umiral ang kabaliwan namin. Patuloy ang gimik naming yun hanggang sa halos kami na lang magkasama. Kahit na may kasama kaming ibang kaibigan, hindi parin namin inaalis ang oras namin sa isa't isa. Kami na yung magBestfriend. Hindi kami nag iwanan hanggang sa matapos namin ang First year.

Second year nakami. Makikita ko nanaman siya. Sobrang namiss ko sya. Naalala ko tuloy nung bago magtapos ang Freshman life namin. Iyak kami ng iyak kasi matagal din kami hindi magkikita. One month din yun. Ayun, pag pasok sa room. Siya agad ang hinanap ko, sabik na sabik ako.

Ayun. Nagyayari parin yung mga ginagawa namin dati. Yung mga kasiyahan naming magkasama. Pero parang nabawasan. Kasi nawala din iba naming kaibigan, lumipat na ng school. Bagong mukha ang nasa classroom. Mga bagong kakaibiganin. Pero di kami nahirapang makipag kaibigan kasi joined-force kami sa pagapproach. Nakipagkaibigan siya sa mga babae naming kaklase at sa mga kapwa lalaki naman ako. 

Nabawsan ang closeness namin ni bestfriend dahil sa sarili naming circle of friends. Hindi na ganun kahaba ang oras namin para sa isa't isa. Hanggang umabot sa puntong pag pasok sa classroom, nagkukwentuhan na sila ng mga kaibigan nya. At hinihintay naman ako ng tropa ko. Tapos pag recess at lunch, kanya kanya kami ng punta sa mga kainan. Natapos ang Sophomore life namin ng ganun. Nawala ng sobrang closeness namin. Pero hindi naman kami nagkalimutan. Nakakapanghinayang lang ang friendship namin. Pero hindi naman kami nagsisisi kasi masaya din naman kami sa mga bago naming kaibigan. Nagkaroon nga kami ng sariling bestfriend. Nakilala ko si Johnzer.

Junior nakami. Nakalahati na namin ang HS life. Kaya sinusulit na namin ang mga araw. Sobrang nanibago ako sa taong to kasi ang layo ng agwat ng mga trabaho kaysa sa nakaraan. Ang hirap ng mga gawaing pampaaralan lalo na naaatasan ako laging pangunahan ang mga activities. Sobrang bigat ng responsibilidad. May mga oras na umiiyak nalang ako ng patago para di nila malaman na nahihirapan ako. Ayoko ko kasing ipakita sakanila kasi ako rin sinasandalan nila tapos makikita inla ako parang sumusuko. Pero minsan hindi ko na talaga kayang kimkimmin kaya sineshare ko kay Johnzer. Napapagaan naman niya loob ko kahit papano. Pati si Luissa, patuloy parin ang walng kamatayang pagpayo niya sa akin. Pero mas marami na ang oras na nailala ko kasama si Johnzer. Siya na lagi ko kasama. Kahit sa mga problema, siya na rin una akong nilalapitan. Sa mga okasyon, siya na una ko iniimbitahan. Sa mga kasiyahan, siya na madalas kong kasama. Sobrang nagbago na friendship namin ni Luissa. Mag naging close nako kay Johnzer. Ganunpaman, natapos naman namin ang 3rd Year. Salamat nakaligtas kami sa mga pagsubok.

Huling taon na namin. Sobrang sakit man isipin pero sabi nga nila, kailangang tanggapin. Mas dumoble, turiple pa ang hirap ng mga gawain dito. Di ka mabubuhay kung wala kang karamay sa classroom. Ayun, Nagtutulungan kami ni Johnzer sa mga gawaing pampaaralan. Pero kalaunan, parang di na niya ako pinapansin. Napag alaman ko na may iba na pala siyang pinagkakaabalahan. May nililigawan na siya. Kaya yun na palagi niyang kasama. Iniwan na nya ako sa ere. Sobrang nahirapan ako sa pag-aaral ko nun. Kasi wala na ako katuwang.

Isang araw, habang hirap na hirap at umiiyak nalang ako sa sulok, nakasukob, may lumapit sakin. Nagpapasalamat ako sa kasi napag isipan din ni Johnzer ang ginawa nyang pagpapalit sa bestfiend nya sa babaeng nililigawan nya. Hagod sya ng hagod sa likod ko, pero di sya nagsasalita. "Buti naman at naaalala mo pa ako, Johnzer." Sabi ko. Pero hindi sya sumasagot. "Akala ko dun ka nalang sa syota mo." Pagpapatuloy ko. At hindi parin sya sumasagot. "Salamat talaga ha, naramdaman ko na bestriend talaga kita." Wala paring sumasagot. Hagod pa rin ng hagod sa likod ko. Pagbangon ko sa pagyuko, hindi pala si Johnzer ang kinakausap ko. Si Luissa. Sobrang humagulgol dahil doble pa sa sinabi ko ang pinaramdam niya sa akin.

Nagtapos nakami. Natapos ako bilang Valedictorian at nakuha niyang maging Achiever kahit may pagkatamad sya. Kahit papano nagkaayos kami ni Johnzer. At nandyan parin si Luissa sa tabi ko para suportahan ako. Kolehiyo nakami. Sobrang laking adjustment ang kailangan ko. Hindi ko na makakasama si Luissa. Sa Manila na siya papasok habang kami ni Johnzer, hindi parin pinaghiwalay, magkaklase nanaman kami. Pero bakit sobrang laki ng pinagbago niya.

Pagpasok ko sa classroom, nakaupo siya sa kasama ang mga iba kong kaklase. Nagkukwentuhan habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam bakit ganun. Kinakausap ko si Johnzer pero hindi naman sumasagot. Pagspait ng Recess, nag-aayos palang ako ng gamit, palabas na si Johnzer at kasama ang mga bago nyang kaibigan. Sobrang lungkot ko dahil parang bulang tinusok ng karayom ang pinagsamahan namin. Tinanong ko siya bakit ganun nalang. "Wala lang naman ako kaibigan noon e. Wala akong ibang malapitan kundi ikaw kasi matalino. Kahit ayaw ko. Pinilit ko. Baka kasi mahirapan ako sa pag-aaral ko pag wala ako makokopyahan. Wala ako choice. Baka hindi na ako papagaralin ng magulang ko. Pero ngayong College, marami ng mas matalino sayo. Goodbye Friend! HAHAHA." Sobrang sakit ng sinabi nya. Parang sinapo ng pagkatao ko ang isang  nagigibang bundok. Sobrang sakit na nalaman kong ginawa nya lang akong daan para makapasa at iiwan nalang kapag natapos nakong pakinabangan.

Ilang araw ko ring dinaramdan yun. Isang gabi, pag uwi ko sa bahay. Laking gulat ko ng makita ko si Luissa sa sala, nakaupo. Tinanong ko buti at napadalaw siya. "Hindi bat may pasok ka pa bukas, buti lumuwas ka dito?" Sobrang umiyak ako sa sinagot niya. "Kaya kong magsayang ng isang araw ng pag-aaral para sa isang namroroblemang kaibigan. Hindi ko hahayaang tumubo ang sakit na nararamdaman mo. Hindi mo man sinasabi sakin ang pinagdadaanan mo, ako mismo ang gumagawa ng paaraan para malaman ko. Siguro nakalimutan mo na ako bilang Bestfriend mo, pero ako, makalimutan ko na ang isang buong araw na puno ng saya, wag lang ang bestfriend kong bumuo ng daan daang araw na umaapaw ng  ligaya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

bestfriENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon