Ikakasal ka na!

31 0 0
                                    

" Love hindi pa tayo pwede magsama , hindi pa kita pwedeng pakasalan , nag aaral pa ako." Paangil na sabi ni Gary kay Glenda.
" Love , mapapatay ako nina mommy at daddy pag nalaman nilang buntis ako ?"pagtatapat ni Glenda.
" What ? Nagbibiro ka ba love ? " sa mataas na boses ni Gary.
" Oo delayed na ng more than a month ang period ko , at kanina nag pregnacy test ako, positive ang result huhuhu " Umiiyak ng paliwanag ni Glenda.
Nakaramdam ng awa si Gary sa kasintahan , niyakap niya ito.
" Huwag ka ng umiyak. Pakakasalan kita. Pero love alam mo ang sitwasyon ko , wala pa akong trabaho, hindi pa tayo stable, handa ka bang magtiis ?" Pagaalala ni Gary.
" Oo handa ako at isa pa may trabaho naman ako at pwede mo pa ituloy ang pag -aaral mo. Ang mahalaga makasal tayo at hindi kahiya -hiyang magbuntis ako out of wedlock. " pahikbing sagot ni Glenda.

Umuwi si Gary na magulo ang isip, litung - lito. Nagkulong sa kwarto niya. Nagiisip paano niya ito sasabihin sa mommy niya. At nalulungkot siya dahil tuluyan ng walang pag -asa na si Yel ang makatuluyan niyang makasama sa habang buhay. Mahal niya si Yel pero nabuntis niya ang kasintahan.
Lumabas ng kwarto si Gary. Kinausap niya ang mommy niya.

" Oh my Dear son, paano na ang mga pangarap mo ? At ang parents ni Glenda, ano ang sabi nila ? At ang daddy mo, paano ko sasabihin ito sa kanya ?" Puno ng pag aalalang sambit ng mommy ni Gary.
" Mom, I am so sorry. Itutuloy ko pa din po ang pag -aaral ko in a couple of months graduating na ako. Hindi naman pwedeng hindi ko pakasalan si Glenda." Paliwanag ni Gary.
" Yes , exactly ! Hindi pwedeng hindi mo panagutan si Glenda at ako ng bahala sa daddy mo he will understand. " at niyakap ng mommy niya si Gary.
Pinlano na din nila ang gagawing pamamanhikan.

Samantala , si Nel ay abala din sa trabaho niya. Halos wala na siyang oras na magkita sila ni Yel. Nakapag exam na siya at nakapasa na din, isa na siyang ganap na Criminologist kaya naman naging regular na siya sa NBI.

Ako naman, ay isa ng Professional Interior Designer. Masaya ako sa nature ng work ko, mababait ang mga kasama ko sa trabaho at napakabait din ni Miss Arsuella. Bihira din akong makauwi ng weekend. But this weekend since sobrang miss ko na ang family ko kaya I decided to go home.
" Babe can you not make it this weekend ? Matagal na din naman tayong hindi nagkikita ah ! I miss you na ." Pakiusap ko kay Nel.
" Babe hindi ako mangangako ha pero I will do my best, may kaso kasi ng VIP dito na kailangan naming tapusin ang reports, at mga findings. "Hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin pa ni Nel.
" Ok fine. " at pinatayan ko na siya ng cellphone.

Sa bahay,
" Mommmyyy...I miss you muaaahhh..." at niyakap ko ng mahigpit si mommy.
" Oh , Yel anak , mis na mis ka namin ng daddy mo almost a month ka ding hindi nakauwi ah ! Kumusta na ang prinsesa namin ?" Habang yakap ako ni mommy.

Naikuwento ko kay mommy ang saya ko sa work. At nasabi ko din sa kanya ang relationship namin ni Nel na halos malapit ng maputol dahil nagtatampo na ako.

" Yel , that 's normal kasi long distance ang gap ninyo, and speaking of relationship ,mabuti napauwi ka dahil may invitation ka ." At kinuha ni mommy ang kulay dilaw na envelope.
" What is this mom ?" Tanong ko.
"Open it." Sagot ni mommy.
" What ??? Ikakasal na sina Gary at Glenda ? At abay ako ?at isa ako sa entourage ?" Pagtataka ko.
" Oo sa isang buwan na after ng graduation ni Gary next week. At si Nel ay invited din at kasama din sa entourage " paliwanag ni mommy.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang nasaktan ako sa balita na ikakasal na si Gary. Nalungkot ako pero hindi ko pinahalata kay mommy.

Nagpaalam ako kay mommy na pupunta kina Gary to greet him personally, but deep inside gusto kong makita si Gary bago siya matali kay Glenda.

" Hello tita , kumusta po, nandiyan ba si Gary ? " tanong ko sa mommy niya at nagmano din ako.

Niyakap ako ng mommy niya.
" Hay iha ikakasal na ang kababata mo , sa maling panahon, hindi kasi nag-iisip pero nandiyan na yan , wala na kaming magagawa." Malungkot na sabi ng mommy niya.

Ramdam ko ang bigat ng loob nito. At pumasok na ito kwarto ni Gary para tawagin ang binata.

Inayos ko ang sarili ko , hinagod ko ang buhok ko ng mga daliri ko , gusto kong matiyak na maganda ako sa paningin ni Gary.
Hay , naku Yel, ano bang ginagawa mo ? May boyfriend ka na at si Gary ay ikakasal na.
Bahagya akong natauhan.
Oo nga , behave Yel. Smile. Relax.

Ng lumabas si Gary , tumayo ako at
" Uy , grabe ka ha , may balak ka na palang mag -asawa hindi mo man lang pinaalam sa akin Ikakasal ka na ???" Kunwa'y hinampo ko at sabay tapik sa braso niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at iniupo ako sa sofa na katabi niya.

" Kailan ka umuwi ?" Seryosong tanong nito.
" Halos kadarating ko lang. Uy,bakit ganyan ang mukha ng groom, parang Biyernes Santo, di ba dapat masaya ka ? " puna ko.
" Yel hindi lahat ng ikinakasal masaya ." Pagsusungit nito.
" Aba , eh bakit ka pakakasal kung di ka masaya , sira ulo ka pala eh ! Ano bang drama ito ?" Pambubuska ko.

At ikinuwento lahat ni Gary ang nangyari. Nakinig lang ako. At ipinagdiinan niya na nananabik siya sa akin kaya di niya napigilan ang sarili na galawin si Glenda.
Hindi ko alam kung magagalit ako kc ginawa pa niya akong dahilan at hindi ko din alam kung matutuwa ako dahil sa sinabi niyang ako ang mahal niya.

" My gosh ! Gary , how dare you na pagpantasyahan ako ! " tanging nasabi ko.
" Yel I'm sorry , pero yun ang nararamdaman ko that time hanggang nagalaw ko si Glenda." Seryosong tinig ni Gary.
" Magulo ang isip ko Yel .." maiksing sabi nito.
Naramdaman kong tutoo siya sa sinasabi niya kaya niyakap ko siya .

" Nandiyan na yan , all you have to do is to be responsible , harapin mo na yan , this is the reality . Nandito lang ako as Your Bestfriend ." pagbibigay suporta ko habang. Naglean siya sa shoulder ko.
Inangat niya ang ulo ko, hinawakan ang baba ko at tinitigan niya ako.
" Yel tandaan mo ito ha Ikaw ang Mahal ko. Mahal na Mahal. " at hinalikan niya ako sa noo.
Umiwas na ako at nagpaalam kasi baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nangako din akong dadalo sa kasal nila.

Sa bahay , sa loob ng kwarto ko , di ko napigilan ang pag -iyak. Maraming luha. Nasaktan ako lalo na alam kong ako ang mahal ni Gary. Oo , may boyfriend na ako, mahal ko si Nel , pero Mahal ko din si Gary.
Oh shit ! SANA DALAWA ANG PUSO KO , SANA PWEDE KO SILANG PAGSABAYIN. AT NGAYON IKAKASAL KA NA GARY, PAANO NA AKO? IKAW NA LAGING NANDITO SA TABI KO PAG KAILANGAN KO, NGAYON MAG -IISA NA AKO. SI NEL ??? OO BOYFRIEND KO SIYA PERO WALA NA SIYANG ORAS SA AKIN.
Sobrang sakit ang naramdaman ko ngayong alam kong hindi na malaya si Gary. Ikakasal na siya kay Glenda. Oh no ! It hurts at iyak, iyak at iyak pa more. It really breaks my heart. Sana panaginip lang ito.

PASENSIYA NA PO NATAGALAN ANG UPDATE MEDYO BUSY.

ANO BA YAN ? ANO NA ANG NANGYAYARI ! KUNG KAILAN IKAKASAL SI GARY DUON NAMAN NARAMDAMAN NI YEL NA MAHAL DIN NIYA ANG KABABATA AT BESTFRIEND NIYA...
AY NAKU KAKALURKE...

MAY KARUGTONG PA PO...TILL NEXT UPDATE

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon