A rainy Saturday afternoon. Also the most anticipated day of our lives ─ OUR GRADUATION DAY. Masaya ako dahil syempre, ga-graduate na ako ng senior high. But still, there's still a little part in me that makes me feel awkward and anxious. Ni minsan kasi hindi ko nasabi or naparamdam kay Riley na may gusto-slash-pagtingin ako sa kanya. As in NEVER. Sino nga ba si Riley? Well, si Riley McDonough lang naman ang natatanging lalaking nagbigay ng beat sa puso kong pihikan. Laliiiim. Pero, ganun kasi eh. Kahit kelan kasi hindi ako nagka-gusto or nagwapuhan sa isang lalaki. Akala nga ng mga magulang ko tomboy ako eh. Eh kasi naman hindi ko rin sinasabi sa kanila noong nagka-gusto ako kay Railey-mah-lahbbs. Weird noh? Kababae kong tao ang torpe ko. Pero sabi naman ng mga best friend kong sila Marian, Mikee, Marie and Megumi baka daw may gusto rin sakin si fafa Riley-mah-lahbbs, kaya tama lang daw na pa-torpe-kipot effect muna ako. Luhluhluhluhluh?
"Mae? Are you there? Yoo-hoo! Earth to Mae!" naudlot ako sa pagde-daydream ko nang tawagin ako ni Marian na may pakaway-kaway effect pa. Di nyo ba pansin na lahat kaming magkakaibigan ay nagsisimula sa M ang pangalan?
"A-ay! Yes sis?" ay teka, bakit pa-tanong yung huli kong sinabi?
"Ang sabi ko pinapapila na ang section natin sa gilid. Umuusok na ang ears ni Miss Mangubat. Sige ka. Ikaw rin." Hindi pa ako nakaka-respond eh hinigit na niya ako papunta sa pilahan.
Habang nasa pilahan, hindi parin talaga nawawala sa isip ko ang boy of my dreams at kung paano ko sasabihin sa kanya ang aking hidden feelings.
"Iniisip mo SIYA noh?" kailangan talaga i-emphasize ang SIYA? Well, alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya dun.
"Hi-hindi ah! Ano ka ba!" sabay mahinang palo ko sa braso niya.
"Ayiie! Deny-deny ka pa jan! Nagba-blush ka naman eh!" anu raw? Ako namumula? Anla! Peram nga ng salamin!
"Heh! Cut it out! Blush on lang yan noh. Napa-rami lang ako ng lagay." yan ang tinatawag na PALUSOT.COM! Di naman talaga ako naparami ng blush on. Wala nga akong kamake-up-make-up eh.
"Blush on daw? Weh? Palusot mo lelang mo! Wala naman yan kanina eh!"
"Ewan ko sayo." yun nalang nasabi ko. Wala na eh. Wala nang lusot.
"Sooowss! Pero di nga sis, seriously. Iniisip mo siya noh?"
"Umm... Oo?" ay nyemers, bakit patanong?
"Kelan mo ba kasi sasabihin?"
"Bahala na mga Minions."
"Kawawa naman ang mga cute na Minions. Lagi mo nalang sakanya inaasa ang mga desisyon mo sa buhay di ka naman nila kapatid."
"Eh di ko kasi talaga alam kung pano eh."
"Torpe." sabay behlat niya sakin.
"Che. Masokista ka kasi."
"Psh." yun nalang nasabi niya kasi alam niyang totoo yun. Wehehehe!
"Belen! Ellevera! Ano pang hinihintay niyo bago kayo umalis jan sa kinatatayuan niyo? Pasko?" bumungad sa harapan namin ni Marian ang isang Miss Mangubat na umuusok ang tenga. Kakadaldalan namin ni Marian eh di namin namalayan na nasa likod ng stage na pala ang buong section, at kaming dalawa, standing still parin dito.
"Y-yes Miss! Susunod na po!" sabay naming sabi at kumaripas na ng takbo sa likod ng stage.
***
After hours and hours, natapos narin ang graduation ceremony. PAAAAAAYYYNAAAALLLLIIIIIIII! We all can now be called GRADUATES! I'm gonna miss my friends so much. Magkikita-kita parin naman kami since we all agreed na mag-aral sa parehong university, ang kaso nga lang, magkakaiba kasi kami ng course, meron namang pareho ng course kaso iilan lang. I'm starting to think as my college life to be AWKWARD. Why awkward? Same kasi kami ng course ni Riley. Meaning, halos magkakabungguan kami araw-araw. I know it's something I should not be afraid of but still, may awkwardness na dumadaloy sa dugo ko tuwing nagtatagpo ang landas namin. Well, it goes that way eh.
BINABASA MO ANG
Memories of pouring rain
Short StoryThis story is a work of fiction, Names, characters, places and incidents are either a product of author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people living or dead events or locales are entirely coincidental. Copyright © 2013...