Chapter 20

110 7 5
                                    

Hi Guys!!

@IamYananymous update here...

-

(69)

Ilanga raw na lang at sasabak na kami sa basketball at ilang araw na din akong umuuwi ng later para lang makapagstay sa basketball practice for at least 2 hours. Kadalasan 1 hour lang talga kami magpractice pero dahil may meeting ng strategies at other stuffs, tumatagal ako. Pero unlike sa ibang courses mas matagal yung sa kanila, engineering daw kasi ang course ko kaya pinalagpas nila ako minsan kapag hindi ko na talaga kaya.

Isang hapon, parang isang miracle na nag-sabay sabay kami ng pagkain ng hapunan. Linggo kasi at ngayon lang nakapagpahinga ang parents namin.

We were really quiet unlike the past dinners. Kaya naman nanguna na kong magsalita upang itanong ang bagay na gusto kong malaman.

I want to research something. Something that is happening inside my body.

Since I can't remember anything....

"Mom." Tawag ko kay Mama at tumingin naman siya sakin habang dahan dahan na kumakain. Nagsalin lang siya ng inumin at uminom at sinagot ako.

"Hmm, ano yo'n Lance?"

Tumingin ako sa paligid. The athmosphere wasn't really good. Pero muli akong lumunok at nagtanong.

"Ano nga po palang kinamatay ulit ni Da-Daddy?"

Tumigil ang lahat sa pagkain, maliban kay Coleen na saglit lang tumigil at nagtuloy tuloy muli na parang walang narinig. Uminom naman si Papa at Kuya Louis ng tubig at nagpatuloy muli. Nginitian lang ako ni Mommy.

"I can't remember anything so I wanted to know."

"Lance." Tawag sakin ni Kuya. Siniko niya ako ng mahina kaya nilingon ko siya. Nakita ko na lang siyang umiling.

"Thank you for the food." Banggit ni Kuya Louis at tinapik ako at sumenyas na sumunod ako sa kanya. Nagthank you na din ako sumunod sa kanya.

Pumasok kami sa kwarto niya. Puno ng sticky notes sa pader, about medicines or medical terms na di ko din alam.

"Woah Kuya may white gown ka na?!"

"No, that was just uhm for our school project. May filming kami about hospital. Ina-ssign nila akong Doctor kaya binigay sakin yan noong student assistant dahil hiniram ng classmate ko."

"Ohhh, astig."

"Lance." He clears his throat. "Why did you do that?"

"What?" medyo naguluhan pa ko. "I just want to know at least, I want to know kung kelan yung death anniversary niya. Okay? Yun lang. Kinalimutan mo na ba si Daddy?"

"Lance it's not that! But in front of—"

"Ah you mean Him?!" I shouted again. Ano bang nangyayari sakin. Nagiging sensitive na talaga ako.

"What?! Him?! He's our new father and for too long!"

"I'm sorry Kuya." Napapikit ako sa inis at halos bumaon ang kuko ko sa balat ko. "Just tell me cause I literally wanna know."

"Lance—"

"Kuya kung mahirap sayong sagutin ang simpleng tanong ko, I can find a way." Tinalikuran ko siya at binuksan ang pinto niya.

'I will find a way...kung simpleng sakit lang ba 'to o ano."

"Lance."

Tumigil ako saglit.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon