"Jada! Jada!"
"Oh bakit?!"
"Si Chae uuwi daw!!! " Tuwang tuwa kong balita sa kapatid ko.
"What?! Kelan daw?! Nako nako kelangan nating magprepare! I'm so excited na!"
"Next month pa pero atleast malapit na din yun"
"Miss ko na talaga si Ate Chae."
"Walangya ka siya naate mo tapos ako hindi? Upakan kaya kita!"
Chae Kim. Cool and full of SWAG.Pinsan kong buo. Maganda, matalino, talented. Si Chae ang dinedescribe ko, hindi ang sarili ko nililinaw ko lang. Magkasundong magkasundo kami niyan. Sila ang may-ari ng school na pinagaaralan namin ni Jada. Pero pumunta kasi siya sa ibang bansa para may gawin. Kaya nagkahiwalay kami. Matapang siya at mataray KUNG may dahilan. Magingat ingat kayo sa kanya kung ayaw niyong matunaw sa mga titig niya.
~
"Class we should have a reperesentative para sa Intrams. Kelangan ay magaling magperform. Yung tipong pang professional na talaga."
"Maam si Jade po. "
"Oo nga kayang kaya niya yan maam."
"So Ms. Kim what do you think?"
"Sinong kalaban?" Yan ang tanong ko. Ayoko naman na masayang lang ang effort ko kung pipitsugin lang naman pala ang kalaban ko no.
"Si Sandra." Pagkarinig na pagkarinig ko nun.
"I'm in" Sandra. Ang babaeng pinaglihi sa haliparot at pinaliguan sa isang balde ng self confidence. Napaka kapal ng make up ng mukha niya! Feeling feelingan siya dito sa shool. Buti nga at hindi pa nagkukrus ang landas namin kung hindi matagal ko nang ibinaon sa lupa ang retokadang mukha niya!
Ang landi landi akala mo naman maganda siya! Nang gagalaiti ako sa galit sa kanya kaya humanda talaga siya! Hinding hindi ko siya papanalunin. Lintek siya.
~
"Ow? Si Sandra ang kalaban mo? Oh this would be exciting haha!" Sabi ni Jada na nakaisip ulit na pumasok.
"I know, kaya ko nga tinaggap ito. Hinding hindi siya pwedeng manalo. Kelangan mabasag na ang sintaas ng mount everest niya na kayabangan."
"Ikaw bakit ba galit na galit ka sa babaeng yan ha? E kung tutuusin wala pa naman siyang nagagawa sa iyo e"
"Basta. Hindi mo na kailangang malaman. Chismosa ka."
Ang totoo niyan, siya lang naman ang umaagaw sa mga nagiging crush ko NOON. Lahat ng gusto ko, siya ang gusto NOON. Kaya ngayon, babaliktarin ko naman ang sitwasyon. Naisip ko nga bakit ngayon lang ako gaganti e dapat noon pa pala. Na delay lang ang revenge ko, pero pag nakarating na sa kanya sisiguraduhin kong magigising na siya sa katotohanan na hindi siya ang pinakamagandang nilalang. Dahil ako yun ;)
~
Shalika's POV
"Really? Sasali ka dun? I'm sure mananalo ka. Ikaw pa haha" Kausap ko ngayon ang pinakamatapobre at laging menopause kong kaibigan, sino pa ba? Nandito ako sa classroom ngayon.
"Ah yun? Sing and dance yata. Ewan ko sa kanya."
"Hahaha tama ka diyan!" Tawang tawa ako sa mga pinagsasabi ni Jade nang may isang palakang pumutol sa kasiyahan ko.
"Excuse me ha, ang ingay mo. " Si Sandra lang naman. Bruha alert bruha alert.
"So? Problema mo na yun"
"Porke kaibigan mo si Jade kung makaasta ka parang sino ka. Alam mo? Tatalunin ko si Jade sa kompetisyon nang maipamukha ko sa kanya that she is nothing compared to me.Sabihin mo yun sa kanya." Aba aba. Lumalaban ang gaga.
BINABASA MO ANG
When the PlayGirl Plays
Teen FictionWhat happens if the playgirl meets the playboy? may mabubuo bang love? o war? Sino ang pipiliin niya? the good boy or the bad boy? Will she take the chance and is she ready to be hurt again?